CHAPTER 41

106 7 0
                                    

ALEX'S P.O.V
Sa mga oras na ito ang tanging nararamdaman ko lang ay kaba. Grabe, halos sasabog iyong puso ko, kasalukuyan akong inaayusan nina Jon. Ngayong kasi ang Premiere Night ng movie namin ni Ate MM. Nakakaloka! Hindi pa rin talaga ako makapaniwala sa mga nangyayari sa akin ngayon. Tapos Hindi ko parin natatawagan sina mama at papa. Sigurado ako na nabalitaan o nakita na nila iyong movie. Pasalamat na lang ako at hindi pa sila tumatawag hanggang ngayon.
"Okay ka lang ba girl?"tanong sa akin ni Jon. Umiling naman ako
"Hindi eh! Kinakabahan ako"sagot ko. Tinapik naman niya ang balikat ko.
"Huwag kang kabahan! Andoon naman si meme eh! Aalalayan ka niya. Kaya mo iyan!"nakangiti niyang sabi.
"Kaya smile kana diyan girl! Sayang naman iyong ganda mo kung nakasimangot ka diyan"sabi naman ni Rhian. Kaya napangiti naman ako,
"Ang galing niyo talagang mambola!"natatawang sabi ko
"Naku! Naku! Hindi kami nambobola no! Nagsasabi kami ng totoo! Ang ganda mo talaga!"sagot naman ni Jon.
"Halika dito! Para maniwala ka"sabi naman ni RC at inalalayan ako. Agad naman akong tumingin sa salamin. Wow!! Ako ba talaga ito? Oh my gosh!!!

MM'S P.O.V
Kanina pa ako nakaupo dito sa may sala. Medyo naiinip na nga ako eh! Bakit ba ang tagal nila doon sa taas? Grabe naman silang mag-ayusan! Ang tagal ha! Pero sa bagay ganun din naman ako pag-ianaayusan,mas matagal pa nga eh. Kaso lang ngayon, boy look ako ngayon! Kaasar nga eh! Gusto Kong maggown kaso Hindi ako pinayagan. Taliwas daw kasi sa movie, atsaka ang sama daw tingnan kung pareho kaming nakagown ng kaloveteam ko. Gusto ko sanang ipaglaban karapatan ko kaso wala naman akong magagawa din. Kaya sumunod na Lang ako, kaya heto papogi ako today! Kaloka nga eh! 
"Hoy!! Hindi pa ba kayo tapos diyan? Pakibilisan naman!"sigaw ko.
"Saglit Lang meme!"sagot naman nila.
"Anong saglit? Hoy late na tayo"sigaw ko ulit.
"Oo na! Nandiyan na!"sabi pa ni RC habang pababa ng hagdan. Kasunod naman niya si Rhian, at Jon.
"Oh nasaan si Alex?"tanong ko. Pero sa halip na sagutin ako, ay ngumiti Lang Sila at tumingin sa taas. Agad ko namang sinundan ang tinitingnan nila. At nakita ko doon si Alex na pababa ng hagdan. Agad akong napatayo at nakatingin lang sa kanya, sinusundan ang bawat paghakbang niya pababa. Hindi ko alam pero pakiramdam ko parang bumagal ang oras, tila nagslow mo lang ang lahat. 
"Maganda ba meme?"rinig kong tanong pa sa akin ni Jon. Tumango lang ako pero Hindi ko parin maalis ang tingin ko kay Alex. Ang ganda niya! Sobra! Para siyang prinsesa.
"Meme heto panyo oh"sabi pa ni Rhian sabay abot sa akin ng panyo. Nagtatakang tumingin naman ako sa kanya. 
"Aanhin ko iyan? May panyo naman ako"sagot ko. Ngumisi naman siya
"Baka kasi kailanganin mo! Kasi halos tumulo na ang laway mo kakatitig kay Alex. Hindi halatang gandang-ganda ka sa kanya eh"panunukso pa niya. Inirapan ko lang naman siya, at ibinalik ko na ulit ang tingin ko kay Alex. Kita ko naman medyo natalisod siya, kaya bago pa siya mahulog ay tumakbo na ako para saluhin siya...

ALEX'S P.O.V
Isang hakbang na lang sana kaso natalisod pa ako. Kaya napapikit na lang ako, at handang mahulog. Kaso hindi nangyari, kaya napamulat ako at gulat ko ng pagkamulat ko ay mukha ni ate MM ang nakita ko. At sobrang lapit ng mukha namin sa isa't-isa.
"Be careful!"sabi niya. Pero nakatingin Lang ako sa kanya, at iisa Lang ang masasabi ko. Ang gwapo niya, 
"Okay ka Lang?"tanong niya pa sa akin, tumango naman ako at ngumiti sa kanya.
"Oo! Okay lang ako! Salamat sa pagsalo sa akin ha"nakangiting sabi ko sa kanya. Napangiti naman siya, oh m!!ang gwapo niya talaga.
"Wala iyon! Hindi ko naman hahayaan na mahulog ka lang! Siyempre pagnahulog ka! Sasaluhin kita"nakangiti niya pang sabi. Ngayon ko lang napansin na ang ganda pala ng mga mata niya.
"Ang gwapo mo ngayon"walang ano-anong nasabi ko. Medyo natawa naman siya, gusto ko mang bawiin iyong nasabi ko pero narinig narin naman niya eh! 
"Kaya pala ganyan ka makatitig sa akin. Pero Hinay-hinay Lang baka mainlove ka niyan sa akin"sabi pa niya. Hinampas ko naman siya ng mahina. Dahilan para mapaurong siya, napakapit naman ako ng mahigpit sa kanya.
"Ang cute mo talaga!"natatawa pa niyang sabi. Pero biglang nagseryoso ang mukha at tumingin sa akin.
"Pero walang halong echos!!! Ang ganda mo"sabi pa niya. Feeling ko naman namula ang mukha ko dahil sa sinabi niya. Bakit parang kinilig ako! Ano ba ito?
"Hehehe! Sorry sa pag-istorbo sa moment niyong dalawa ha! Pero kasi kapag Hindi pa tayo umalis, baka malate na talaga tayo! Kaya pamaya niyo na lang ituloy iyan ha"biglang singit ni Jon. Agad naman akong inilayan ni ate MM.
"Sige tara na!"pagyaya pa niya sabay hawak sa kamay ko. Napangiti na Lang ako, Ewan ko ba! Pero Hindi ko mapigilang Hindi kiligin. Oh no! Hindi pwede ito! Mali ito!

-

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon