CHAPTER 23

100 6 0
                                    

MM'S P.O.V
Kanina pa nakasigaw si direk ng 'cut' pero hanggang ngayon nakatulala parin ako sa puwesto ko. Bakit? Eh sino bang hindi mabibigla doon? Oh my!! Baka malason ako nito ah!!
"Hoy!!"biglang may sumigaw sa akin, kaya natauhan ako at tiningnan kung sino iyon. 
"Bakit?"tanong ko kay Rhian, pero lutang parin talaga ako.
"Eh tulaley ka diyan meme eh! Kanina pa natapos ang shooting pero hanggang ngayon nakatayo ka parin diyan. Ano hindi makamove-on?"pagtatanong niya. Umiling lang ako at nagsimula ng maglakad papunta sa tent ko.
"Uy! MM! Ang galing niyo ni Alex kanina ah! Hindi ko ineexpect iyon"pang-aasar pa ni direk sa akin. Tiningnan ko naman siya ng masama at nilapitan.
"Buwesit ka direk! Bakit hindi ka kaagad sumigaw ng 'cut'? Di ba napag-usapan na natin iyon?"may halong inis na tanong ko sa kanya. Pero ngumisi lang siya sa akin.
"Nakalimutan ko kasi! Masyado akong nadala sa eksena niyo"natatawang sagot niya. Di ko naman napigilan na hampasin siya, okay lang naman iyon,kaibigan ko naman siya.
"Ewan ko sayo!! Kapag nalason ako dahil dito! Ikaw ang magbabayad ng panghospital ko"sabi ko pa. Lalo naman siyang natawa..
"Grabe ka naman! Atsaka kunwari ka pa diyan! Eh ikaw nga iyong nauna eh! Tinuloy lang ni Alex"tawang-tawang sagot naman ni direk. Naalala ko naman si Alex, oo nga pala iyong babaeng iyon! Nasaan na ba iyon? Patay siya sa akin.
"Teka nga direk! Nasaan nga pala iyong buwesit na babaeng iyon?"pagtatanong ko sa kanya. Tumingin naman siya sa akin ng nakakaloko.
"Bakit? Miss mo na kaagad?"tukso pa niya.
"Huwag mo akong simulan direk! Naku! Sinasabi ko sayo"pagbabanta ko pa.
"Hahaha! Kahit kailan pikon ka parin! Pero para sagutin ang tanong mo! Hindi ko rin alam eh. Tanong mo na lang sa beki's angel mo"sagot naman niya. Tumango lang ako, at kaagad narin umalis para hanapin si Alex. Makakatikim talaga sa akin ang buwesit na babaeng iyon!
"Hoy! Mga bakla!!"sigaw ko sa tatlo. Agad naman silang tumingin sa akin.
"Makatawag ka ng bakla ah! Bakit? Ikaw ba hindi?"sagot naman nila. Inirapan ko lang naman sila,
"Nakita niyo ba si Alex?"tanong ko sa kanila. At tulad ni direk, tiningnan din nila ako ng nakakaloko.
"Huwag niyo akong simulan! Binabalaan ko kayo! Sagutin niyo na lang ang tanong ko"pagtataray ko pa sa kanila. Tinaas naman nila ang kanilang kamay..
"Easy! Easy! Masyado ka namang pikon meme eh!"sabi pa ni Jon.
"At kung si Alex ang hinahanap mo, nandoon siya sasakyan mo"dagdag pa niya. Dali-dali naman akong umalis para puntahan si Alex. 
"Hoy meme!! Sandali!"tawag pa sa akin nila. Nilingon ko naman sila..
"Oh bakit?"tanong ko.
"Nakalimutan naming sabihin na kausap pala niya ang jowa niya"sagpt naman ni RC. Natigilan naman ako, si Tyrone? Kausap ni Alex ngayon si Tyrone? Pero teka! Paano nila nalaman na magjowa iyong dalawa?
"Teka! Pa-"natigil ako sa pagsasalita ng bigla silang tumawa.
"Hahaha!!! Char lang!!meme! Nagjojoke lang kami!!"natatawang sabi pa nila. Agad naman akong lumapit sa kanila at pinagbabatukan sila.
"Mga buwesit kayo! Mga siraulo!!"sabi ko pa.Nagtawanan lang naman sila, kaya hinayaan ko na lang sila at naglakad na ako paalis para puntahan si Alex. Makakatikim din sa akin ang babaeng iyon! Halikan ba naman ako? At hindi ko mapapalampas iyon! Nakaisa siya sa akin! Kaya dapat lang na gumanti ako. Pero hindi ko gaya ng nasa isip niyo, hindi ko siya hahikan din para makabawi ako! Never Kong gagawin iyon! Dire-diretso akong lumapit sa sasakyan ko, at binuksan ang pinto nito. Pero nanlaki naman ang mata ko sa nakita ko.....
'OMG!!!!'
"Aaaahhhhhhh"tili naming dalawa
Agad ko namang sinarado ulit ang pinto ng sasakyan. At hinihingal na sumandal habang hawak-hawak ang dibdib ko.
"Woooohhhh! Grave!!"sigaw ko pa. Grabe talaga! Ang sama ng araw na ito para sa akin. Una! Nagkiss kami ni Alex, tapos ngayon naman nadatnan ko naman siyang nagbibihis. Bakit sobrang lala ng araw na ito? Nagkasala pa ako! Pakiramdam ko talaga makasalanan na ako. Oh em!! Magsisimba talaga ako bukas!.
"Oh Lord! Patawarin niyo po ako! Hindi ko din po ginusto ang nakita ko"dasal ko pa. 
"Oh meme! Anyare sayo?"tanong naman ng tatlo na kakarating lang. Agad naman akong umiling.
"Eh bakit parang namumutla ka? Anyare?"tanong pa ni Jon.
"Wala nga!"sagot ko ulit.
"Bakit nga pala kayo nandito?"pagtatanong ko.
"Ah iyon nga pala! Buti naabutan ka namin! Bago mo buksan iyang sasakyan! Nakalimutan kasi naming sabihin na nagbibihis pala siya. Baka kasi mabuksan mo at magulat ka"sagot naman ni Rhian. Napalunok naman ako dahil sa sinabi nila. Kung alam lang nila!

-

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora