CHAPTER 63

64 7 0
                                    

ALEX'S P.O.V
Nandito kami sa may sala, after namin kumain dito na kami nagdiretso para mag-usap. Aaminin ko kinakabahan ako, ayaw kasi ni papa ang pag-aartista eh. Masyado kasi silang pribado! Kaya ayaw nila ng mga ganyan! 
"Pa! Ma! Pasensiya na po hindi ko po nasabi sa inyo"panimula ko. Nakayuko lang ako, ayaw kong tumingin sa kanila, nagigiluilty ako. Ramdam ko namang pinisil-pisil ni MM ang kamay ko.
"Princess! Di ba? Ayaw ko ng mga ganyan? Alam mo iyan?!"seryosong sabi pa ni Papa. Napahinga naman ako ng malalim.
"Opo! Kaya po pasensiya na po"kinakabahang sabi ko pa.
"Ano pa nga ba ang magagawa namin? Eh nandiyan na iyan eh!"sabi pa niya. Lalo naman akong napayuko, 
"Sorry po"tanging nasabi ko na lang.
"Excuse me po"biglang singit naman ni MM. Dahilan para mapatingin ako sa kanya.
"Huwag po sana kayong magalit Kay alex, dahil ako po ang dapat sisihin."sabi pa niya. Teka! Ano bang sinasabi nito?
"Anong pinagsasabi mo diyan?"tanong ko sa kanya. Pero ngumiti lang siya sa akin at humarap na ulit kina papa at mama.
"Pa! Ma! Ako po talaga ang dahilan kung bakit napasok siya sa showbiz. Ayaw naman po niya talaga eh! Pero nakiusap po ako sa kanya"panimula niya. Napakunot naman ang noo nina papa at mama
"Anong ibig mong sabihin iho?"tanong pa ni mama.
"Ganito po kasi iyon, nag-apply lang po talaga siya akin bilang P.A ko-"
"Ano???P.A?"gulat na tanong Nina papa at mama. 
"Opo!"agad na sagot ni MM. Bumaling naman sa akin si papa, na halatang galit na.
"Nakapag-aral ka! Tapos! P.A? Ganyan ba talaga kaayaw mong magtrabaho sa company natin para pasukin mo kahit anong trabaho makaiwas lang!"pasigaw na sabi ni Papa. Napayuko na lang ako at pinipigilan ang mga luha ko. Mas hinigpitan naman ni MM ang pagkahawak sa kamay ko.
"Sorry po"tanging iyon na lang ang nasabi ko.
"Please po! Sana po huwag na po kayong magalit sa kanya. Hindi naman po sa ayaw niyang magtrabaho po sa company niyo, gusto lang niya po na maging independent, na matutong tumayo po sa sarili niya."napatulala na lang ako kay MM dahil sa sinabi niya. Teka lang! Paano niya nalaman iyon? Nasabi ko ba sa kanya?
"Kaya sana po huwag na po kayong magalit. Ang tulad nga po ng sinabi ko kanina, nag-apply po siya sa akin na maging P.A ko. Noong una po ayaw ko sana, kaso nakita ko ang pagiging desidiso niya. Pero hindi ko naman po na maitatanggi na madalas po siyang palpak (di ko naman napigilan na hampasin siya! Kainis! Pati ba iyon!). Pero iyon nga po, P.A lang po dapat siya kaso nagkaproblema po kami. Iyon pong dapat sana na magiging partner ko, ay hindi po dumating. At dahil po wala na kaming iba pong makukuha na pamalit siya na po iyong hinila ko. At doon na po nagsimula ang lahat! Hanggang tuloy-tuloy na po"pagpapatuloy pa niya. Napatingin naman ako kina Papa at mama na tahimik lang.
"So ibig sabihin artista ka din?"pagtatanong pa ni mama. Tumango naman si MM
"Opo! Ma! Actually po, love team po kami"nakangiti pa niyang sabi. Napangiti naman si mama na parang kinikilig.
"Wow! Nakakatuwa naman! Kinikilig ako!"sabi pa niya, napangiti narin ako dahil sa naging reaksiyon ni mama. Pero bigla din itong nawala ng tumikhim si papa. 
"Gusto mo ba talaga iyan? Masaya ka ba diyan?"tanong ni papa habang nakatingin sa akin. Napatango naman ako
"Opo"maikling sagot ko. Tumayo naman siya, akala ko ay aalis na pero laking gulat ko ng ngumiti siya sa akin habang nakabuka ang kamay.
"Halika nga dito! Princess!"sabi pa niya. Naiiyak na tumayo naman ako at yumakap Kay papa. 
"Alam mo naman na mahal na mahal ka namin ng mama mo. At kung ano ang gusto mo, at kung saan ka masaya. Nakasuporta lang kami! Nakakatampo man, pero kung masaya ka naman! Masaya na rin kami"sabi pa niya. Tuluyan naman akong napaiyak at mas hinigpitan pa ang pagkakayakap Kay papa. 
"Thank you Pa! I love you po! Sobra-sobra! Kayo ni mama!"umiiyak na sabi ko pa. 
"Pasali naman ako diyan!"rinig Kong sabi pa ni Mama at yumakap narin sa amin. 
"I love Pa! I love you Ma! Maraming salamat po! Talaga!"sabi ko pa, habang yakap-yakap nila ako.
"Mahal ka din namin Princess"sabay naman nilang sabi.

MM'S P.O.V
Nakangiti lang ako habang pinapanood sina Alex. Isa lang ang masasabi ko, napakasaya ng pamilya niya. Istrikto man ang papa at mama niya, pero dahil lang naman sa mahal siya ng mga ito. Someday kung magkakapamilya man ako, gusto ko ganito din. At sana si Alex iyong kasama ko pag nangyari iyon.
"Halika ka na rin dito! Pamilya ka narin! Kaya huwag ka ng mahiya"nakangiting sabi naman ng papa niya sa akin. Hindi naman ako nagpatumpik-tumpik pa, agad akong lumapit at nakiyakap sa kanila.
"Group hug!"sabi ko pa. May naisip naman ako,
"Saglit lang po! Picture po tayo"pag-aaya ko pa sabay labas ng cp ko.
"1.2.3! Smile!!"

-

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Where stories live. Discover now