CHAPTER 105

66 5 0
                                    

MM'S P.O.V
Ayaw ko ng patagalin pa ito, gusto ko ng sabihin sa kanya ang totoo habang maaga pa. Dahil habang tumatagal bibigyan ko lang siya ng dahilan para lalong magalit sa akin. Ito na ang tamang oras, para ituloy ang plano ko. 
"Alex!"pagtawag ko. 
"Bakit?"sagot niya. Napakunot naman ang noo ko ng makita ko siyang bihis na bihis.
"Saan ang punta mo?"tanong ko. Don't tell me wrong timing na naman itong plano ko? Tumingin naman siya sa akin.
"Sa hospital"sagot niya. Agad naman akong lumapit sa kanya.
"Bakit ka pupunta ng Hospital? May masakit ba sayo? May sakit ka ba? Ano?"nag-aalalang tanong ko.
"Hey! Relax! Wala akong sakit! Kaya wala kang dapat ipag-alala! Okay ako!"nakangiting sagot naman niya.
"Eh bakit ka pupunta ng Hospital?"tanong ko ulit.
"Papacheck-up lang ako"sagot naman niya at nagsimula ng maglakad palabas. Agad ko naman siyang sinundan.
"Papacheck-up? Bakit may nararamdaman ka bang-"naputol naman ang sasabihin ko ng magsalita ulit siya.
"Wala akong sakit! Papacheck-up lang nga ako! Iyon lang!"sagot niya.
"Pero bakit nga?"tanong ko pa.
"Basta! saka ko na lang sasabihin sayo, after kong magpacheck-up"sagot niya.
"Pero-"
"Wala ng pero! Pero! Sige na! Baka malate pa ako"sabi pa niya. Paalis na sana ulit siya ng biglang humarap muli siya sa akin.
"Teka nga! Bakit bihis na bihis ka din? Saan ang punta mo?"tanong niya.
"Wala! Wala na!"sagot ko
"Ha? Bakit wala na? Saan ba dapat ang punta mo?"tanong niya ulit.
"Yayayain sana kita, kaso may pupuntahan ka pala"sagot ko.
"Saan naman?"pagtatanong pa niya.
"Yayayain sana kitang magdate, hindi kasi tayo natuloy kahapon eh"nakangusong sagot ko pa. Natawa naman siya sabay pisil sa pisnge ko
"Hindi mo naman sinabi kaagad! Sige na! Huwag ka ng malungkot diyan! Mabuti pa ay samahan mo muna ako sa Hospital. Tapos saka tayo tumuloy sa date natin! Okay ba iyon?"sabi pa niya. Hindi ko naman mapigilang hindi mapangiti.
"Hayan! Ngumiti na ang Baby ko!"tukso pa niya. Kaya napailing na lang ako at inakbayan siya.
"Baliw ka talaga! Tara na nga!"pagyaya ko pa. Sinarado ko muna ang pinto bago kami tuluyang umalis. Saglit lang naman ang biyahe kasi hindi naman masyadong traffic, at mabuti naman!.
"Diyan ka na lang sa labas! Ako na lang ang papasok sa loob. Wait mo na lang ako!"sabi pa niya bago tuluyang lumabas. Agad din naman akong bumaba para sundan siya.
"Wait! Samahan na kita!"pigil ko pa. Pero umiling lang siya
"No! Wait mo na lang ako diyan! Ako na lang ang papasok! Okay!?"sabi pa niya. Tumango na lang ako at tiningnan na lang siya habang papasok ng Hospital. Bakit kaya ayaw niya akong isama sa loob? May tinatago ba siya sa akin? Hay! Pumasok na lang ako ulit sa loob ng sasakyan. Dito ko na lang siya hihintayin!. Tahimik lang akong naghihintay, ng may narinig akong umiiyak. Teka! Ano iyon? Agad naman akong nagpalinga-linga para hanapin kung sino iyon. Nakita ko naman ang isang bata na umiiyak sa labas ng sasakyan ko. Kaya agad akong bumaba para puntahan si bagets!.
"Hi bata! Bakit ka umiiyak?"agad na tanong ko ng makalapit ako. Tumingin naman siya sa akin
"Nawawala po kasi ako! Hindi ko po makita si Mommy!"umiiyak na sabi pa niya. 
"Shhhh...huwag ka ng umiyak! Gusto mo tulungan kitang hanapin si Mommy mo?"sabi ko pa. Tumango naman siya, kaya kaagad ko siyang itinayo at hinawakan ang kamay. 
"Kuya! May baby ka na ba?"biglang tanong niya sa akin, habang hinahanap namin ang Mommy niya. Umiling naman ako
"Wala pa eh!"sagot ko. Bigla naman siyang bumitaw tapos ay nakangiting humarap sa akin.
"Malapit ka ng magkababy kuya!"sabi pa niya sabay takbo. Napakunot naman ang noo ko, ano raw?
"Uy teka!"tawag ko pa sa kanya. Pero ngumiti lang siya sa akin.
"Babye kuya!! Thank you po!"paalam pa niya sabay takbo. Hinabol ko naman siya pero bigla na lang siya nawala. Nasaan na iyon? Nagpalinga-linga pa ako para hanapin siya pero wala na talaga kaya bumalik na lang ulit ako sa sasakyan ko. Para icheck kung nandoon na ba si Alex kaso wala pa siya. Masundan na nga lang siya sa loob. Agad akong naglakad papasok para sundan si Alex. Pero teka! Nasaan kaya siya? Hindi ko naman pwedeng ipagtanong baka makilala kami nila! Magkagulo pa! Naglakad na lang ako at nagpalinga-linga para hanapin siya. Napahinto naman ako ng may marinig akong iyak ng baby. Hala! Ang weird! Kanina sabi sa akin ng bata magkakababy na daw ako tapos ngayon naman napadpad ako dito? Ano kayang ibig sabihin niyo? Hay! Napakamot na lang ako sa ulo ko at naglakad na ulit para hanapin si Alex. 
"MM?"rinig kong tawag sa akin kaya agad akong lumingon. 
"Oh Dr. Santos! Kayo po pala!"nakangiti kong sabi. At agad na lumapit sa kanya. 
"Kamusta ka na?"tanong niya pa.
"Okay lang naman po!"nakangiti kong sagot.
"Mabuti naman kung ganun! Pero maiba! Nasabi mo na ba sa kanila?"bigla naman niyong tanong sa akin. Natigilan naman ako, sabay iling.
"Hindi pa po"sagot ko. Tinapik naman niya ang balikat ko.
"Iho! Hindi naman sa pangingialam ha! Pero siguro dapat mo ng sabihin sa kanila ang totoo."sabi pa niya sa akin. Napayuko na lang ako, gusto ko naman Eh! Pero ang hirap! Hindi ko alam kung paano.
"Balak ko na nga po sabihin eh! Kaso hindi ko po alam kung paano ko po sasabihin. Lalo na po kay Alex"sagot ko.
"Hay naku iho! Iyan na nga ang sinasabi ko sayo! Di ba binalaan na kita noon? Pero hindi ka nakinig! Hayan tuloy! Nahihirapan ka ngayon"sabi pa ni Doc. Habang umiiling na nakatingin sa akin.
"Alam ko naman po iyon Doc eh! Alam ko po na mali ang ginawa kong pagsisinungaling. Pero nadala lang po ako ng selos ko! Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at naisip ko ang bagay na iyon."malungkot na sabi ko.
"Hay! Ewan ko ba sayo! Pero ang mapapayo ko na lang sayo ay gawin mo ang tama. Sabihin mo na sa kanila habang maaga pa. Lalo na kay Alex! Bago niya pa malaman ang totoo. Sigurado akong magagalit siya sayo kapag nalaman niya ito."payo pa niya sa akin. Agad naman akong tumango.
"Opo! Balak ko na pong sabihin sa kanya ang totoo. Ayaw ko narin po kasing magsinungaling sa kanya. Kita ko po kung paano siya nahirapan dahil sa ginawa ko. At ayaw ko na po siyang saktan."sagot ko. Ngumiti naman siya
"Mabuti iyan iho! Sana nga ay maging maayos na kayo!"sabi pa niya.
"Salamat po Doc. Sana nga po! Sana nga po mapatawad niya ako sa ginawa ko. Sana po ay mapatawad niya po ako kapag nalaman niyang nagsinungaling ako sa kanya. Sana mapatawad niya ako kapag nalaman niya na hindi talaga ako nagkaroon ng amnesia."malungkot na sabi ko pa. 
'Sana nga maayos ko ito! Sana mapatawad niya ako! Kung bakit ko nga ba naisip gawin ito eh! Sana pala hindi ako nagpadala sa selos ko hindi sana mangyayari ito.'

-

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Where stories live. Discover now