CHAPTER 68

59 6 0
                                    

ALEX'S P.O.V
Nandito lang kami sa bahay, at dahil wala naming magawa kaya napagpasyahan na lang naming magmovie marathon. Kami lang dalawa dito sa bahay kasama ang mga kasambahay namin na nakabantay sa amin. Wala kasi sina mama at papa, may emergency daw. Kaya hayun! Pinagbilinan ang mga kasambahay namin na bantayan kami. Kaloka nga eh! Akala naman may masama kaming gagawing dalawa. 
"Grabe magbantay iyong mga kasambahay niyo! Titig na titig eh! Kaloka!"bulong pa niya sa akin. Natawa naman ako
"Hayaan mo na lang! Sumusunod lang sila sa utos sa kanila"natatawang sagot ko. Pero nakatingin parin sa pinapanood namin.
"Kakailang kaya!"bulong pa niya. Hinampas ko lang siya
"Huwag mo na lang pansinin! Manood ka na lang! Ganda ng movie eh!"sagot ko at ibinalik na ulit ang tingin ko sa pinapanood namin. Di ko naman maiwasang kiligin..
"Nakakakilig sila!! Ang sweet ng boy!!"kinikilig na sabi ko.
"Sweet din naman ako"rinig ko namang bulong ng katabi ko. Hindi ko na lang siya pinansin.
"Ang swerte ni girl Kay Justine! Grabe iyong ginawa niya!! Nakakakilig!"kinikilig na tili ko.
"Tsk..iyun lang kinilig ka na?"bulong pa niya, Kay hindi ko na napigilan tumingin sa kanya.
"Anong problema mo ha? Kanina ka pa bulong ng bulong diyan ah!"tanong ko sa kanya.
"Wala!"pabalang na sagot niya.
"Anong wala ka diyan!? Eh kanina ka pang bulong ng bulong diyan! Daig mo pang bubuyog!"sabi ko pa.
"Wala nga! Naasar lang ako sa palabas! Ang corny! Lalo na iyong Justine!"sagot naman niya. 
"Anong corny ka diyan! Ang Ganda kaya! Ang sweet Kaya ni Justine myloves!!"kinikilig na sabi ko pa. Tiningnan naman niya ako ng masama.
"Anong sabi mo? Anong tawag mo sa Justine na iyan!?"tanong pa niya. Inirapan ko lang siya at nanonood na lang ulit. Kilig na kilig ako habang nanonood ng biglang namatay ang pinapanood ko. Inis na inis akong bumaling sa kaabay ko.
"Bakit mo pinatay ha? Alam mo naman na nanonood ako eh!"inis na inis na tanong ko. Pero ngumiti lang siya, na animo'y walang kalokohang ginawa.
"Ang panget kasi! Puro kakornihan lang naman eh!"sagot naman niya, di ko naman napigilang hampasin siya.
"Buwesit ka! Nanonood ako pinatay mo! Siraulo ka!"gigil na gigil na sabi ko pa. Kaagad naman niyang sinalo ang kamay ko at hinawakan ito.
"Sorry na! Nakakabuwesit lang kasi eh! Titig na titig ka doon sa Justine na iyon! Eh nandito naman ako!"sabi naman niya. Natigilan naman ako, teka lang! Nagseselos ba siya?
"Teka lang! Umamin ka nga! Nagseselos ka ba?"tanong ko sa kanya. Agad naman siyang umiwas ng tingin sa akin.
"Hindi ah! Ako magseselos? Never!"tanggi naman niya. Napangisi na lang ako, talaga lang ha? Tingnan natin.
"Okay sabi mo eh! Pero di ba? Ang gwapo talaga ni Justine? Naku! Kapag talaga siya nanligaw sa akin di ako mag-aatubiling sagutin siya kaagad-agad"pang-aasar ko pa. Kita ko naman lalo siyang napasimangot.
"Diyan ka na nga! Magsama kayo ng Justine mo!"dabog na sabi niya sabay tayo. 
"Hey! Saan ka pupunta?"pagtatanong ko.
"Aalis na! Manhid ka kasi!"sagot naman niya. Kaya hindi ko naman napigilang hindi matawa. Habang papalapit sa kanya.
"Uy! Ang baby ko! Nagseselos!"tukso ko pa sa kanya. Pero nakasimangot lang siya..
"Umamin ka na kasi! Nagseselos ka Kay Justine myloves!"pang-aasar ko pa, ang sama naman ng tingin niya sa akin.
"Isa pang tawag mo sa Justine na iyan ng myloves! Ipapagood job ko siya!"pagbabanta naman niya. Kaya lalo akong natawa..at pinangigilan ang mukha niya.
"Ang cute! Cute mo talaga! Lalo na kapag nagseselos ka!"nakangiting sabi ko pa. 
"Alam mo naman palang nagseselos ako! Inuulit-ulit mo pa!"naiinis na sabi pa niya. 
"Ito naman! Nagbibiro lang naman ako eh! Huwag ka ng magselos diyan!"pang-amo ko pa sa kanya.
"Sinong hindi magseselos doon? titig na titig ka sa kanya! Kinikilig ka pa nga! Tapos tinawag mo pa siyang myloves! At isa pa! Sinabi mo pang kapag nanligaw siya sayo agad mo siyang saaagutin"nakasimangot na sabi pa niya. Napangiti na lang naman ako. 
"Hay! Ang cute talaga ng baby ko magselos"sabi ko pa habang pinanggigilan ang mukha niya.
"Pero wala ka naman dapat ipagselos eh!"dagdag ko pa.
"Anong wala? Eh halatang gustong-gusto mo siya eh!"nakangusong sabi pa niya. Di ko naman napigilan ikiss siya, pero saglit lang.
"Oh hayan! Huwag ka ng magselos! Wala naman siyang panama sayo eh!"sabi ko pa sabay kindat sa kanya. Napangiti naman siya.
"Talaga?"parang-bata na tanong niya. Tumango naman ako
"Talagang-talaga!"nakangiting sagot ko. Lumaki naman ang ngiti niya at niyakap ako.
"Huwag mo siyang magugustuhan ha! Dapat ako lang! Kaya ko naman higitan ang ginawa niya eh! Makikita mo"sabi pa niya sabay halik sa noo ko. Napangiti na lang ako at yumakap sa kanya.

Unexpected Chemistry (COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن