CHAPTER 128

53 4 0
                                    

ALEX'S P.O.V
Saglit lang kaming nagtagal ni Nanay sa Mall kasi bigla na lang daw sumama ang pakiramdam niya. Kaya agad narin kaming umuwi ng bahay.
"Okay na po ba kayo Nay?"nag-aalalang tanong ko. Tumango naman siya
"Okay na ako iha! Huwag ka ng mag-alala"sagot pa ni Nanay. 
"Sigurado po kayo? Gusto niyo po tawagan ko na si MM?"tanong ko. Umiling lang naman siya
"Hindi na! Okay lang talaga ako"sagot pa ji nanay. Napatingin naman ako sa cp ko ng bigla itong tumunog. Agad ko naman itong sinagot
"Hello"sagot ko.
"Hello bes!!"masiglang bati naman ni Pauline.
"Oh bakit?"tanong ko.
"Busy ka ba? Yayayain sana kita eh"tanong din niya.
"Saan naman?"balik na tanong ko.
"Magpapasama sana ako sayo"sagot nito.
"So pwede ka ba? Sana naman! Wala kasi akong kasama eh! Hindi ko mahagilap si Lexi"pakiusap pa niya. Napatingin naman ako kay Nanay na nakahiga ngayon.
"Saglit lang Pauline ha! Tawagan na lang kita pamaya"sagot ko sa kanya.
"Okay! Pero sana pumayag ka"sagot nito at pinatay na ang tawag. Muli naman akong bumaling sa kay Nanay.
"Bakit iha? May problema ba? Sino iyong tumawag?"tanongniya sa akin. Umiling naman ako
"Ah wala po"sagot ko.
"Ah! Pero sino ba iyong tumawag?"tanong ulit ni Nanay. Ngumiti naman ako bago sumagot.
"Si Pauline po! Tinatanong niya po kasi kung may gagawin daw po ako. Nagpapasama po kasi siya sa akin. Kaso nga lang po! Wala naman po kayong kasama dito"sagot ko.
"Ganun ba iha? Oh siya! Samahan mo na siya! Huwag ka ng mag-alala pa sa akin"sabi naman ni Nanay. Umiling naman ako 
"Hindi na po! Sasabihin ko na lang po sa kanyang hindi po ako pwede! Kasi po wala kayong kasama"sagot ko.
"Huwag na! Lumakad ka na! Huwag ka ng mag-alala kasi okay na naman ako! Atsaka parating na naman ang ate mo"pilit pa ni Nanay.
"Pero po! Baka po matagalan pa si Ate"sagot ko. Bumangon naman si Nanay, kaya agad ko siyang inalalayan.
"Iha okay lang ako! Kaya huwag ka ng mag-alala"sabi pa niya.
"Pero po"sagot ko pa. Umiling na lang naman siya
"Iha! Sige na lumakad ka na!"utos pa niya. Magsasalita pa sana ako ng biglang pumasok si ate.
"Oh nandito ka pa Alex?"biglang tanong niya. Nagulat naman ako 
"Po?"tanong ko.
"Ah! Ganito kasi..nakita ko iyong mga kaibigan mo.. Kanina!"sagot naman nito. Napatango na lang ako 
"Ah! Okay po"sagot ko na lang, kahit nagtataka parin ako.
"Oh siya iha! Sige na! Umalis ka na! Baka naghihintay na sila doon"sabi pa ni Nanay. 
"Sige po"sagot ko. 
"Ingat ka iha!"bilin pa ni Nanay. Humalik lang ako sa kanila at agad naring lumabas. Nagpunta muna ako sa kwarto para magbihis. Pero bago iyon tinawagan ko muna ulit si Pauline.
"Hello! Pauline"
"Hello bes! Ano na?"agad na tanong niya.
"Heto na ako! Papunta na! Saan nga pala tayo magkikita?"tanong ko.
"Sa park"sagot niya. Dahilan para mapakunot ang noo ko. Sa dami ng lugar bakit sa park pa. Dami ko ng masamang ala-ala sa park eh.
"Bakit sa park pa? Pwede namang sa iba eh"tanong ko.
"Basta! Gusto ko sa park eh! Bilisan mo na lang bes! Late ka na eh"sagot pa nito.
"Okay!okay! Sige na! Pupunta na diyan! Kakahiya naman sayo eh"sarkastikong sabi ko.
"Very Good! Bilisan mo! Inip na ako"pahabol pa nito.
"Oo na!"sagot ko at agad na pinatay ang tawag. Kaloka!! Kung makapag-utos siya ah!!

MM'S P.O.V.

"Papunta na daw siya!!"sigaw pa ni Pauline. Agad naman akong lumapit sa kanya.
"Salamat"nakangiting sabi ko pa. 
"Okay guys!! Be ready!!"sigaw ko sa mga kasama ko. 
"Ready na kami meme! Kanina pa"ganting sigaw naman nila. Nagthumbs-up lang naman ako sa kanila.
"Ikaw meme? Ready ka na ba?"tanong naman sa akin ni Jon. Tumango naman ako
"Matagal na!"sagot ko.
"Baka naman pamaya...mangatog ang tuhod mo"asar naman ni Cassy. Inirapan ko naman siya
"Hindi no!"pagtataray ko pa. Tumawa lang naman sila
"Nandiyan na si Alex!!!"sigaw naman ni Lexi, kaya nataranta naman ako.
"Guys!AndiyannadawsiAlexalamniyonnaanggagniyoma-"
"Hep! Hep! Teka lang meme! Wala kaming maintindihan sa sinasabi mo"awat sa akin ni RC. Huminga naman ako ng malalim. Bigla naman silang nagtawanan.
"Oh bakit kayo natawa diyan?"tanong ko.
"Eh kasi meme! Kabang-kaba ka! Baka naman himatayin ka pamaya"tawang-tawang sabi pa ni Rhian. 
"Mga siraulo!! Umayos na lang kayo!!"sigaw ko. Tawa parin naman sila ng tawa pero hinayaan ko na lang sila. At agad akong sumilip para tingnan si Alex.
"Guys ready! Nandiyan na siya"sigaw ko pa.
'This is it na talaga'

-

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Where stories live. Discover now