CHAPTER 124

61 6 0
                                    

MM'S P.O.V
Nandito na kami ngayon sa Hospital. At sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. 
'Please! Please! Please! Sana okay lang ang lahat!'dasal ko pa. Huminga muna ako ng malalim bago pumasok. 
"Ate!"bati ko sa kanya. Tumingin naman siya sa akin.
"Handa ka na ba?"tanong niya, tumango naman ako. Yes po! Si ate po ang doktor ko. Kaya ako pumunta dito para sa kanya ako magpacheck-up. Hindi man sa wala akong tiwala sa ibang mga doktor. Pero mas at tiwala ako sa ate ko. Kaya ng malaman ko na baka daw may cancer ako ayon sa results ng check-up ko noon. Agad akong nagdesisyon na pumunta dito. Masaya lang ako at bago ako umalis ay nagkaayos kami ni Alex. Kinakabahang nakatingin lang kay ate habang binabasa ang results. 
"Anong sabi anak?"nag-aalalang tanong ni Nanay. Tumingin naman sa amin si ate, ang lungkot ng mukha niya. Kaya hindi ko maiwasang matakot. Hindi kaya...
"Ate.."tawag ko sa kanya. Seryosong nakatingin naman siya sa akin. 
"Ate naman! Huwag mo naman akong takutin ng ganyan!"reklamo ko pa. Ngumiti naman siya
"Relax! Ang seryoso niyo kasi eh!"natatawang sabi pa niya.
"Natatakot na ako dito! Tapos natatawa ka lang diyan!"sabi ko pa. Ngumiti lang naman siya sabay pakita sa amin ng resulta.
"Nakita mo?"nakangiting tanong niya. Gulat na tumango naman ako
"Ibig..sabihin.."di makapaniwalang tanong ko. Nakangiting tumango naman siya
"Oo! Ibig sabihin...wala kang sakit! Negative..wala kang cancer"nakangiting sagot ni Ate. Napaiyak na lang ako, niyakap naman ako ni Nanay.
"Salamat po!! Salamat po!! Pinakinggan niyo ang dasal ko"masayang sabi pa ni nanay habang nakayakap sa akin. 
'Thank you Lord!'
"Congrats bunso! Makakabalik ka na! Makakasama mo na ulit ang mag-ina mo"nakangiting sabi pa ni ate. Tumango naman ako, 
"Salamat ate"sabi ko pa. Ngumiti lang naman siya. Humarap naman ako kay Nanay
"Nay!! Wala akong sakit!! Ang saya-saya ko"masayang sabi ko pa. Tumango-tango lang naman siya habang nakangiti.
"Masaya kami para sayo anak"nakangiting sabi pa niya. Sobrang saya ko talaga! Pasalamat na lang ako at nagkamali ang doktor na tumingin sa akin. Buti na lang, at wala akong sakit. Makikita ko na ulit si Alex! Makakasama ko na ulit sila! Wala talagang paglagyan ang kasiyahan ko ngayon. Pinapangako ko talaga pagbalik ko magpopropose na talaga ako kay Alex. Pangako iyan!. After naman namin malaman ang resulta agad narin akong nagyaya umuwi. Exited na akong bumalik sa Pilipinas. Pauwi na ako Baby!!
"Halatang excited ka ng umuwi ah"biglang sabi ni Nanay. Ngumiti naman ako at tumango
"Sobra po Nay"sagot ko. Ngumiti lang siya at ginulo ang buhok ko. Napangiti na lang ako, naalala ko na Gawain iyon dati ni Nanay eh kapag natutuwa siya sa akin.
"Nandito na tayo! Tara na"sabi pa ni Nanay at nauna ng lumabas ng sasakyan. Sumunod narin naman ako at naglakad papasok ng bahay. Pero nagulat naman ako ng biglang....
"SURPRISE!!!!"
Napailing na lang ako habang nalatingin sa mga kaibigan ko.
"At talagang tinuloy niyo talaga ang pagsunod sa akin ah!"sabi ko pa. 
"Siyempre naman! Support kami sayo no"sagot naman ni Jon. 
"Salamat"nakangiting sabi ko.
"Wala iyon! At happy kami meme at okay ka!"masayamg sabi naman ni Rhian.
"Oo nga meme! Pwede na ulit tayong magpaparty-party"sabi naman ni RC, dahilan para batukan siya nina Jon. Natawa na lang ako,sa kalokohan nila. Samantala napatingin naman ako kay Cassy na tahimik na nakangiti lang.
"Wala ka bang sasabihin? Himala tata at tahimik ka?"tanong ko. Ngumiti lang siya at lumapit sa akin at yinakap ako.
"Masaya ako at okay ka lang! Masaya ako at wala ka talagang sakit. Tinakot mo ako doon ah! Sobra iyong iniyak ko dahil sayo sis!"umiiyak na sabi pa niya kaya niyakap ko din siya. 
"Salamat sis!"nakangiting sabi ko. Love na love ko itong babaeng ito kahit may sayad iyan! Kumalas naman siya sa pagkakayakap sa akin at ngumiti.
"Oo nga pala sis! May supresa kami sayo"nakangiting sabi pa niya. Napakunot naman ang noo ko
"Supresa? Ano iyon?"tanong ko. 
"Hindi ano! Sino?"sabay-sabay na sagot nila at tumigin sila sa may hagdan. Nanalaki ang Mata ko sa nakita ko. 
"Surprise!!!"sigaw pa nila. Pero nilagpasan ko lang sila at naglakad palapit sa may hagdan. Nakatulala lang ako sa mukha niya. Totoo ba ito? Nandito talaga siya?
"Alex..."naiiyak na sabi ko at niyakap siya. Gumanti naman siya ng yakap sa akin. Namiss ko siya! Sobra! Sobra!!

-

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Where stories live. Discover now