CHAPTER 134

50 6 0
                                    

ALEX'S P.O.V
Kasalukuyan kami ngayong nasa dressing room. Kami ang panghuling iinterviewhin kaya dito muna kami. Mabuti narin naman iyon kasi, pakiramdam ko hindi pa talaga ako handa. Kumalma na ako kanina pero bumalik ang kaba ko ngayon malapit na kaming interviewhin. 
"Tsk..tsk..tsk..baby..relax"pagpapakalma sa akin ni MM. At niyakap ako mula sa likuran.
"Hindi ko alam kung paano eh"sagot ko. Inikot naman niya ako paharap sa kanya.
"Just inhale...exhale...inhale...exhale"turo niya sa akin. Agad ko naman siyang sinunod. Pero ganun parin! Kinakabahan parin ako
"Ano okay ka na ba?"tanong pa niya. Umiling naman ako
"Hindi parin eh! Kinakabahan parin ako"sagot ko. 
"Hay! Gusto mo bang huwag na lang nating ituloy ito?"tanong niya. Agad naman akong umiling.
"No! Ituloy natin ito! Kakahiya naman kay tito boy"sagot ko. 
"Pero nag-aalala naman ako sayo! Baka doon ka pa himatayin."nag-aalalang sabi pa niya. Agad naman akong ngumiti sa kanya.
"Don't worry! Mawawala din naman ito!"sagot ko.
"Sure ka? Baka bigla ka na lang mapaanak doon"sabi pa niya kaya kaagad ko siyang hinampas.
"Baliw! Dalawang buwan pa lang itong baby natin no! Hindi pa siya lalabas!"natatawang sabi ko. Natawa naman siya
"Pinatatawa lang kita! See effective"nakangiti niyang sabi.
"Thank you"nakangiting sabi ko sa kanya. 
"Ano okay ka na ba? Wala na ba ang kaba mo?"tanong niya ulit.
"Nandito pa! Pero hindi na gaano"sagot ko. Hinawakan naman niya ang kamay ko
"Ang lamig ng kamay mo"gulat na sabi pa niya.
"Hehehe! Kinakabahan kasi ako kaya ganyan!"sagot ko. Agad din niyang hinipo ang braso ko at mukha ko.
"Ang lamig mo! Sadya bang okay ka lang?"tanong pa niya. Tumango naman ako
"Oo nga okay lang ako! Kinakabahan lang talaga ako"sagot ko.
"Huwag na kaya nating ituloy ito!"sabi pa niya.
"No! Hindi pwede!"tanggi ko.
"Pero, hindi naman ako mapapakali na ganyan ka! Ang lamig-lamig mo! Baka makasama din iyan sa bata"sabi pa niya. 
"Huwag ka ng mag-alala diyan! Okay lang nga kami! Sadyang kinakabahan lang ako! Di ba first time kong interviewhin"sagot ko.
"Sigurado ka ha! Okay ka lang"paninigurado pa niya. Tumango naman ako
"Oo! Okay lang ako"sagot ko.
"Okay! May alam na akong paraan para mawala iyang kaba mo"nakangiting sabi pa niya. Kunot-noo naman akong tumingin sa kanya.
"At ano naman iyon?"tanong ko. Ngumisi naman siya, kaya agad ko siyang hinampas.
"Hoy! Alam ko na iyang iniisip mo! Umayos ka!"saway ko sa kanya. Tumawa lang naman siya.
"Pero makakaalis iyon ng kaba mo"pilyong sabi pa niya. Lumayo naman ako sa kanya
"No! Ayaw ko!"tanggi ko. Lumakad naman siya palapit sa akin ako naman ay naglakad paatras sa kanya.
"No! Diyan ka lang! Ayaw ko"sabi ko pa sa kanya.
"Baby! Makakatulong ito sayo"pilyong sabi pa niya. Umiling naman ako
"No! Ayaw ko! Kaya huwag mo ng ipilit pa"sabi ko pa sa kanya. Pero patuloy siya sa paglapit sa akin. Kaya umatras ulit ako hanggang sa makarating ako sa may pinto. Tinangka ko naman itong buksan, kaso agad itong nailock ni MM at isinandal ako.
"Paano ba iyan baby...nahuli na kita"nakangising sabi pa niya. Kaya sinubukan ko siyang itulak kaso sobrang lakas niya
"Hindi mo ako matutulak baby..malakas yata ito"pagmamayabang pa niya. Umirap naman ako sa kanya.
"Yabang mo! Bakla ka naman"sagot ko.
"Matagal ko ng napatunayan sayo Baby na hindi ako bakla"nakangising sabi niya. 
"Baka gusto mong patunayan ko ulit sayo! Gusto mo ba?"pilyong tanong pa niya.
"A.Y.A.W. Ko!!!"sagot ko. Tumawa lang naman siya
"Mukhang hindi ka na kinakabahan ngayon baby ah"nakangiting sabi pa niya. Natigilan naman ako, oo nga no?
"Sabi ko naman sayo eh! Alam ko kung paano ka papakalmahin"sabi pa niya.
"Ibig sabihin...?"tanong ko sa kanya. Tumango naman siya.
"Yes baby! Alam ko kasi na kapag inasar kita! Mawawala iyang kaba mo"sagot niya. What? Iyon yun?
"Bakit?"tanong niya. Agad naman akong umiling
"Ha? Wala!"sagot ko.
"Akala mo siguro..."pilyong sabi pa niya 
"Hindi no!!"sagot ko at itinulak siya. 
'Just wow talaga! Nabiktima na naman niya ako!!'
"Uy! Si baby!! Umasa"tukso pa niya.
"Hindi no! Kapal mo!"tanggi ko pa.
"Huwag ka ng tumanggi!"tukso pa niya.
"Hindi nga kasi"sabi ko sabay hampas sa kanya. 
'Opo! Sige na! Ako na iyong guilty! Pero di ako aamin!!'
"Huwag ka ng mahiya! Umamin ka na"sabi pa niya. Hinampas ko ulit siya! Sinalo naman niya ang kamay ko at walang pasabing hinalikan ako. Noong una, nagulat pa ako pero agad din naman akong tumugon.

"Ay sorry po!"

Rinig namin kaya agad kaming naglayo at tumingin sa nagsalita. Isang staff pala
"Sorry po Ma'am! Sir! Hindi ko po gustong istorbohin kayo! Kaso po kayo na po kasi ang sasalang"nahihiyang sabi pa nito. Nakayuko lang naman ako, kami nga ang dapat mahiya eh! Kakahiya!! Naabutan niya kaming ganun!!

-

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Where stories live. Discover now