CHAPTER 135

58 6 0
                                    

ALEX'S P.O.V
Hanggang ngayon nahihiya parin ako sa nangyari kanina. Kaya nga hindi ako makatingin kay ate eh. 
"Huwag ka ng mahiya! Relax"bulong pa niya sa akin. Naghihintay kasi kaming tawagin ni tito Boy eh.
"Muli po tayong nagbabalik mga kapamilya! At ang bisita po natin ngayon ay ang pinakakontrobersyal na Loveteam ngayon. Ang tagal ko pong hinintay na makapanayam sila! At alam ko kahit kayo po! Nag-aabang din! Alam ko po na marami kayong gustong malaman! Marami tayong tanong sa kanila! Kaya heto na po! Hindi ko na po papatagalin pa! Dahil alam kong excited na rin kayo"rinig pa naming sabi ni Tito Boy. Huminga naman ako ng malalim! Heto na!
"Handa na ba kayong mga kapamilya?"tanong pa ni tito Boy. Nagsigawan naman ang mga tao. 
"Yess!!!!!!"sigaw ng mga tao.
"Okay heto na! Ating tawagin Alex and MM also known as MIGLEX loveteam"pagtawag pa sa amin ni tito Boy. Agad naman kaming lumabas at kumaway sa madlang people. Rinig namin ang ingay ng mga tao.
"Magandang hapon sa inyong dalawa! Welcome"bati pa sa amin ni Tito Boy.
"Thank you po tito Boy"nakangiting sagot namin. At bumeso at yumakap sa kanya.
"Sige na maupo na tayo! At excited na akong tanungin kayo"masayang sabi pa ni Tito Boy. Agad naman akong inalalayan ni MM para makaupo ng ayos. Nagtilian naman ang mga tao.
"Ay grabe! Simpleng gesture pa lang kinikilig na ako"kinikilig pang sabi ni Tito Boy. Napangiti na lang kami
"So heto na nga! Sisimulan na natin! Handa na ba kayo?"tanong pa niya. Tumango naman kami
"Ms. Korina is that you?"pagbibiro pa ni MM. Natawa naman si Tito Boy
"Ikaw talaga MM! Ang hilig mong magbiro!"natatawang sabi pa ni tito boy.
"Okay sige na! Mag-umpisa na tayo"sabi ni Tito Boy. Muli naman akong huminga ng malalim. Naramdaman ko naman ang kamay ni MM na hinawakan ang kamay ko at pinisil ito.
"Relax! Nandito lang ako"bulong pa niya sabay halik sa noo ko. Napangiti na lang ako at nagpasalamat sa kanya. Kahit papano nawala ang kaba ko.
"Naku! Naku! Ang dami ng langgam sa studio! Hindi pa man tayo nagsisimula"sabi pa ni Tito Boy.
"Tara na mag-umpisa! At baka mapaos na ang mga tao dito sa loob sa kakasigaw"natatawang sabi pa ni tito boy. Tumango naman kami.
"Okay! Ay! Parang hindi ko na kailangang itanong pa ito eh! Dahik obvious na obvious naman"sabi pa ni tito boy habang binabasa ang mga tanong.
"Oh sige na nga! Itanong narin natin. Alex at MM! Ang daming nagtatanong lahat ng madlang people. Ano nga ba ang tunay na estado niyong dalawa? Sorry kailangan ko kang itanong ito! Kahit obvious naman na ang sagot."natatawang tanong pa ni Tito Boy. Nagtinginan naman kami ni MM
"Kayo na ba?"tanong ulit ni tito boy. 
"Actually Tito Boy, hindi naging kami!"sagot ni MM. Napangiti na lang ako
"Anong ibig mong sabihin MM? Hindi naging kayo? So walang kayo ganun?"tanong pa ni Tito Boy. 
"No Tito Boy! May kami!"sagot ko naman. Napakunot naman ang noo ni Tito Boy.
"Teka! Teka nga! Anong ibig niyong sabihin? Naguguluhan ako eh! Pwede niyo ba ipaliwanag sa akin ng mas malinaw pa"pakiusap sa amin ni Tito Boy.
"Okay po Tito Boy"sabay naming sagot.
"Ganito po kasi iyon Tito boy! May kami! Pero hindi naging kami! Ang gulo po di ba?"sagot ko. Tumango naman si Tito Boy
"Ang gulo nga!"sagot niya
"Ganun po kasi talaga Tito Boy! Hindi po kami dumaan sa boyfriend/girlfriend! Wala ring ligawan na nangyari! Basta na lang 'boom' ganun po"paliwanag ko pa.
"So you mean? Go to the Flow na lang kayo? Walang aminan! Walang ligawan? Basta iyon na lang iyon?"tanong pa ni Tito Boy. Tumango naman kami
"Opo tito boy!"sabay na sagot namin.
"OMG! Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig"umiiling na sabi pa ni Tito boy. Napatingin naman siya sa Daliri ko.
"Oh! So ang tanong ng marami! Anong eatado niyo na sa ngayon?"nakangiting tanong ni Tito boy habang nakatingin sa daliri ko. Napangiti na lang ako at tumingin kay MM, tumango naman siya. Kaya itinaas ko ang kamay ko para ipakita ang singsing sa daliri ko. Naghiyawan naman ang mga tao
"OMG!!! Anong ibig sabihin nito?"tanong pa ni Tito Boy.
"Engaged na po kami Tito Boy"nakangiti naming sagot. Halata namang nagulat si Tito Boy
"Congrats sa inyong dalawa! Masaya kami para sa inyo"bati pa sa amin ni tito boy.
"Salamat po tito boy"pasasalamat namin.
"Grabe na talaga! Lalo akong nakucurious sa kung paano kayo humantong sa ganito"sabi pa ni Tito Boy.
"Maaari niyo bang ikuwento ang storya niyo sa amin?"tanong pa ni Tito boy. Tumango naman kami
"Opo naman tito boy"sagot namin.
"Thank you! Sadya lang talagang curious ako! Kahit naman ang madlang people! Kasi hanggang ngayon hindi ko akalain na pwede pala iyon! Alam ng lahat na bakla si MM, tapos bigla na lang nagulat kami ng bigla ka na lang dumating. Naging kaloveteam niya! Lalo naman kaming naintriga sa mga litrato niyong naglabasan. Mga palitan niyo sa social media. Ang tagal naming sinubukan na kausapin kayo! Pero palagi kayong tumatanggi. Kay heto! Susulutin ko na ang pagkakataon"mahabang sabi pa ni tito boy. Napangiti na lang kami,

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Where stories live. Discover now