CHAPTER 159

39 5 0
                                    

MM'S P.O.V
OMG!! Gulat ang makikita mo sa mukha namin, sa nakita namin pagkapasok namin.
"Totoo ba ito?"gulat na tanong ko.
"Oo"sagot nila, habang nakatingin sa dalawa. 
"Iyong camera niyo"sabi ko pa sabay tutok ng camera ng cp sa kanila.
"Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko, paano nangyari ito?"di makapaniwalang sabi ko pa.
"Kahit kami meme! Hindi rin kami makapaniwala!"sagot naman nina RC at Rhian.
"Waaaahhhh!!! Hindi ko na kinakaya ito!!!"biglang sigaw ni Lexi dahilan para lumingon sila sa amin. Kita ko ang gulat sa mukha nila ng makita kami
"Guys.."gulat na sabi pa nila.
"Anong ginagawa niyo dito?"tanong pa ni Jon. Napailing naman ako
"Parang kami yata ang dapat magtanong ano?"sarkastikong sabi ko pa.
"Anong ginagawa niyo?"tanong ko pa. Napayuko naman sila sabay iling
"Wala"sagot nila
"Wala? Wala talaga? Eh kung iplay ko ang video sa cp ko! Wala pa kaya ang isasagot niyo"sabi ko pa. Napaangat naman ang tingin nila
"Kinuhanan niyo kami?"gulat na tanong ni Cassy
"Yes sis! Gusto mo pakita ko sayo"sagot ko.
"Erase niyo na nga iyan!"utos naman ni Jon. Ngumiti lang ako sabay ngisi
"At bakit ko naman gagawin iyon? Ang laking scoop nito oh!"sabi ko pa. Tiningnan naman ako ng masama ni JOn.
"Sige subukan mong ipagkalat iyan meme! Sinisigurado kong magkakaaway tayo"hamon niya sa akin. Natawa naman ako
"Ay! Grabe! Serious? Chillax! Hindi ko ilalabas ito.."sagot ko. Nakahinga naman sila ng maluwag.
"Salamat sis!"nakangiting sabi ni Cassy
"Salamat meme"nakangiting sabi din ni Jon
"Sa isang kondisyon..!"nakangiting sabi ko. Nawala naman ang ngiti nila
"At ano naman iyon?"mataray na tanong no Jon
"Basta umamin kayo, at sabihin niyo sa amin, kung anong mayroon sa inyong dalawa"nakangising sabi ko pa. 
"Wala nga!!"sabay na sagot nila
"Hoy! Hoy! Hoy! Huwag niyo akong mawala-wala diyan! Kung ayaw niyong ipagkalat ko ito!"panakot ko pa.
"Sis naman eh!!"dabog pa ni Cassy.
"Huwag mo akong masis!sis diyan!"mataray na sabi ko pa.
"Wala nga kasi!"sagot pa nya.
"Tsk..tsk..tsk.. Ayaw niyo talagang umamin eh!"sabi ko pa. 
"Meme!"padabog na sabi pa ni Jon
"Isa!"bilang ko pa.
"Meme naman eh!"dabog ulit niya.
"Dalawa"pagpapatuloy ko, pero hindi parin sila kumikibo.
"Ayaw niyo talaga ha!! Sige! Gusto niyo yatang magtrending eh!"sabi ko pa
"Please naman meme!"pagmamakaawa pa ni Jon.
"Please naman sis!"pagmamakaawa din ni Cassy.
"Aamin o magtitrending?"tanong ko pa. Gusto Kong matawa sa itsura ng mukha nila
"Ano?"tanong ko pa. Tiningnan naman nila ako ng masama.
"Oo na! Sige na!"sagot nila
"Good!"nakangiting sabi ko pa. Agad kong binuksan ang recorder sa cp ko, bago tumingin ulit sa kanila
"Okay! Ano na? Anong mayroon sa inyong dalawa?"tanong ko ulit. Nagkatinginan naman sila
"Bilis!! Baka mainip ako,"pananakot ko pa
"Oo na heto na!"napipilitang sabi pa nila
"Oh ano na?"taas kilay na tanong ko. 
"Tagal..!"reklamo ko pa
"Ka..mi..na"mahinang sagot nila. Pero enough para marinig namin.
"What??? Kayo na?"gulat na tanong namin. Tumango naman sila
"Oo"sagot nila

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Where stories live. Discover now