CHAPTER 156

51 5 0
                                    

ALEX'S P.O.V
Kasalukuyan Kong pinapanood si MM na abalang-abala sa pag-aalaga Kay Baby. Gusto ko sanang matawa, dahil Hindi siya magkaintindihan sa pagpapatahan kay Baby. 
"BabyLove! Bakit ayaw niyang tumahan!? Kahit anong gawin ko, umiiyak parin siya."tanong niya sa akin. Kaya lumapit na ako sa kanya para kunin si Baby.
"Hayan kasi! Gusto lagi sa kanya si Baby! Hindi naman marunong"umiiling na sabi ko pa, saka kinausap si baby
"Baby ko! Anong problema? Bakit ka umiiyak!?"tanong ko sa kanya. Pero umiiyak lalo siya. Kaya agad ko siyang chineck at kaya naman pala!
"Kaya naman pala eh!"sabi ko pa
"Bakit? Anong problema? Bakit siya iimiyak?"tanong niya sa akin. Pinakita ko naman sa kanya.
"Ewww!! Yuck!!!"nadidiring sabi niya, sabay takip sa ilong niya. Tiningnan ko naman siya ng masama.
"Nadidiri ka ba?"tanong ko sa kanya. Umiling naman siya
"Hindi!!"sagot naman niya.
"Talaga? Okay! Kung Hindi ka nga nandidiri! Ikaw nga ang magpalit Kay Baby!"sabi ko sa kanya. Nanlaki naman ang kanyang mata.
"What? Ako? Pero Hindi ako marunong!"sagot niya. Ngumiti naman ako
"Hindi problema iyan! Eh di tuturuan kita!"sagot ko.
"Pero.."sabi pa niya
"Ayaw mo?"mataray na tanong ko sa kanya. Umiling naman siya 
"Hindi naman sa ganun!"sagot niya. Tumayo naman ako at dinala si baby.
"Tara na Baby, ako na ang magpapalit sayo! Ayaw kasi ni Daddy eh!"pagpaparinig ko pa sa kanya.
"Teka lang!"habol sa amin ni MM.
"Bakit?"taas kilay na tanong ko sa kanya.
"Sige na! Ako na! Ako na ang magpapalit Kay Baby"sagot niya. Napangiti naman ako, halata naman kasing napipilitan siya
"Talaga?" Tanong ko pa. Tumango naman siya
"Oo"sagot niya saka kinuha si baby.
"Basta tuturuan mo ako ha!"pahabol pa niya. Tumango naman ako.
"Oo naman!"sagot ko. Nakangiti ako habang naglalakad. 
"BabyLove!!"tawag ko sa kanya. Lumingon naman siya
"Bakit?"tanong niya. 
"Wala lang" sagot ko at inunahan siya sa paglalakad. Agad Kong inayos ang gagamitin ni Baby.
"BabyLove!! Paano ito?"tanong niya sa akin. Agad naman akong lumapit sa kanya at tinulungan siya.
"Ganito lang!"sabi ko pa habang hinuhugasan si Baby.
"Ang baho Talaga!"sabi pa niya. 
"Tiisin mo lang! Sadyang ganyan iyan!"sagot ko sa kanya.
"Bakit ganyan iyong Amoy?"tanong pa niya. Tiningnan ko lang naman siya ng masama
"Huwag ka ng magreklamo diyan! Ikaw ang gumawa nito! Puro ka reklamo! Baho ka ng baho diyan! bakit ang sayo ba mabango?"tanong ko sa kanya. Nanahimik naman siya, at siya na ang nagpalit Kay Baby. Pinanood ko lang naman siya
"Ang hirap pala nito! Akala ko madali lang" sabi pa niya. 
"Kaya nga nagpapasalamat ako eh! Dahil nandiyan sina mama at Nanay para tulungan tayo. Binuhat naman niya si Baby at umabay sa amin
"Oo nga! Ngayon ko lang nakita iyong tulong nila!"sagot niya.
"Kaya nga! Huwag mo silang pagtabuyan! Dahil kailangan natin sila!"sabi ko pa sa kanya. At kinuha sa kanya si Baby.
"Baby!! Bango-bango muna ulit!! Huwag ka ng magcry-cry ha! Natatakot sina Mommy at Daddy eh!"kausap ko pa Kay Baby. Ngumiti naman siya
"Habang tumatagal lalo siyang gumaganda!"sabi pa ni MM habang nakatingin Kay Baby. Napangiti naman ako, totoo naman kasi ang sinabi niya. Ang ganda talaga ni Baby.
"Pero Alex, siguro time na para ituloy na natin ang kasal." Sabi pa niya dahilan para mapatingin ako sa kanya.
"Tama ka! It's time para kasal naman natin ang alalahanin natin ngayon" sagot ko.
"Pero bago iyon! Binyag muna ni Baby" sabi ko pa. 
"Oo nga! Binyag muna ni baby!" Sang-ayon niya. 
"Sabihin na lang natin ang mga ninong at Ninang niya.!" Sabi ko pa. Tumango naman siya. Ngumiti na lang ako at nilaro si Baby

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Where stories live. Discover now