CHAPTER 40

122 7 0
                                    

ALEX'S P.O.V 
Maaga akong nagising, at naghanda ng breakfast namin. Late na kami nakauwi kagabi, at halos Hindi din ako nakatulog. Hanggang ngayon iniisip ko parin iyong nangyari kagabi. Nakakainis! Bakit ko ba kasi nasabi iyon? Sana lang Hindi maalaa ni ate MM, baka ano pa isipin noon. Atsaka baka asarin lang niya ako.
"Umagang-umaga tulaley ka ah?"
Agad naman akong napalingon, at nakita ko si ate Cassy na palapit sa akin. Oo nga pala dito sila natulog kagabi.
"Hehehe,good morning po ate Cassy"bati ko pa.
"Good morning din, bakit ang aga eh tulala ka diyan?"tanong pa niya.
"Wala naman po, may iniisip lang"sagot ko.
"Ano naman iyon? O baka naman sino kaya iyon?"tanong niya pa, habang nakatingin sa akin ng nakakaloko. Alam ko na ang iniisip niya, at tama Sya! Pero Hindi ko naman sasabihin iyon! 
"Hehehe, wala po iyon! Hindi naman po importante eh"sagot ko.
"Talaga? Eh bakit parang iba iyong nakikita ko! Ano ba talaga iyon? Dali na! Sabihin mo na! Promise Hindi ko ipagsasabi"pangungulit pa niya. Hehehe! Paano ba ito?
"Naku! Naku! Huwag kang magsasabi ng kung ano diyan! Kung ayaw mong malaman ng lahat"
Napalingon naman kami sa nagsalita, kahit naman Hindi ko naman tingnan alam ko naman siya iyan!
"Grabe ka naman sis! Parang sinabi mo narin na ang daldal ko"reklamo ni ate Cassy 
"Eh di ba tunay naman? Sadya namang madaldal ka!"sagot naman ni ate MM.
"Che! Huwag kang maniwala sa kanya Alex, sinisiraan niya Lang ako"baling naman sa akin ni ate Cassy. Tumango lang ako at ngumiti. 
"Sinisiraan daw! Hoy! Di kita sinisiraan no! Nagsasabi ako ng totoo"sabi naman ni ate MM, habang lumalapit sa akin.
"Good morning"bati niya sa akin sabay halik sa pisnge ko. Napakunot noo naman ako, dahil sa ginawa niya. Ngumiti lang naman siya..
"Waaahhhh!!!"tili naman ni ate Cassy. Kaya napalingon kami sa kanya.
"Oh my gosh!!! Anong meron sa inyong dalawa ha? Umamin kayo"pagtatanong pa ni ate Cassy sa amin.
"Ano ba naman Cassy!!? Tili ng tili eh! Kung alam mo lang kung gaano kasakit sa tainga!"sigaw naman sa kanya ni ate MM.
"Sorry! Eh paano naman kasi! Ginugulat niyo ako!"sagot naman nito.
"Anong ginugulat ka diyan! Wala kaming ginagawa no"ganting sabi naman ni ate MM. Tahimik lang ako, wala naman din akong sasabihin eh
"Anong wala? Eh ano iyong nakita ko?"tanong naman niya.
"Aba! Malay ko sayo"sagot naman ni ate MM. Hindi ko naman napigilan Hindi sumingit sa kanilang bangayan.
"Hehehe, ang mas mabuti pa kaya ay maupo na lang kayo diyan! At ihahanda ko na iyong breakfast natin"sabi ko pa.
"Tulungan na kita"alok pa ni ate MM, 
"Huwag na! Ako na lang! Kaya ko na naman eh! Sige na maupo ka na lang doon"tanggi ko. Pero umiling lang siya at nauna ng kumuha ng mga Plato. Kulit talaga!
"Ang kulit mo talaga!"umiiling na sabi ko pa. Humarap naman siya sa akin at ngumiti.
"Makulit na ba iyong, gusto ko lang tulungan ka?"pagtatanong niya. Umiling naman ako, kanina pa ako nagtataka sa mga ikinikilos niya.
"Hindi naman!"nakangiti Kong sagot 
"Wooohh!!! Ang daming langgam"sigaw ni ate Cassy.
"Huwag mo na lang pansinin ang baliw"bulong pa ni ate MM sa akin. Medyo natawa naman ako, at tumango na Lang. Magkatulong kaming naghanda ng almusal namin. Habang si ate Cassy naman ay nakupo Lang at nakatingin sa amin habang nakangiting nakakaloko.
"Ako na diyan! Maupo ka na"sabi pa sa akin ni ate MM. At kinuha sa akin ang mga baso.
"Iba na talaga! Ang mga galawan ngayon! Iba din!"sabi pa ni ate Cassy.
"Alam mo? Kanina ka pa! Hindi ka ba tatahimik kahit saglit lang"sabi naman ni ate MM kay ate Cassy.
"Tahimik naman ako ah! Wala naman akong ginagawang masama ah"pagdedeny pa niya.
"Kung ganyan ang tahimik! Ano pa kaya ang maingay!"mataray na sabi pa ni ate MM, at padabog na inilapag ang baso sa harapan ni ate Cassy.
"Ay! Nagdadabog ka sis?"pang-aasar pa ni ate Cassy. Pero Hindi naman siya sinagot ni ate MM at naupo na lang sa tabi ko.
"Iyong tatlo, Hindi ba natin sila gigisingin muna?pagtatanong ko.
"Tulog pa ang mga iyon! Kaya hayaan na lang natin"sagot naman ni ate MM. Tumango na lang ako, nagpray muna kami pagkatapos ay nagsimula na kaming kumain. Tahimik Lang kami kumakain pero saglit lang! Kasi Hindi yata talaga mapipigilan ang bibig ni ate Cassy eh.
"Pero iyong totoo guys! Anong meron sa inyong dalawa? Bakit ang sweet niyo sa isa't-isa? Lalo ka na sis"tanong pa ni ate Cassy. Napaubo naman ako, nasamid ata ako eh. Kaagad naman akong inabutan ni ate MM ng tubig.
"Okay ka lang?"tanong pa niya, tumango naman ako
"Oo!salamat"sagot ko.
"Uy! Guys! Pansinin niyo naman ako! Parang kayo-"di na natuloy ni ate Cassy ang sasabihin niya, ng biglang siyang sinubuan ni ate MM ng tinapay.
"Kain na ulit tayo"sabi pa niya, Hindi ko naman napigilan na Hindi matawa sa ginawa niya kay ate Cassy. Ang hard niya ha! Kawawan g ate Cassy!!

-

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang