CHAPTER 58

89 7 0
                                    

ALEX'S P.O.V
Napasandal na lang ako sa may pinto pagkalabas ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko ineexpect ang nangyari kanina. Nadala na lang ako ng pangyayari, 
"Aahhhhh!!! Bakit hindi ka man lang lumayo!!"sabi ko pa sa sarili ko. 
"Gusto mo din eh!! Naku! Alex kapag nasaktan ka! Sinasabi ko sayo!!"pangaral ko pa sa sarili ko. 
'Naku! Alex! Bakla siya! Bakla siya!! Wala lang iyon sa kanya!!'
"Para kang baliw bes!"
Napalingon naman ako sa nagsalita, si Pauline,
"Kanina ka pa ba diyan?"tanong ko
"Oo kaninang-kanina pa! Hindi naman ako umalis eh! Pasensiya na nga pala! Hindi ko gustong istorbohin kayo!"may mapanuksong sabi pa niya. Inirapan ko lang siya
"Wala kaming ginagawa no!"sagot ko, pero tumawa lang siya sabay iling
"Wala pa! Pero kung hindi ako dumating, baka meron ngang mangyari!"sabi pa niya. 
"Ewan ko sayo!"sabi ko
"Nasaan na nga pala si Lexi?"pag-iiba ko pa ng usapan. Habang naglalakad pababa ng hagdan
"Nasa baba!"sagot niya. Tumango na lang ako at mas nagmadali pang bumaba. 
"Bakit ang tagal niyo?"agad na tanong ni Lexi pagkababa namin. 
"May ginawa pa kasi!"patay-malisyang sagot ni Pauline. Kaya pinandilatan ko siya. Daldal talaga ng babaeng ito
"Anong ginawa niyo?"tanong ulit ni Lexi, habang nakatingin sa akin.
"Ha? Wala!nag-usap lang kami ni Ate MM"sagot ko.
"Nag-usap lang talaga? Parang iba iyong nakita ko"sabat naman ni Pauline. Kaya binalingan ko siya at pasimpleng kinurot.
"Manahimik ka"pabulong na sabi ko pa.
"Ay! Share niyo naman sa akin iyan! Anong nakita mo bes?"pangungulit naman ni Lexi. 
"Wala iyon! Huwag mong pansinin ang sinasabi niyan!"sagot ko at hinila na si Lexi palayo kay Pauline.
"Tara magmeryenda muna tayo!"pag-aaya ko pa.
"Umiiwas!!"pang-aasar pa ni Pauline. 
"Manahimik ka diyan!"may diing sabi ko sa kanya.
"Ang daya niyong dalawa! Kayo lang ang nagkakaintindihan! Ishare niyo naman iyan! Para mas masaya!"parang nagtatamping sabi naman ni Lexi.
"Pamaya sabihin ko sayo! Pagpauwi na tayo"sagot naman ni Pauline. 
"Subukan mo! Patay ka sa akin!"banta ko sa kanya. Pero inirapan lang niya ako
"Ano ba kasi iyon?"pagtatanong ulit ni Lexi.
"Wala nga!"sagot ko, habang naghahanda ng makakain namin. Buti na lang may cake dito, hindi pala siya naggrocery. Baklang iyon talaga!
"Ang daya niyo naman! Akala ko ba walang sekreto sa isa't-isa? Eh bakit naglilihim kayo sa akin"pagdadrama pa ni Lexi.
"Wala nga kasi iyon! Nang aasar lang iyang si Pauline!"sagot ko. 
"Kain muna kayo"alok ko pa. Agad namn silang umupo.
"Pero ano nga iyon? Dali na!"pangungulit pa ni Lexi
"Ganito kasi iyon..."panimula ni Pauline.
"Isa!"banta ko at pinandilatan siya, pero nginitian lang niya ako
"Nakita ko kasi-"sinubuan ko naman siya kaagad ng cake para hindi makapagsalita. 
"Masarap di ba?"tanong ko pa sabay ngiti.
"Try mo din Lexi! Gusto mo subuan din kita?"nakangiting tanong ko pa, umiling naman siya. Kita ko namang ang sama ng tingin sa akin ni Pauline, habang nilulunok iyong cake. Hahaha ang laki kasi ng sinubo ko. Pero teka! Bakit hindi parin siya bumababa? 
"Kain lang kayo diyan guys! May pupuntahan lang ako!"paalam ko at agad na tumayo na. Pero bago pa ako makaalis ay nagsalita ulit si Pauline.
"Gusto mo kasama? Baka matuloy na ang naudlot kanina, kapag mag-isa ka!"natatawang sabi pa niya. Namula naman ako sa sinabi niya, buwesit talaga itong babaemg ito! 
"Manahimik ka nga diyan! Dami mong alam!"saway ko sa kanya.
"Asus! Gusto ngang matuloy! Kaya pupuntahan niya!"pang-aasar pa niya. Humarap naman ako sa kanya at sinamaan siya ng tingin.
"Ano? Papasama ka?"tanong pa niya, huminga muna ako ng malalim bago inirapan siya at padabog na bumalik sa upuan ko. Kainis!
"Hahaha! Bakit ka bumalik?"tawang-tawang sabi pa niya. Pero hindi ko na kang siya pinansin, hindi naman kasi titigil iyan kapag pinansin ko pa. Kumain na lang ako ng cake.

-

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Where stories live. Discover now