chapter 1-5

992 12 1
                                    

CHAPTER 1 (SIMULA)
MM'S P.O.V
                Hello sa inyong lahat, ay! Oo nga pala dahil simula lang ng story na ito. Kailangan ko munang magpakilala! Pero pwede bang huwag na! Nakakalurkey kasi!. Pero sige na nga!
                 Hello ulit sa inyo! Ako nga pala si Marcos Miguel Garcia. Pero tawagin niyo na lang akong 'MM' ibig sabihin ay 'magandang-maganda' hahaha! Charr lang!! Pero maganda talaga ako at bawal kumontra doon. Masyadong mahaba kasi ang pangalan ko, at hindi ko din Keri no! Ganda kong ito tapos ang gwapo ng pangalan ko! Duh!. Pero balik tayo nandito ako ngayon sa dressing room ko. Naghahanda para sa interview ko, para sa gagawin kong movie. Yes! Tama ang basa niyo at hula niyo, isa akong artista! Isang sikat na artista. Pero ayaw kong ipagmayabang iyon, dapat humble lang tayo.

"Meme! May naghahanap sayo!"rinig Kong sigaw ni Rhian mula sa labas. Sino naman kaya iyon?

"Sino daw?"ganting sigaw ko..

"Si Tyrone! May sasabihin lang daw sayo! Ano papapasukin ko ba?"sagot naman niya. Hay! Ano naman kaya ang kailangan nito?

"Ok sige! Papasukin mo!"sagot ko,
Rinig ko namang bumukas ang pinto, at alam kong si Tyrone na ito. Kaya hindi ko na kailangang tingnan pa.

"Anong kailangan mo?"agad na tanong ko sa kanya.

"Ate M naman! Pumunta lang dito may kailangan na agad"sagot naman niya habang umuupo sa tabi ko. Tiningnan ko naman siya..

"At bakit? Sadya naman kapag pumupunta ka dito! O tinatawagan ako eh para may hilingin o ipakiusap sa akin"sabi ko naman sa kanya.
Napakamot naman siya sa ulo niya..

"Oo na! Nahiya tuloy ako"sabi naman niya, tumayo naman ako sabay harap sa kanya habang nakapameywang.

"Aba! Meron ka pala noon! Ano?"asar ko pa..
"Ate M naman eh! Huwag na nga lang!"tampo-tampuhan na sabi pa niya. Inirapan ko lang naman siya..Asus!
"Okay sige na! Hindi na! Ano ba iyon ha? Bilis! Alam mo naman na may interview pa ako pamaya" tanong ko pa..kaloka talaga ito! Pasalamat siya at kaibigan ko siya. Ngumiti naman siya ng ubod ng laki..
"Uy!uy! Tinatanong ko pa lang kung ano iyon? Hindi pa ako pumapayag diyan sa ipapakiusap mo! Kaya pamaya ka na ngumiti ng ganyan!"saway ko sa kanya.
"Kahit na ate M! Alam ko naman na doon din naman papunta iyon eh"nakangiting sabi niya..
"Wow! Naman! Iba din! Ikaw na!"sagot ko pa sa kanya..
"Naman eh!! Pero heto na nga po ate M! May ipapakiusap po sana ako sa inyo-.."
"Lagi naman eh! So ano nga iyon?"sabat ko..paligoy-ligoy pa eh! Doon din naman ang tungo noon!
"Hindi lang makapaghintay ate M?"tanong naman niya sa akin. Tinaasan ko naman siya ng kilay..
"Kung palabasin kaya kita diyan? Ano gusto mo?"pagtataray ko pa, ngumiti lang naman siya..
"Eto naman! Joke lang! Iyon nga po ate M! Ipapakiusap ko po sana, na kung pwede po na..tulungan niyo po iyong friend ko po. Kailangan po kasi niya ng trabaho! Eh nagkataon po na di ba naghahanap po kayo ng P.A.? Kaya kung pwede po sana siya na lang iyong kunin niyo"pakiusap pa niya..napakunot naman ang noo ko. Oo nga kailangan ko ng P.A ngayon..
"Babae o lalaki?"tanong ko sa kanya..napaiwas naman siya ng tingin..
"Babae po"sagot niya, hayun! Kaibigan daw? Maniwala ako!
"Kaibigan mo lang ba talaga? Iyong totoo?"tanong ko pa, napakamot lang naman siya sa ulo niya..
"Eh..ang totoo po niyan ate M!..Gf ko po siya"pag-amin niya, hayun! Umamin din! Sabi ko na nga ba eh!
"Eh bakit hindi ikaw ang maghire sa kanya? Bakit sa akin pa?"tanong ko ulit.
"May P.A na po kasi ako ate M! Tapos hindi po pwede iyon! At ayaw din niya po ng ganun! Atsaka po secret lang naman po iyong relasyon namin. Kaya dapat pong mag-ingat! Alam niyo na! Bawal!"sagot naman niya. Napailing na lang ako..
"Bawal ba talaga? O ayaw mo lang talagang ipakilala siya? Hay naku! Ewan ko sayo! Pero okay sige! Papuntahin mo siya bukas sa akin!"sabi ko naman sa kanya..
"Talaga ate M? Salamat talaga! The best ka talaga!"sabi niya sabay yakap sa akin. Agad naman akong kumalas sa pagkakayakap sa kanya. Baka may makakita pa sa amin, iba pa ang isipin..
"Pero maiba ako! Maitanong ko lang! Ano ba iyong natapos ng Gf mo?"di ko maiwasang itanong..
"Business Management po! Kaso wala pa po kasi siyang nakukuhang trabaho. Kaya tinulungan ko po siya, nasabi ko kasi sa kanya na naghahanap ka ng P.A. at hayun sabi niya kahit P.A lang daw okay na sa kanya. Para lang daw may pagkunan siya kahit papano, nakabukod na po kasi siya sa magulang niya. Gusto daw po kasi niyang maging independent"sagot naman nito. Tumango lang ako..interesting..
"Okay! Sige papuntahin mo siya bukas, para makausap ko siya. Titingnan ko kung makakapasa siya sa standards ko"nasabi ko na lang..kawawa naman kasi..
"Okay po ate M! Salamat po talaga! Malaking tulong po ito sa kanya, sigurado akong matutuwa siya."tuwang-tuwang sabi niya pa at niyakap ulit ako. Kanina pa siya yakap ng yakap ha..trip siguro ako nito..
"Oh tama na!! Oo na!! Kanina ka pa yakap ng yakap diyan eh! Trip mo ako no?"tukso ko pa sa kanya. Agad naman siyang napahiwalay sa akin..
"Ate naman eh!! Walang ganun!"kaagad na sabi niya, natawa naman ako.
"Hayan! Maganda ng malinaw!"natatawang sabi ko pa.sabay kindat sa kanya.
"Ewan ko sayo ate M! Sige na alis na ako! Salamat ulit!"paalam pa niya..
"Hep! Teka lang!"pigil ko sa kanya..
"Bakit po?"tanong niya..
"Maitanong ko lang, ano ang pangalan ng Gf mo?"tanong ko..ngumiti naman siya..
"Alexandra Kate Roxas po"sagot niya..tumango na lang naman ako..
"Okay!!"nasabi ko na lang..at tuluyan na siyang umalis...









Unexpected Chemistry (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang