CHAPTER 117

77 6 0
                                    

ALEX'S P.O.V
Kasalukuyan kami ngayong bumabiyahe. Kakagaling lang namin sa Hospital para magpacheck-up. Okay naman daw si Baby, healthy! Kaya sobrang happy naming dalawa. 
"Uy! Teka! Saan tayo pupunta? Hindi ito ang daan papunta sa bahay ah!"takang tanong ko sa kanya ng mapansin kung iba iyong dinadaanan namin. Tumingin naman siya sa akin tapos ay ngumiti.
"Hindi nga! May pupuntahan pa kasi tayong iba!"sagot niya. Napakunot naman ang noo ko
"At saan naman tayo pupunta aber?"tanong ko sa kanya.
"Kina mama at papa"balewalang sagot niya. Dahilan para manlaki ang mata ko
"Ano?? Bakit di mo man lang ako sinabihan na may balak ka pa lang ganun! Eh di sana nakapaghanda man lang ako"sabi ko sa kanya. Alam naman niya na hindi pa ako ready humarap kina papa eh! Last kaming nanggaling doon pinagbilinan niya kami na kasal muna bago Baby. At umoo naman kami doon, kaso hindi rin naman namin natupad! Kasi ang landi nitong kasama ko. Napatingin naman ako sa kanya ng maramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko.
"Huwag kang mag-alala! I know matatanggap din nila si Baby"nakangiting sabi niya. 
"Di ko maiwasan eh! Alam mo naman na kabilin-bilinan nila di ba na kasal muna bago bata"nag-aalalang sagot ko sa kanya.
"Huwag ka ng mag-alala diyan! Sabay natin haharapin ang magulang mo. Ako ang magpapaliwanag sa kanila"sagot naman niya. Tumango na lang ako at ngumiti.
"Ano naman ang sasabihin mo? Na nadala ka lang ng kalandian mo"tanong ko sa kanya. Natawa naman siya
"Pwede rin! Pero pwede din naman na sabihin ko na inakit mo ako"natatawang sagot naman niya. Hinampas ko naman siya, pero mahina lang kasi nga nagmamaneho siya.
"Kapal mo!! Never kitang inakit no! Kaya huwag kang ano diyan! Ikaw lang talaga ang sadyang malandi diyan!"sagot ko sa kanya. Tawa lang naman siya ng tawa
"Oo na ako na ang malandi! Pero sayo lang naman"hirit naman niya. Hindi ko naman maiwasang hindi kiligin at the same time ay mamula.
"Ayiiee!! Namumula siya!!"tukso pa niya. Tinakluban ko naman ang mukha ko.
"Che!! Huwag ka nga! Magdrive ka na lang!!"inis na sabi ko pa sa kanya.
"Okay! Okay!! Pero aminin mo muna na kinikilig ka!"asar pa niya. Inirapan ko naman siya
"Ayaw ko nga! Bahala ka diyan!"sagot ko. Bigla naman niya itinigil ang sasakyan.
"Oh bakit mo itinigil??"tanong ko sa kanya. Ngumiti lang naman siya at lumapit sa akin.
"Uy!! Ano na naman ang balak mo?? Pwede ba! Lumayo ka nga! Umayos ka!!"tulak ko pa sa kanya. Pero ngumisi lang siya
"Ayaw ko nga!! Sabihin mo munang kinikilig ka"asar pa niya.
"Bakit ko naman sasabihing kinikilig ako? Eh hindi naman talaga!! Kaya pwede ba! Bumalik ka na doon!"utos ko pa. Huwag kang papadala sa kalandian ng baklang iyan! 
"Sure ka! Eh bakit namumula ka?"pilyong tanong pa niya at lalong lumapit sa akin. Buwesit talaga ito! Lagi na lang sinasapian ng kalandian!
"Walakampake! Umayos ka nga! Dali na!"pagtataray ko pa. 
"Paano kung ayaw ko? Anong gagawin mo?"tanong pa niya.
"Eh di susuntukin at sisipain kita!"sagot ko sa kanya. Ngumisi lang siya sabay hawak sa kamay ko at ipit sa paa ko.
"So paano ba iyan?"pilyong tanong pa niya. 
"Uy! Ano ba!!"pagpupumiglas ko pa. Buwesit!! Ang utak niya!!
"Ayaw ko na! Suko na ako!!"pagsuko ko pa. 
"Suko ka agad?"tanong pa niya sabay halik sa may leeg ko. Oh no!!! 
"Uy!! Umayos ka nga!! Nasa sasakyan tayo!!! Sira ka ba!!"saway ko sa kanya. Pero ang loko ngumisi lang.
"Okay lang iyan! Wala namang makakakita sa atin eh"sagot niya. Hinampas ko naman siya
"Paki ko kung walang makakakita sa atin dito! Basta ayaw ko! Huwag dito!! Huwag kang malandi!"mataray na sagot ko sa kanya at buong lakas na tinulak ko siya. Bigla naman siyang tumawa ng malakas.
"At ano naman ang itinatawa mo diyan?"tanong ko sa kanya.
"Hahahaha!!!! Nakakatawa ka kasi!! Ano ba iyang mga pinagsasabi mo? Ano bang akala mong gagawin ko sayo?"natatawang tanong niya pa. Umiwas naman ako ng tingin sa kanya
"Hahaha!! Ikaw ha! Kung ano-ano ang naiisip mo! Bad iyan!"tukso pa niya. Inirapan ko lang naman siya. Buwesit!! 
"Tumahimik ka diyan!! Buwesit ka!"inis na sabi ko pa sa kanya.
"Hahaha! Bakit parang galit ka? Gusto mo bang gawin ang iniisip mo?"pilyong tanong niya sa akin. Pinalo ko naman siya
"Lolo ka!! Tumigil ka na nga diyan! Magdrive ka na lang ulit!!!"utos ko. 
"Okay! Okay!! Sa bahay na lang natin gawin pagkarating natin!"sabi pa niya bago niya ulit pinaandar ang sasakyan. Akala naman niya pagbibigyan ko siya! Manigas siya! Buwesit!! Ako pa iyong nagmukhang!!!buwesit!!

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Where stories live. Discover now