CHAPTER 73

60 8 0
                                    

ALEX'S P.O.V
Nandito lang ako sa bahay at nagpapahinga. Masyado yata akong napagod sa sunod-sunod na shooting namin nitong mga nakaraang araw. Kaya heto ang sama ng pakiramdam ko, tapos nabasa pa ako ng ulan kahapon. Hay! 
"Kamusta na ang pakiramdam mo?"tanong ni MM sa akin.
"Medyo okay na naman! Masakit na lang talaga ang ulo ko"sagot ko naman. Agad naman siyang lumapit sa akin at chineck ang noo ko.
"Bumababa na nga ang lagnat mo! Salamat naman!"sabi pa niya. Ngumiti naman ako sa kanya
"Salamat ha! Sa pag-aalaga mo sa akin"pasasalamat ko pa. Ngumiti lang din naman siya at hinawakan ang kamay ko.
"Tungkulin ko na alagaan ka! At gusto kong alagaan ka"nakangiting sagot niya, sabay halik sa noo ko.
"Sige na! Pahinga ka na! Dito lang ako!"sabi pa niya, 
"Thank you"sabi ko ulit, at nahiga na. Pero hindi naman ako inaantok
"Sige na matulog ka na! Babantayan kita"utos pa niya. Pero umiling naman ako
"Hindi kasi ako inaantok eh!"sagot ko at bumangon na ulit. Inalalayan naman niya agad ako, ang sweet talaga niya! Sino ba naman ang hindi magkakagusto dito? Pero sorry na lang akin na siya! Akin lang!
"Anong gusto mong gawin?"tanong niya sa akin. Agad naman along nag-isip...hmmm..aha!
"Kantahan mo ako"nakangiting sagot ko. 
"Ha? Kantahan kita? Ano naman ang kakantahin ko?"balik na tanong niya.
"Kahit ano"sagot ko. Tumango-tango naman siya at tila nag-iisip.
"Okay!"sagot niya at tumayo. 
"Saan ang punta mo?"tanong ko
"Sa kuwarto ko! May kukunin lang ako… wait ka lang!"sagot niya at tuluyan ng umalis. Nagkibit-balikat na lang ako at hinintay na lang siya. Maya-maya pa ay bumalik na siya na may dalang…Gitara?
"Marunong kang mag-gitara?"tanong ko. Tumango naman siya at ngumiti sa akin, 
"Yap! Hidden talent ko ito,hehehe"sagot niya habang inaayos ang tono ng gitara. 
"Hayan! Okay na!"nakangiting sabi pa niya. Nakatingin lang naman ako sa kanya at pinapanood siya. Nagsimula na siyang magstrumming, tumingin muna siya sa akin at nagsimula ng kumanta.

[ Lumiwanag bagong araw
Dahan dahang natutunaw
Ang aking damdamin
Ikaw na ngang para sa akin🎶🎶 ]
(Nakatingin lang siya sa akin habang kumakanta, ngumiti naman ako sa kanya.)

[ Ayoko na munang umibig
Itutulak palayo ang sinuman
Kalilimutan mag mahal
Dibaleng magisa ang puso'y ligtas naman
Kaytagal kong nagisa at ikaw ngay dumating ]
( Hindi ko naman maiwasang isipin kung paano kami nagkakilala, kung paano kami naging close at naging ganito. Niloko man ako ni Tyrone, pero nagpapasalamat parin ako sa kanya kasi dahil sa kanya nakilala ko si MM.)

[ Habang lumalalim akoy nahuhulog na
Ikay gustong laging kasama
Dahil mananahimik na sana ewan ko ba
Ng makilala kita abot langit ang saya ]
( Hindi naman mawala ang ngiti sa labi ko. Habang nakatitig lang sa kanya, habang tumatagal lalo ko siyang minamahal.)

[ Lahat ng kulang napuno
Binuhay mo ang natulog kong puso
Di akalain manunumbalik kung pano mag mahal
Kung pano masabik, natuyo na ang luha
Dahil na jan ka na ]

( Nagawa kong bumangon sa sakit na dinulot ni Tyrone dahil sa kanya. Kinaya ko ang lahat kasi kasama ko siya. Hindi ako natatakot kasi alam ko nasa tabi ko siya. Pag kasama ko siya, okay na ako! )

[ Habang lumalalim akoy nahuhulog na
Ikay gustong laging kasama
Dahil mananahimik na sana ewan ko ba
ahha...

Ng makilala kita abot langit...
Habang lumalalim akoy nahuhulog na
Ikay gustong laging kasama
Dahil mananahimik na sana ewan ko ba..]
(Ibinababa naman niya ang gitara at hinawakan ang kamay ko. )

[ Ng makilala kita abot langit...
Abot langit ang saya...
Abot langit ang saya...
Abot langit ang saya...]
-
Pagkatapos niyang kumanta ay kaagad akong yumakap sa kanya.
"Salamat! Salamat at dumating ka sa buhay ko"sabi ko sa kanya. Tumingin naman siya sa akin
"Ako ang dapat magpasalamat sayo! Salamat at dumating ka sa buhay ko"nakangiting sabi niya at hinalikan ako sa may noo ko. 

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora