CHAPTER 57

24 1 0
                                    

(057)

SEIRHO POV

Nang makapasok kami ng kotse ay hindi ko kaagad 'yun pinaandar at pinakiramdaman ang sarili ko.Nagseselos ba 'ko? Baka parte lang 'to ng plano diba? Eh bakit nagseselos ako? Oo nagseselos ako e.

"Akala ko ba ihahat-psh nevermind" pagsusungit ni Axquecia ng mapansin na hindi ako nagmamaneho at nanatiling tulala sa kawalan.

Napalingon na lang ako sa kaniya na ng lumabas ito ng kotse. Ang akala ko ay nababagot lang siya pero hindi pala,para makita siya ni Mallix na paparating.

"Hoy. Si Lux kasi e nagsabi na 'kong ikaw ang maghahatid sakin" sabi ni Axquecia na para bang nagsusumbong.

"A-ah ganu'n ba?" Sabi ni Mallix na sinilip pa ang kotse ko. "Ikaw ang bahala. You go with me or him?" nakangiting tanong ni Mallix na halatang normal naman sa kaniya pero parang nanghahamon ang dating sakin.

Lumabas ako ng kotse maya sabay silang napalingon sa akin. Napalunok pa si Axquecia na lumingon sakin pero agad ding iniwas ang tingin.

"Sige 'wag na tuloy HAHAHAHA masyado kang napepressure e. Just go with Lu-"

"No" seryosong sabi ko na pumigil sa sinasabi ni Mallix na sabay silang napalingin sakin. "Let Axquecia guess where she want to go with" nakangiting sabi ko.

Napalunok naman si Mallix na nailang na tumingin sakin habang sinamaan ako ng tingin ni Axquecia.

Actually alam kong walang balak makipag kompetensiya si Mallix dahil napapansin ko 'yun sa ilang buwang nakaraan. Nagsasama sila pero bihira na lang at hindi talaga sweet si Axquecia.

"Lux,Daddy told him that he need to go home with me.Daddy invited him for a dinner" inis na sabi ni Axquecia,para bang bobo ako at pinipilit na ipaintindi sakin tsk tsk.

Naguguluhan naman akong naglipat lipat ng tingin sa kanilang dalawa.

"For what?" seryosong tanong ko.

Mas close ako ni tito Primo pero ininvite niya si Mallix kaysa sakin?tsk tsk. Hustisya!

Napabuntong hininga naman si Axquecia at parang nauubusan na ng pasensiya.

"Psh. Dinner nga s-"

"Why?" nakataas ang isang kilay na tanong ko.

Napangisi naman si Axquecia tsaka nagcross arm habang naiilang naman si Mallix sa presensiya ko na kakamot kamot lang sa batok habang naglilipat lipat ng tingin saming dalawa ni Axquecia.

"To much jealous huh" parang nang aasar pa ang tono niya tsaka pasinghal. "They have meeting okay? Business meeting why Daddy invited him for a dinner"

Business tsk tsk.

Napalingon naman ako may Mallix na nakatingin sa akin pero agad ding yumuko para maiwasan ang tingin ko.

"Okay. Sige mauna na 'ko s-"

"I go with you"

Tatalikod na sana ako pero bigla siyang nagsalita.Dahan dahan akong lumingon sa kaniya. Kunot ang noo niya at para bang napipilitan pa tsk tsk.

SHS SERIES I: SECOND VERSION | ✓Where stories live. Discover now