CHAPTER 20

122 7 0
                                    

MM'S P.O.V
Last day na ng shooting ngayon! At hindi ko kasama ngayon si Alex. Nagpaalam kasi siya sa akin na may pupuntahan siya ngayon. Kahit ayaw ko naman siyang payagan eh, wala rin naman akong magagawa. Ang lakas kasi ng convincing power ng babaeng iyon. 
"Oh meme! Bakit ang tahimik mo yata ngayon? Namiss mo ba?"pang-aasar sa akin ni Jon. 
"Che! baklang ito! Tumigil ka diyan!"saway ko sa kanya. Natawa lang naman siya. 
"Oh! Anong pinag-uusapan niyo diyan?"tanong naman ng dalawa na bagong dating lang.
"Wala!"maikling sagot ko. Lalo namang natawa si Jon.
"Hahaha! Tinatanong ko lang kasi Kay meme, kung bakit medyo matamlay siya."sagot naman ni Jon. Sinamaan ko naman siya ng tingin.
"Ah! Ganun ba? Oh bakit daw matamlay siya?"tanong naman ni Rhian. Pero halata namang nang-aasar lang.
"Dahil daw may namimiss siya"natatawang sabi pa ni Jon. Hindi ko naman napigilan na sipain siya. Kabuwesit eh!
"Buwesit kang siraulo ka! Wala akong sinasabing ganun! Huwag kang sinungaling!"pasigaw na sabi ko sa kanya. Nagtawanan naman sila..
"Hahaha at sino daw ang namimiss niya?"tanong pa ni RC habang tawa ng tawa.
"Eh sino pa? Eh di iyong wala"natatawang sagot naman ni Jon. Tawa lang sila ng tawa. 
"Teka mga beks! Sino ba iyong wala?"tanong pa ni Rhian habang tumatawa parin.
"Eh sino pa ba?"tanong pa ni Jon tapos nagkatinginan sila.
"Eh di si Alex!!"sabay-sabay nilang sabi. Hindi ko naman kineri ang mga kalokohan nila, kaya tumayo na ako.
"Bahala kayo diyan! Mga siraulo! Buwesit!!"sabi ko pa sabay alis.
"Uy meme sandali!!!!"tawag pa nila pero hindi ko na sila pinansin. Bahala sila!! Kapikon eh!! Nagdiretso na lang ako sa puwesto nina direk. Na abalang-abala, ang aga ng call time tapos hindi pa naman kami nagsisimula. Kaloka!! 
"Direk!!"tawag ko sa kanya, pero sinenyasan lang niya ako na sandali. Okay! Umupo na lang muna ako at chinicka ang mga staff.
"Uy teh! Anong meron? Bakit di pa tayo nagsisimula?"tanong ko kay ate Angie.
"May inaayos lang! Pero magsisimula na tayo, iniintay lang natin si direk. May kausap pa kasi siya atsaka nagreready pa si a...ah iyong kaeksena mo"sagot naman niya, lalo naman akong nacurious kung sino ba talaga si unknown person.
"Uy teh! Sino ba talaga iyong unknown person na iyon? Gwapo ba siya?"pag-usisa ko pa. Natawa naman siya
"Basta! Makikita mo din at makikilala siya pamaya. Sigurado akong magugulat ka"makahulugang sagot niya. Napasimangot naman ako..
"Ay! Ang daya mo naman teh!!!"sabi ko pa. Natawa lang naman siya, maya-maya pa ay dumating na si Direk.
"Pasensiya na! Medyo natagalan tayo"hinging paumanhin ni direk.
"Ay naku direk! Anong medyo ka diyan? Sobrang tagal mo kaya"pambabara ko pa. Binatukan lang naman niya ako.
"Aray direk ha! Mapanakit ka!"reklamo ko pa. 
"Ewan ko sayo MM! Ay siya! Magready ka na at magsisimula na tayo"utos pa niya sa akin. Tumango na lang ako bilang sagot.
"Sigurado akong magugulat ka"dagdag pa ni direk. Napakunot-noo naman ako.
"Bakit naman ako magugulat direk?"tanong ko.
"Basta! Abangan mo na lang pamaya!"sagot naman niya.
"Ewan ko sayo direk! Pasuspense ka pa! Pero maiba! Ano bang ending nito? Nakakaloka ha! Ang tagal ko narin iniisip kung anong mangyayari sa movie na ito!"tanong ko pa sa kanya.
"Okay gusto mo na bang malaman?"balik na tanong niya sa akin.
"Aba'y malamang! Kaya nga nagtatanong di ba?"pabalang na sagot ko.
"Eh di magstart na tayo"yaya pa niya. Madaya talaga ito! Tumayo na naman ako at pumuwesto na. Ang gulo talaga nila, ang dami nilang pinalitan sa story! Tapos, pasuspense sila sa ending. Ayaw din nila sabihin sa akin kung sino ang huling kaeksena ko. At kanina ko pa pinagtataka kung bakit ganito iyong outfit ko. Hay naku!!
"Okay ready na!"sigaw pa ni direk..
-
(SCENE:)
Nagpatuloy ang sagutan namin sa twitter ni @babymo kaya naman, lumikha ito ng ingay sa online world. At hindi ko alam pero nag-enjoy ako sa sagutan namin, parang pakiramdam ko matagal ko na siyang kilala. At ngayon nga excited na ako na makilala siya, ngayong araw kasing ito nakatakda ang pagkikita namin. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan, pero nandoon parin iyong excitement. (Totoo po iyon! Kinakabahan talaga ako kung sino ba talaga itong kaeksena kung ito). Nakaupo lang ako sa gilid ng restaurant, pansin ko din na may mga nakamasid sa amin. Mga fans siguro, at mga dakilang usisero, hahaha charr lang!! Dahil nga sa kinakabahan ako, uminom muna ako..
"Excuse me..."natigil naman ako sa pag-inom at dahan-dahang tumingin sa kanya. Oh my G!!!

-

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant