CHAPTER 29

97 8 0
                                    

CASSY'S P.O.V 
Hi guys, kilala niyo naman ako di ba? Ako iyong nag-iisang sisteret ni MM. Kaya Maya na ang chicka! Balik na tayo sa story. 
Tumigil kami sa isang apartment, siguro nandito iyong Alex na sinasabi niya. Kaagad siyang bumaba, at nagtatakbo papasok. Agad naman akong sumunod sa kanya, nawiweirduhan talaga ako sa sisteret Kong ito, grave siya mag-alala ha! 
"Tok..tok...tok.."
Pagkatok pa niya, agad naman itong binuksan ng isang babae.
"Oh my!! Hello po! Pasok po kayo"nahihiyang sabi pa nito. Ngumiti naman ako sa kanya. Samantalang si MM naman ay dire-diretsong naglakad papasok.
"Si Alex?"tanong pa nito. Agad naman nitong itinuro ang isang babae na nag-iinom doon sa sulok. Dali-dali naman itong nilapitan ni MM, pasimple ko namang pinagmasdan si Alex. Infairness maganda siya..hindi na nakakapagtaka!

MM'S P.O.V 
Pagkakita ko kay Alex ay agad ko itong nilapitan. Ano ba itong babaeng ito? Ano bang problema nito?
"Ano ba iyan Alex? Tama na nga iyan!"pigil ko sa kanya sabay agaw sa iniinom niya. Tiningnan naman niya ako, sabay hawak sa mukha ko.
"Baby ikaw ba iyan?"tanong niya pero halatang lasing na lasing na siya. Pero anong tinawag niya sa akin baby? Kailan pa niya ako naging baby?
"Baby ikaw nga! Bakit nandito ka ha? Akala ko ba galit ka sa akin?"sabi pa niya habang nakatingin sa akin. Kita ko namang nakatingin lang sa amin iyong mga kasama namin. Kaloka! Ano bang pinagsasabi ng babaeng ito?
"Hoy! Babae ka! Tumigil ka nga kakatawag sa akin ng baby! Baka kung ano pang akalain nila"bulong ko sa kanya. Napanguso naman siya..sabay layo sa akin.
"Galit ka nga sa akin! Eh di kung ayaw mong tawagin kitang baby! Eh di okay! Di huwag!"dabog na sabi niya at uninom na ulit. Ang kulit niya talaga!! 
"Sabing tama na eh! Ano bang problema mo ha?"tanong ko pa sa kanya.
"Problema? Wala! Gusto ko lang talagang mag-inom! Ang saya di ba!? Woooh!!"sagot naman niya, napailing na lang ako!
"Tama na iyan! Tara na uuwi na tayo"pagayaya ko pa, pero umiling naman siya 
"Ayaw ko pang umuwi! Gusto ko pang uminom"sabi pa niya. 
"No! Uuwi na tayo! Huwag ka ng makulit diyan!"matigas na sabi ko. Tiningnan naman niya ako ng masama.
"Ano bang paki mo ha? Di ba galit ka sa akin? Ayaw mo ngang sagutin iyong text ko di ba? Pati iyong tawag ko! Tapos ngayon nandito ka! Kunwari nag-aalala! Umalis ka na! Hindi ako uuwi!"sigaw niya sa akin. Habang tinutulak ako..agad ko namang hinawakan ang kamay niya. Ano ba talagang problema nito? Hay!!

CASSY'S P.O.V
Tahimik lang kami na nakatingin sa dalawa. Medyo nalilito na talaga ako sa nangyayari! Mag-ano ba talaga ang dalawang ito? Daig pang magjowa eh!
"Excuse me"pagtawag pansin ko sa dalawang katabi ko. Tumingin naman sila sa akin.
"Ano po iyon ma'am?"nahihiyang sagot nila.
"Ah! Huwag niyo na akong i-ma'am! Cassy na lang!"sabi ko sa kanila. Ngumiti naman sila
"Sige po ma- este Cassy! Ako nga pala si Pauline"pagpapakilala naman niya. 
"At ako naman po si Lexi"pagpapakilala naman ng isa. Ngumiti naman ako sa kanila.
"Hello! Pauline at Lexi! May itatanong lang sana ako sa inyo?"sabi ko pa habang nakatingin sa dalawa.
"Ano po iyon?"tanong pa nila.
"Hehehe, huwag niyo narin ako i-po! Pero iyon nga! Gusto ko lang itanong kung ano ang problema ni Alex? Bakit siya naglalasing?"pagtatanong ko pa. 
"Hindi rin namin alam eh! Pero ang hinala namin ay dahil brokenhearted siya! Kasi nga kakabreak lang niya sa bf niya. Pero base sa nakikita ko ngayon parang naguguluhan narin ako eh"sagot naman ni Pauline na nakatingin din sa dalawa.
"Ah! Ako nga din eh! Nalilito na sa kanila! Kilala ko ang sisteret ko! Alam kong bakla siya pero hindi ko maiwasang magdududa sa kanila"pagsang-ayon ko. Habang nakatingin parin sa dalawa na daig pang magjowa kung magbangayan.
"Uuwi na nga tayo! Huwag ka ng makulit diyan!"sabi pa ni MM. Pero umiling lang si Alex.
"Ayaw ko nga! Ikaw ang makulit diyan eh!"sagot pa nito. 
"Alex! Isa! Kapag hindi ka diyan umayos mapipilitan akong sapilitan kang iuwi"may pagbabantang sabi pa ni MM. Pero dinilaan lang siya ni Alex, hindi ko naman napigilang hindi matawa sa kanila, ganun din sina pauline at Lexi 
"Hindi ako nagbibiro alex!"banta pa ulit ni MM. Pero hindi naman siya pinansin ni Alex. 
"Ah! Ayaw mo talaga!"sabi pa ni MM at biglang binuhat si Alex. Napailing na lang ako..hindi na ako magtataka kung isang araw magkatuluyan itong dalawang ito.
"Ano ba? Ibaba mo nga ako"pagpupumiglas pa ni Alex habang buhat-buhat siya ni MM.
"Ayaw ko nga! Di ba binalaan na kita kanina! Pero ang kulit mo! Kaya wala ka ng magagawa! Uuwi na tayo"matigas na sabi pa ni MM. Habang buhat-buhat si alex palabas.
"Salamat sa inyong dalawa ha! Pasensiya narin! Alam niyo naman makulit talaga ito"baling pa ni M sa dalawa.
"Una na kami ha! Tara na Cassy"pagyaya pa niya sa akin. Ngumiti na lang ako at nagpasalamat sa dalawa bago umalis. Nakasunod lang ako sa dalawa na patuloy parin sa pagbabangayan..
"Ayaw ko na sayo! Hindi na kita love!! I hate you"rinig ko pang sabi ni Alex Kay MM. Naloloka na talaga ako sa dalawang ito. Anyayare ba sa mundo?

-

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon