CHAPTER 114

88 7 0
                                    

MM'S P.O.V.

"Miss na miss na rin kita...."

Natigilan naman ako ng marinig ko iyon. Dahan-dahan naman akong lumingon para siguraduhin ang hinala ko. 
"Alex..."naiiyak na sambit ko pa. Nakatayo lang siya sa may pinto habang naluluhang nakatingin sa akin. Agad naman akong tumayo at niyakap siya. Totoo ba ito? Nandito ba talaga siya? Please kung panaginip lang ito! Huwag niyo muna ako gisingin! 
"Totoo ito di ba? Totoong nandito ka?"tanong ko pa habang yakap-yakap parin siya. Kumalas naman siya sa pagkakayakap sa akin at hinawakan ang mukha ko.
"Totoo ito! Hindi ka nananaginip"nakangiting sagot niya, at pinunasan ang luha ko. Napangiti naman ako at niyakap ulit siya. Hindi ko alam kung paano? O anong nangyari? Pero isa lang ang alam ko! Masaya ako ngayon, dahil nandito na siya! Nakayayakap ko na ulit.
"Miss na miss kita"umiiyak na sabi ko pa
"Miss na miss din kita!"sagot niya. Hindi ko alam kung gaano katagal kaming magkayakap bago ako kumalas sa pagkakayakap sa kanya. At tiningnan siya
"Paano nangyari ito? Di ba galit ka sa akin? Pero bakit ka nandito? Okay na ba tayo? Pinatatawad mo na ba ako?"sunod-sunod na tanong ko. Ngumiti naman siya, at pinisil ang ilong ko.
"Hinay-hinay lang sa pagtatanong! Di ako aalis!"sabi pa niya. Napanguso na lang naman ako
"Okay na ba tayo?"tanong ko pa. 
"Hindi pa"sagot niya. Kaya napayuko na lang ako.
"Joke lang!"natatawang sabi pa niya at pinangigilan ang pisnge ko. Aray! Masakit iyon! Pero okay lang! Siya naman iyan eh!
"Thank you"sabi ko pa. Hinawakan ko naman ang kamay niya
"At sorry sa nagawa ko..alam ko na mali-"
"Sssshhh.."pigil niya pa sa akin.
"Hindi mo na kailangan magpaliwanag pa. Kasi alam ko na ang lahat"nakangiting sabi pa niya. Napakunot naman ang noo ko.
"Paano? Sinabi ba nina Cassy?"tanong ko. Umiling naman siya
"Hindi!"sagot niya.
"Oh! Sino ang nagsabi sayo?"tanong ko ulit.
"Ikaw!"sagot niya. Ha? Ako? Pero paano nangyari iyon? Hindi nga niya ko kinakausap eh!
"Remember noong dumalaw ka sa akin? Nung umiiyak ka! Tapos nagpaliwanag ka sa akin. Narinig ko lahat ng iyon, gising na ako ng time na iyon. Pero nagkunwari lang akong tulog."kwento niya. Nagulat naman ako sa sinabi niya, ibig sabihin alam na niya lahat?
"Sorry ha! Nagpadala ako sa selos ko, hindi ako nagtiwala sayo"hinging paumanhin ko pa. Umiling naman siya
"No! Ako ang dapat humingi ng sorry sayo. Kasi hindi naman mangyayari ang lahat ng ito kung sa umpisa pa lang hindi na ako nagsinungaling sayo. Kaya sorry sa nagawa ko! At patawarin mo ako kung pinagtabuyan kita! . Patawarin mo ako kung hindi muna kita hinayaang magpaliwanag sa halip ay nagalit pa ako sayo. Sorry kung nagmatigas ako kahit alam ko na ang dahilan mo, sorrry kung hindi kita napatawad agad."sabi pa niya. Ngumiti naman ako sa kanya at hinawakan ang mukha niya.
"Wala kang dapat ihingi ng tawad kasi naiintindihan kita! At kahit kailan hindi ako nagalit sayo. Kahit pa nga pinagtabuyan mo ako, sinigawan mo ako! Sinabihan mo ako na hindi mo ako kailangan! Okay lang! Kasi naiintindihan kita! Alam ko naman na may mali din ako, nagsinungaling ako sayo. Kaya deserved ko lahat ng iyon. Oo aaminin ko na nasaktan ako! Pero kahit kailan hindi ako magagalit sayo."sagot ko. Nagumiti naman siya at niyakap ako
"Thank you Baby! Namiss kita sobra"sabi pa niya. Yinakap ko naman siya ng mahigpit
"Namiss din kita sobra Baby! At thank u din"nakangiting sabi ko pa.
"Namiss ko kayong dalawang Baby ko"dagdag ko pa. Natawa naman siya, kaya tumawa narin ako.

"This program is brought to you by..NIDO!"

Napalingon naman kami kay Cassy na may hawak pang Nido! Baliw talaga itong babaeng ito! Atsaka saan kaya ito kumuha ng Nido?
"Kung may problema kayo ng Jowa mo? O hindi kaya ay nagbreak kayo? Bumili ka lang ng NIDO! Tiyak! Magiging ayos at Magkakabalikan kayo!!"dugtong pa ni Cassy. Napailing na lang ako
"Hoy! Parang kang sira diyan! Tumigil ka nga!! Panira ka ng moment eh!"sigaw ko sa kanya. Pero ngumiti lang siya. Baliw talaga ito!
"Kayo ang mas mukhang sira diyan! Ang drama niyo! Para kayong mga baliw! May pa tiis-tiis pang nalalaman! Away pa ng away! Kaloka kayo!"sagot naman niya. 
"Wala kampake!"mataray na sagot ko sa kanya. Sabay irap..bumaling na naman ako Kay Alex.
"Pagpasensiyahan mo na si Cassy ha! Alam mo naman baliw talaga iyon"sabi ko pa kay Alex. Tumawa lang naman siya sabay hampas sa akin
"Ang bad mo kay ate Cassy! Hindi mo ba alam na dahil sa kanya naliwanagan ako."sagot niya sa akin. Ngumiti lang naman ako at yinakap ulit siya. I know! Kaya thankful talaga ako sa mga kaibigan ko eh! Talaga namang maasahan!

-

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora