CHAPTER 31

107 6 0
                                    

MM'S P.O.V
Dahil sa pagpreno ni Cassy, kaya aksidenteng nagdampi ang labi namin ni Alex. Pero saglit lang dahil kaagad din akong lumayo. Nakita ko namang tulog na siya, kaloka! Akala ko ba kapag hinalikan ka, magigising ka? Eh siya kakaiba eh! Sa halip na magising! Nakatulog siya. Kakaiba talaga itong bruhang babaeng ito! Nakakadalawa na siya sa akin ha!. At dahil tulog na nga si Alex kaagad ko namang binalingan si Cassy.
"Bakit basta-basta ka na lang nagpepreno ha? Wala man lang pasabi eh!"reklamo ko sa kanya. Tiningnan naman niya ako,
"Sorry! Nagulat kasi ako eh"sabi pa niya.
"Pero maiba tayo sis! Iyong sinabi niya kanina, totoo iyon?"pagtatanong pa niya. Napakunot-noo naman ako..
"Ang alin ang totoo?"balik na tanong ko.
"Iyong kanina! Iyong basta! Alam mo na iyon!"sagot naman niya. Ha? Ano raw?
"Ano ba iyang pinagsasasabi mo? Buti pa ay paandarin mo na ulit ang sasakyan ng makauwi na tayo. At baka magising na naman ang babaeng ito, at kung ano-ano pang kalokohan ang gawin"utos ko pa sa kanya.
"No! Sabihin mo muna sa akin, kung totoo iyong sinabi ni Alex kanina"sagot naman niya. Hay ang kulit! Nakatulog nga ang isa, meron namang isang pumalit!
"Ang alin ba? Iyong kiss? Oo nagkiss na kami!"balewalang sagot ko.Kita ko namang nanlaki ang mga Mata niya dahil sa sinagot ko.
"Oh my!! So ibig sabihin totoo din iyong isang sinabi pa niya?"pagtatanong ulit niya. Teka ano pa bang sinabi ni Alex kanina, medyo nablanko ang utak ko dahil sa biglaang pagpreno ni Cassy eh.
"Ang alin iyon?"tanong ko sa kanya.
"Iyong sinabi niyang...ano..iyong..ano-"
"Puro ka ano diyan?! Kung inaayos mo kaya! Para magkaintindihan tayo"mataray na sabi ko pa sa kanya.
"Iyong..sabi niyang..nakita mo na..iyong..ano"sagot pa niya. Nanlaki naman ang Mata ko ng maalala o na ang ibig niyang sabihin. Oo nga pala!
"Ha? Hindi totoo iyon! Ano ka ba! Lasing lang siya!"pagtanggi ko pa, sabay iwas ng tingin kay Cassy.
"Iyong totoo sis?"tanong niya pa.
"Hindi nga!"sagot ko.
"Tingnan mo nga ako sa mga Mata ko! Tapos sabihin mo sa akin na hindi totoo"pangungulit pa niya.
"Bakit ba ang kulit mo? Di ba sabi ko nga sayo hindi iyon totoo! Lasing lang siya kaya nasabi niya iyon"ulit ko pa. Kita ko naman napangiti siya ng nakakaloko.
"Eh bakit parang, kinakabahan ka diyan!"sabi pa niya, alam ko namang hinuhuli lang ako ng babaeng ito eh.
"Hindi kaya! Atsaka pwede ba! Paandarin mo na lang ulit ang sasakyan ng makauwi na tayo"pag-iiba ko pa ng usapan.
"Ayaw ko nga! Sabihin mo muna ang totoo!"pilit pa niya. Napasapo na lang ako sa mukha ko. Ang sama talaga ng araw na ito! Kainis eh!! Badtrip!!
"Okay! Oo na!! Totoo iyong sinabi niya!"pag-amin ko. Kita Kong gulat na gulat siya, nakanganga pa nga eh!
"OMG!! So totoo nga!! Oh my gosh!!! Naloloka ako!!"tili pa niya. Agad ko namang tinakpan ang tainga ko.
"Ano ba!! Tumigil ka nga! Ang sakit sa tainga ha! Atsaka baka magising si Alex!"saway ko sa kanya.
"Ay sorry! Nabigla lang ako! Hindi parin talaga ako makapaniwala na! Omg!! Talaga!!"parang sira na sabi pa niya. Inirapan ko lang naman siya
"Grabe! Talaga sis!! Saglit lang ako nawala eh! Pero dami ng ganap sa buhay mo! Nakakaloka! Hindi ko alam na iba na pala ang mga type mo ngayon"dagdag pa niya.
"Cassy pwede ba!! Manahimik ka nga! Kakairita iyang boses mo! Atsaka! Mali iyang iniisip mo! Kaya tumigil ka na!"saway ko pa sa kanya.
"Oo na! Tatahimik na! Pero magkuwento ka naman! Ano ba talaga ang meron sa inyong dalawa ha?"pangungulit pa niya. Ang sarap busalan ng bibig ng babaeng ito.
"Wala! Kaya huwag kang tsismosa diyan! Baka kumalat pa! Alam mo naman ang panahon ngayon! May narinig lang ng konti at may nakita, agad ay balita na! Huwag mo ng dagdagan ang tsismosa sa mundo!"sagot ko sa kanya. Napasimangot naman siya..
"Ang daya mo naman! Uso kaya ang magshare! Magsisteret naman tayo eh!"pangungulit pa niya.
"Alam mo? Kapag hindi ka pa tumigil sa kakakulit mo? Hindi ako mangingimi na palsakan ng kung ano ang bunganga mo."banta ko pa sa kanya. Agad naman niyang tinikom ang bibig niya, mabuti naman!
"Ang daya mo talaga kahit kailan! Pero okay lang! Malalaman ko din ang totoo!"sabi pa niya bago pinaandar ulit ang sasakyan. Napailing na lang ako, hay baliw din talaga itong sisteret Kong ito. Napalingon naman ako kay Alex na mahimbing na natutulog. Hindi ko naman maiwasang isipin kung ano nangyari sa kanya. Bakit kaya siya nagpakalasing? May problema ba siya? Tungkol kaya ito kay Tyrone? Hay ano ba iyan!
"Baka matunaw iyan! Sige ka!"
Napalingon naman ako kay Cassy na nakatingin pala sa akin.
"Ayusin mo ang pagdadrive mo! Hindi iyong kung ano-ano ang napapansin mo! Sa kalsada lang ang tingin!"pagtataray ko pa. Tumawa lang naman siya..
"Yes po boss!!"tawang-tawang sagot niya pa. Hindi ko na lang siya pinansin at pumikit na lang muna ako. Kakastress ang araw na ito grabe!!! Pero napamulat ang Mata ko ng maramdaman Kong may humawak sa kamay ko, tumingin naman ako kay Alex, nakapikit parin siya. Sinubukan ko namang tanggalin ang kamay niya, pero ang higpit ng pagkakakapit niya. Kita kong iminulat niya ang Mata niya at seryosong tumingin sa akin.
"I LOVE YOU"
Natigilan naman ako dahil sa sinabi niya at tumingin lang sa kanya, na nakapikit na ulit. Ano raw? I love you daw? Kanino sa akin?
"Mahal na mahal kita, Love"

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Where stories live. Discover now