CHAPTER 118

66 6 0
                                    

ALEX'S P O.V
Nakarating kami ng walang imikan sa bahay ng mga magulang ko. Agad siyang nagdoorbell, agad din naman kaming pinagbuksan ng gate. Bumaba na ako ng sasakyan, hindi ko na siya hinintay na pagbuksan ako. Dire-diretso akong pumasok sa loob pero natigilan ako ng makita ko sina mama at papa na nakaupo sa may sala. Oh no! Oo nga pala! Kaya nga pala kami nagpunta dito! Panu pa ito? Parang gusto ko ng umurong kaso huli na! Huhuhu!! Huminga muna ako ng malalim. Kaya ko ito! Bahala na! Pero bago pa ako makahakbang ay may naramdaman along humawak sa kamay ko. Kaya napatingin ako sa kanya, ngumiti naman siya
"Di ba sabi ko sayo, magkasama tayong haharap sa kanya"nakangiti niyang sabi at mas hinigpitan pa ang kapit sa kamay ko. Napangiti naman ako, 
"Tara"yaya pa niya, tumango naman ako. Sabay kaming naglakad papunta kina mama at papa. Medyo busy sila sa panonood kaya hindi nila nararamdaman ang presensiya namin.
"Ma! Pa!"pagtawag ko sa kanila. Gulat naman silang lumingon sa amin. Napakapit naman ako sa braso ni MM.
"Princess?MM? Nandito pala kayo! Bakit hindi man lang kayo nagsabi na pupunta pala kayo. Eh di sana nakapaghanda kami"sabi ni mama sabay tayo. Yumakap naman siya at bumeso sa amin, ganun din si Papa.
"Oo nga mga anak! Bakit di kayo nagsabi na pupunta kayo dito?"sabi naman ni Papa. 
"Pasensiya na po kung biglaan!"hinging paumanhin naman ni MM. 
"Ayos lang iyon iho! Sige maupo muna tayo"pagyaya pa ni Mama. Kaya agad na rin kaming umupo. Hanggamg ngayon hawak-hawak ko parin ang kamay niya. Kinakabahan kasi ako sa magiging reaksiyon nila. 
"So kamusta na kayo?"tanong pa ni mama. Ngumiti naman ako
"Okay lang po kami"nakangiting sagot ko. Pero ramdam ko talaga ang lakas ng kaba ng dibdib ko.
"Mabuti naman kung ganun! Oo nga pala! Bakit nga pala kayo napadalaw? Anong sadya niyo?"tanong naman aa amin ni Papa. Napalunok naman ako, heto na po!!! Please po tulungan niyo kami!!
"Kasi po ano...may sasabihin po sana kami sa inyo Pa! Ma!"kinakabahang sagot ko. Pinisil-pisil naman ni MM ang kamay ko.
"Hey! Relax ka lang!"bulong pa niya sa akin.
"Ano naman iyong sasabihin niyo sa amin? Mukhang seryoso ah!"nakangiting tanong ni Mama. Pilit naman akong ngumiti sa kanila.
"Kasi po ano.."di na natuloy ni MM ang sasabihin niya ng biglang magsalita si Papa.
"Engaged na kayo?"tanong niya. Nagulat naman ako sa tanong ni Papa pero agad din akong umiling.
"Hindi po"sabay na sagot namin ni MM. Hinampas naman ni Mama si Papa
"Ano ka ba naman! Huwag mo nga silang pangunahan!"saway pa ni Mama Kay Papa. Pero kunot-noong tiningnan lang kami ni papa. Kaya lalo akong kinabahan.
"Sige na iha! Iho! Sabihin niyo na"nakangiting utos naman ni mama. Tumango na lang ako at nagkatinginan kami ni MM. Pero di pa kami nakakapagsalita ay nagsalita na naman si Papa, na ikinagulat ko.
"Buntis ka?"tanong niya sa akin. Natigilan naman ako at hindi makapagsalita. 
"Sorry po pa! Ma! Di ko po natupad ang pangako ko sa inyo noon!"hinging paumanhin ni MM sa kanila
"So buntis ka nga!"sabi pa ni papa. Tumango naman ako
"Sorry po"naiiyak na sabi ko. Tiningnan ko naman ang reaction ni Mama at Papa. Kita ko iyong gulat sa mukha ni mama samantalang si papa naman hindi ko mabasa kung ano ang tumatakbo sa isip niya.
"Pasensiya na po talaga! Alam ko pong nangako kami sa inyo ni Alex na kasal po muna bago ang baby! Kaso po!-"
"Di niyo napigilan?"putol ni papa sa sasabihin ni MM. Namula naman ako doon..
"Parang ganun na nga po.."sagot naman ni MM, dahilan para mapatingin ako sa kanya. Agad ko naman siyang kinurot
"Umayos ka! Loko ka!"bulong ko pa. Bigla namang tumawa si Mama 
"Hahaha! Nakakatawa kayong dalawa! Ang cute niyo! Masaya ako para sa inyong dalawa. Lalo na at magkakaapo na kami. Kaso lang malungkot din ako kasi na talo ako"nakangiting sabi naman ni mama. Teka! Ano raw?
"Natalo po saan?"tanong ko.
"Sa pustahan namin ng papa mo"sagot naman ni mama. Napakunot naman lalo ang noo ko.
"Ano pong pustahan iyon?"takang tanong ko pa habang palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa ni papa. Magsensayasan naman sila..
"Ikaw na ang magsabi! Tutal ikaw naman ang may pakana! Huwag ka ng ano diyan! Alam ko naman na sa ating dalawa ikaw iyong tuwang-tuwa."utos naman ni Mama kay papa. Kaya lalo naman akong naguguluhan sa kanilang dalawa. 
"Mukhang pinagpustahan pa tayo nilang dalawa ah"bulong naman sa akin ni MM. 
"Mukha nga!"sagot ko. Kaloka iyong mga magulang ko! Kabang-kaba ako kanina tapos iyon naman pala expected na nila ito! Grabe!! Ang advance talaga nila mag-isip!!!

-

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Where stories live. Discover now