CHAPTER 108

93 7 0
                                    

MM'S P.O.V
Gusto Kong magwala! Saktan ang sarili ko. Naiinis ako ngayon! Nagagalit! Galit na galit ako sa sarili ko. Dahil sa katarantaduhang ginawa ko. Kung alam ko lang na magiging ganito sana hindi ko na ginawa iyon. Buwesit!!! Bakit ko ba kasi ginawa iyon? Napakawalang kwenta ko! Nasaktan ko na naman siya! Hindi lang siya pati narin ang baby namin. 
"Aaahhhh!!!kainis!!!kasalan ko ito! Kasalanan ko!!"sigaw ko pa habang sinusuntok ang pader. Nung makita ko na dinudugo siya, sobrang takot ang naramdaman ko. Doon ko naconfirmed na buntis nga siya. Pero sa halip na maging masaya ako ngayon kasi nalaman ko na magiging daddy na ako, na magkakababy na kami ni Alex. Iba iyong nararamdaman ko ngayon, takot at pag-aalala. Sana okay lang sila! Dahil kung may masamang mangyari sa isa man sa kanila ay hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Hinding-hindi
"Sis!! Tama na iyan!!! Sinasaktan mo lang ang sarili mo eh"awat pa sa akin ni Cassy. Dahil sa sobrang takot ko kanina agad ko silang tinawagan.
"Oo nga meme! Magpakatatag ka! Magiging okay din ang lahat! Magiging okay din si Alex"sabi naman ni Jon. Napaupo na lang naman ako habang umiiyak. Hindi ko iniinda ang sakit ng kamay ko, kasi ngayon ang tanging nasa isip ko lang at lang mag-ina ko.
"Kasalanan ko ito eh! Kasalanan ko! Kung hindi dahil sa akin hindi mangyayari ito! Wala sana silang dalawa ngayon sa sitwasyong ito!"umiiyak na sabi ko pa
"Meme! Huwag mong sisihin ang sarili mo, hindi mo naman din kagustihan ang nangyari eh! Kaya tama na!"sagot naman ni Rhian. Umiling naman ako
"No! Kasalanan ko talaga ito! Dahil kung hindi ako nagsinungaling sa kanya, eh di sana hindi nangyari ito!"sagot ko pa.
"Sis! Huwag mo naman isisi sa sarili mo ang nangyari. Oo, nagsinungaling ka! Nagpanggap ka! Pero alam naman namin na hindi mo gusto na mangyari ito eh!"sabi naman ni Cassy. Napatingin naman ako sa kanila..teka! Alam na nila?
"Oo meme! Alam namin na wala ka talagang amnesia. Pero nakisakay na lang kami sayo, kahit hindi man namin alam kung anong trip mo."sagot ni Jon
"Pero paano niyo nalaman na nagkukunwari ako?"tanong ko pa. Natawa naman sila
"Siyempre kami pa ba? Kilala ka na namin simula pa noon! Kaya alam namin kung nagsisinungaling ka o hindi"sagot naman ni RC. Napatango na lang ako..at napayuko na lang ulit.
"Mapapatawad pa kaya niya ako?"humihikbing tanong ko sa kanila.
"Oo naman! Si Alex pa ba? Sobrang bait niya! Atsaka mahal na mahal ka noon. Kaya naniniwala ako na mapapatawad ka niya."sagot naman ni Cassy.
"Pero galit na galit siya sa akin!"sabi ko pa.
"Galit siya sayo ngayon, oo! Sino ba naman hindi magagalit sa ginawa mo? Kahit ako naman eh! Magagalit din kapag ginawa din iyon sa akin."sagot pa ni Cassy. Lalo naman akong napayuko at nalungkot.
"Pero...kapag mahal mo iyong tao kahit gaano pa kalaki ang nagawa nitong kasalan! Mapapatawad at mapapatawad mo siya. Kaya huwag kang mag-alala diyan! Mapapatawad ka rin niya. Mahal ka niya eh! Hindi lang mahal! Mahal na mahal pa!"dagdag pa niya. Napangiti naman ako
"Sigurado ka?"tanong ko pa
"Huwag mong pagdudahan ang pagmamahal sayo ni Alex"sagot niya. Dahilan para mapaisip ako, oo nga tama siya! Think positive lang dapat! 
"Thank you sa inyo ha!"sabi ko pa sabay tayo. Sana nga lang okay sila! Please po! Huwag niyo naman silang pabayaan! Sana safe lang sila!
"Sana okay lang sila"sabi ko pa.
"Sila? Bakit naman sila?"eksaheradang tanong pa nila. Napangiti naman ako
"Buntis si Alex"sagot ko. Kita kong nanlaki ang mga mata nila, napataklob na lang ako ng tainga ko. Kilala ko na sila
"What??? Buntis si Alex??"sabay-sabay nilang sigaw. Sabi ko na nga ba eh!
"Oo"sagot ko. Napailing na lang ako at hinintay ang doctor. Maya-maya pa ay lumabas na ito. 
'Please po! Sana po okay lang sila! Please po!'dasal ko pa.
"Sino po dito ang asawa ng pasiyente?"agad na tanong Doctor kaya agad akong lumapit.
"Ako po"sagot ko. 
"Kamusta na po ang mag-ina ko doc? Okay naman po sila di ba?"nag-aalalang tanong ko. Ngumiti naman siya
"Wala na po kayong dapat ipag-alala pa, dahil okay na po si misis"nakangiting sagot naman ni Doc. Nakahinga naman ako ng maluwag...'salamat po'. Pero teka! Ang baby namin?
"Ang baby po? Kamusta po siya?"tanong ko ulit. Pero Bigla naman nalungkot ang mukha ni Doc. Kaya naman bigla akong kinabahan. No! Please naman po! Sana po okay lang ang baby namin!! Please po!!!....
"Doc..please...sabihin niyo pong okay lang ang baby namin.."pakiusap ko pa. Tinapik naman niya ang balikat ko
"Wala.....na...po-"
"No! Hindi totoo iyan! Buhay pa ang anak namin! Buhay pa siya!!"sigaw ko pa. Agad naman akong nilapitan nina Cassy.
"Sir,..huminahon po kayo!"
"Paano ako hihinahon ha? Paano sabihin mo?"galit na tanong ko sa kanya. Gusto kong sapakin siya ngayon! Pero mas gusto kong sapakin ang sarili ko! Dahil kung hindi dahil sa akin, hindi nawala ang baby namin! Paano pa ako mapapatawad ni Alex ngayon? Kung wala na ang Baby namin?!! Aaaahhhhh!!!
"Sir, huminahon po kayo...!"
Hindi naman ako nakapagpigil at sinuntok ko ang doctor. Buwesit eh!
"Paano ako hihinahon ha? Wala na iyong baby ko dahil sa kagagawan ko!! Tapos sasabihin mo sa akin na huminahon!! Sa tingin mo? Paano ko gagawin iyon ha!! Paano ako hihinahon kung wlaa na nga iyong baby ko, tapos pwede pang tuluyang mawala sa akin ang babaeng pinakamamahal ko"sigaw ko pa. Agad naman inalalayan ng mga beks, si Doc.
"Pagpasensiyahan niyo na po sana siya doc."sabi pa nila. 
"Okay lang!"sagot naman ni Doc. Tumingin naman ito sa akin.
"Gusto ko lang sana sabihin sayo na...'wala na po kayong dapat ipag-alala pa! Dahil okay na po si Baby! Ligtas na po siya! Okay na po sila'"sabi pa ni Doc. Natulala naman ako, ano raw? Okay si baby? Okay ang baby ko? Yes!!! Thank you po!!!

-

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Where stories live. Discover now