CHAPTER 120

73 6 0
                                    

MM'S P.O.V 
Pagkaalis ni Alex ay agad akong umayos ng upo para kausapin sina mama at papa. 
"So iho! Ano ang gusto mong sabihin sa amin?"tanong agad ni mama. Huminga muna ako ng malalim bago sabihin sa kanila ang lahat. Tahimik lang silang nakikinig hanggang sa matapos ako.
"Sigurado ka ba diyan iho?"nag-aalalang tanong ni mama. Tumango naman ako
"Opo ma! Kaya sana po, kaya po muna ang bahala sa mag-ina ko"sagot ko. 
"Makakaasa ka na hindi namin pababayaan sila! Pero nag-aala lang ako! Siguradong hahanapin ka niya, at mag-iisip siya"sabi ni mama. 
"Alam ko po iyon! Pero please po! Kayo na po muna ang bahala! Saka ko na po ipapaliwanag ang lahat pagbalik ko"pakiusap ko. 
"Wala na bang ibang paraan? Kailangan mo ba talagang umalis At hindi magpakita sa kanya?"seryosong tanong ni papa, tumango naman ako
"Yes po Pa! Kailangan ko po itong gawin. Kaya sana po mintindihin niyo po ako"sagot ko.
"Okay! Sige! Kami na ang bahala! Payag na kami sa gusto mo. Pero sisiguraduhin mong magiging maayos ang kakahinatnan nito. Dahil ayaw naming masaktan ang aming Prinsesa. Kaya binabalaan kita! Umayos ka!"sagot ni Papa. Napangiti naman ako at agad na tumango.
"Salamat po Pa! Ma! Promise po! Magiging maayos po ito!"pangako ko. Tumango naman sila.
"Siguraduhin mo iho! Dahil kung hindi! Sinusigurado ko, na hindi mo na makikita muli ang mag-ina mo!"banta pa ni Papa. Tumango naman ako.
"Opo! Pangako po"sagot ko. Nagpapasalamat ako kasi pumayag sila! Alam ko na hindi magiging madali ito para sa amin ni Alex. Pero kailangan naming magtiis muna, para maging maayos ang lahat. Napatingin naman ako sa relo ko, naku! Late na ako! Agad na akong tumayo
"Sorry po Pa! Ma! Pero kailangan ko na pong umalis! Malelate na po kasi ako"paalam ko pa. Tumayo din naman sila
"Hindi ka muna ba magpapaalam kay Alex?"tanong ni Papa. Umiling naman ako
"Hindi na po! Mas mahihirapan lang po akong umalis kung magpapaalam pa po ako sa kanya."malungkot na sagot ko. Tumango na lang sila at niyakap ako
"Okay iho! Mag-iingat ka ha!"sabi ni mama habang yakap-yakap ako. Tinapik naman ni papa ang balikat ko
"Mag-ingat ka iho! Huwag kang mag-alala kami na muna ang bahala sa mag-ina mo."sabi naman ni papa. Tumango na lang ko
"Salamat po ulit! Sige po mauna na po ako! Kayo na po ang bahala sa kanila ha! At pasabi din po sa kanila na mahal na mahal ko po sila"sabi ko pa at tuluyan na ngang umalis. Pero bago ako lumabas ng pinto ay tumingin muna ako sa taas, kung saan nandoon si Alex.
'Aalis muna ako Baby ha! Pero pangako babalik din ako! Pangako! Mahal na mahal ko kayo! Paalam'
Hindi ko naman mapigilan na hindi mapaluha. Mahirap para sa akin ito pero kailangan ko itong gawin. Kailangan ko muna siyang tiisin! Naglalakad ako papunta sa sasakyan konng biglang tumunog ang Cp ko kaya kaagad ko itong sinagot.
"Hello sis"sagot ko.
"Hello sis! Nasaan ka na?"tanong niya. Agad na rin naman aoong pumasok sa sasakyan ko.
"Nandito pa ako kina Alex! Kakaalis ko pa lang kasi! Pero don't worry papunta na ako diyan"sagot ko.
"Sigurado ka ba sa gagawin mo? I mean hindi mo ba talaga sasabihin sa kanya?"tanong pa niya. Napabuntong hininga na lang ako
"Ayaw kong malaman niya sis! Alam mo naman ang dahilan di ba?"sagot ko.
"I know! Pero sis! Karapatan niyang malaman ang totoo"sabi pa niya. Umiling naman ako kahit hindi niya nakikita.
"No! Ayaw ko! Hindi na niya kailangang malaman pa! Ayaw kong mag-alala siya! Ayaw kong masaktan siya"sagot ko.
"Pero sa tingin mo ba hindi siya mag-aalala At hindi siya masasaktan?"tanong niya ulit. Natigilan naman ako, tama siya, kahit anong gawin ko, masasaktan at mag-aalala siya. Pero hangga't kaya kong ilihim gagawin ko.
"Naiintindihan ko ang ibig mong sabihin! Pero di na niya kailangan pang malaman! Pagbalik ko na lang"sagot ko.
"Okay! Bahala ka! Bilisan mo na lang! Late ka na sa flight mo"sabi pa niya. 
"Okay! Okay! Papapunta na ako diyan!"sagot ko.
"Sige! Hintayin ka namin! Mag-ingat ka"sabi pa niya. 
"Sige! Salamat"sagot ko at ibinababa na ang tawag. Huminga muna ako ng malalim at bumuga ng hangin. 
'Magiging maayos din ang lahat'
Kinuha ko ulit ang cp ko at tiningnan ang picture ni Alex.
"Babalik ako Baby! Hintayin mo ako ha! Huwag kang mag-alala! Babalik ako"sabi ko pa sabay halik sa picture niya. 
"Hindi ko gustong iwan ka! Hindi ko gustong umalis! Pero kailangan ko itong gawin"
Pinahid ko ang luha ko, at ibinaba na ang cp ko.
"Mahal na mahal kita! Alex! Mahal na mahal ko kayo ni Baby"umiiyak na sabi ko pa. Napaubob na lang ako sa manubela ko. 
'Babalik ako! Babalik ako' 
paulit-ulit kong sinasabi. Agad kong pinahid ang luha ko at pinaandar ang sasakyan ko.
"Babalik ako Alex"

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Where stories live. Discover now