CHAPTER 169

34 5 0
                                    

ALEX'S P.O.V 
Medyo sumakit ang ulo ko sa naamoy ko kanina. Unti-unti ko namang iminulat ang mata ko. 
"Teka! Nasaan ako?" Tanong ko sa sarili ko. 
"Hello po Ma'am! Mabuti po at nagising na kayo! Kanina pa po kasi sila naghihintay" magalang na sabi ng isang babae sa akin. Napakunot naman ang noo ko
"Ha? Ano pong ibig niyong sabihin? Ano bang nangyayari?" Tanong ko sa kanya. Pero ngumiti lang siya sa akin at pinagbuksan ako ng pinto ng sasakyan.
"Tara na po Ma'am! Naghihintay na po si Sir sa inyo!" Nakangiti niyang sabi habang inaalalayan ako. Parang may hinila na ako kung anong nangyayari. Parang nanginginig ang tuhod ko habang humahakbang papunta sa simbahan. 
"Dito na lang po muna tayo" sabi niya. Saka niya ako iniwan sa gitna. Hanggang sa unti-unting bumukas ang pinto ng simbahan. 
"Sige na po Ma'am" sabi pa niya sa akin. Hindi ko naman mapigilang hindi maluha. Hindi ko inaasahan ito! Buong akala ko matagal pa ang kasal namin! At lalo akong napaiyak ng makita ko sina Mama at Papa sa gilid, habang hinihintay ako. Nakadagdag pa sa emotion ko ang kantang "Destiny!" Habang naglalakad ako.
"Ma! Pa!" Naluluhang sabi ko. Ngumiti lang naman sila sa akin at yinakap at hinalikan ako. Tapos ay inalalayan ako sa paglalakad.
"Huwag kang umiyak Princess! Papangit ka niyan! Gusto mo bang pangit ang itsura mo sa kasal mo" pagbibiro pa sa akin ni Papa. Kaya naman natawa ako
"Hayan!" Sabi naman ni Mama. Ngumiti na lang naman ako
"Thank you mama and papa" pasasalamat ko. Ngumiti naman sila sa akin
"Doon ka tumingin Princess! Sa harapan mo!" Bulong pa ni Papa. Napangiti na lang ako ng magtama ang paningin namin ni MM. Ang gwapo niya, lalo! Kahit naiinis ako sa kanya kasi Hindi niya sinabi sa akin ito! Pero nagpapasalamat ako kasi sa surprise niyang ito sa akin.
"Ang ganda mo!" Agad na sabi niya sa akin pagkalapit namin sa kanya. Pasimpleng kinurot ko naman siya
" Nakakainis ka! Bakit Hindi mo sinabi sa akin ito! Para ako tuloy sira! Na walang kaalam-alam sa mismong kasal ko"reklamo ko sa kanya.
"Surprise nga di ba? Kaya Hindi pwede sabihin! Atsaka ayaw ko ng patagalin pa na Hindi tayo magkasama" sagot naman niya. Kaya napangiti na lang ako, at agad na niyakap siya.
"Ehem! Nasa simbahan kayo!" Tawag pansin ni Mama. Kaya agad kaming naghiwalay ni MM.
"Oh! Iho! Hindi ko na kailangan sabihin sayo na alagaan mo sila! Dahil alam ko naman na gagawin mo ito! Ang tanging masasabi ko na lang ay mahalin mo sila at huwag mong papabayaan. Nandito lang kami kung kailangan niyo ng tulong"sabi pa ni Papa sabay yakap Kay MM.
"Thank you Pa!" Sagot naman ni MM. Napangiti na lang ako.
"Anak! May tiwala ako sayo! Kaya huwag mong sisirain ito ha! Ikaw na ang bahala Kay Alex at Sofia! At kung may problema kayo! Nandito lang kami!" Sabi naman ni Mama at yumakap din Kay MM. 
"Thank you din po Ma sa tiwala po sa akin" sabi ni MM. At nagmano sa kanilang dalawa ni Papa. Lumapit naman sa akin si Nanay.
"Hi Anak! Masaya ako at ikaw ang napiling mahalin ng anak ko. Salamat sa pagdating sa buhay niya ha! Salamat sa pagmamahal at pag-aalaga mo sa kanya. Ikaw na ang bahala sa anak at apo ko. At kung kailangan niyo ng tulong nandito lang ako. "Sabi naman sa akin ni Nanay. At niyakap ako.
"Salamat po Nay!" Sagot ko at nagmano sa kanya.
"Princess! Kapag sinaktan ka nito! Sumbong mo lang sa amin ng mama mo kami na ang bahala sa kanya" bilin pa ni Papa sa akin. Natawa na lang ako
"Si Papa naman eh! Hindi ko po sasaktan si Alex! Mahal ko po iyan" sagot naman ni MM.
"Alam ko! Pero mabuti ng nagsisigurado" sabi naman ni Papa
"Oh siya tama na iyan!" Saway naman ni Mama. Kaya tumingin ako sa kanya. Agad ko naman siyang niyakap
"Ma!" Sabi ko.
"Masaya ako sayo anak!" Sabi lang niya saka hinalikan ako.
"Hep! Ang drama niyo daw diyan! Paano naman daw siya" singit naman ni Ate habang buhat si Sofia. Napangiti naman ako at kinuha si Sofia
"Ang cute! Cute mo baby! Masaya ka ba para sa amin ni Daddy?" Kausap ko sa kanya. Saka hinalikan siya. Tumawa lang naman siya
"Hi baby! Namiss ka ni Daddy! Ako ba namiss mo? Diyan ka lang muna ha! Behave ka lang! Magpapakasal lang sina Mommy at Daddy! Para happy together ulit tayo" sabi naman ni MM Kay Baby. Saka hinalikan din siya, tumawa naman lalo si Sofia.
"Oh siya! Tama na iyan! Naiinip na si Father oh!" Sabi naman ni Ate at kinuha sa amin si Baby.
"Tara" yaya naman sa akin ni MM. Ngumiti naman ako at sinakwit ang kamay ko sa kanya.
"I love you" bulong niya sa akin.
"I love you too" sagot ko. Akma naman niya akong hahalikan ng tumingin si Father.
"Ehem! Mamaya na iyan! Kasal muna!" Sabi pa ni Father. Dahilan para natawa ang mga tao. Kakahiya!

-

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon