CHAPTER 137

55 6 0
                                    

ALEX'S P.O.V
"Okay po nagbabalik po ulit tayo!"panimula ulit ni tito boy.
"Alam niyo bang hindi lang ang mga tao sa studio ang nagwawala ngayon? Dahil pati ang buong mundo! Hindi napigilan ang kilig! At hindi napigilang mag-ingay sa online world"sabi pa ni Tito boy.
"Talaga po Tito boy?"gulat na tanong namin.
"Oo naman! Sa totoo nga niyan! Trending kayo ngayon! Hindi lang nationwide! Pati worldwide"sabi pa sa amin ni Tito Boy. Hindi ko naman maiwasang humanga. 
"Wow naman po! Thank you po sa inyong lahat! Sa walang sawang pagsupport sa amin"pasasalamat ko pa.
"MIGLEX!! MIGLEX!! MIGLEX!!"sigaw pa nila sa studio. Wow talaga! Nakaktaba ng puso.
"Maraming salamat po sa inyo"sabi din ni MM.
"Congrats sa inyo"nakangiting sabi pa ni Tito boy.
"Thank you po Titp boy"pasasalamat namin
"Alright! Balik na ulit tayo sa tanungan. Sa totoo niyan madami akong gustong itanong at malaman sa inyo! Kaso baka kulang ang oras natin! Kaya naman, may mga larawan kaming inihanda dito na ipapaliwanag niyo"sabi pa ni tito boy. Tuamango naman kami
"Okay po tito boy!"sagot namin.
"Okay! First picture please!!"sabi pa ni tito boy. Tumingin naman kami, at lumabas ang picture namin ni MM na magkatitigan. Napangiti na lang ako
"Ay! Ang lagkit ng tinginan!"kinikilig na sabi pa ni Tito boy. 
"Hindi naman po gaano tito boy!"pagbibiro pa ni MM. 
"Hindi pa ba? Grabe! So iyon na nga! Pwede niyo bang ipaliwanag kung saan ito? At anong kwento nito?"tanong pa ni Tito boy.
"Ang picture pong iyan ay sa movie po namin Tito boy"sagot ko.
"Ah! Sa movie pala ito! Akala ko pa naman trip niyo lang magtitigan!"natatawang sabi pa ni tito boy. Natawa narin lang ako
"Hindi po tito boy! Actually nga po! Grabe po ang kaba ko diyan! Ilang na ilang pa po ako diyan"sagot ko.
"May ilangan pa pala diyan! Grabe! Kung ganyan kayo magtitigan ng may ilangan! Ano pa kaya kapag walang ilangan?"tanong naman ni tito boy. 
"Sample!! Sample!! Sample!!"sigawan naman ng madlang people
"Oh hayan! Humihingi sila ng sample! Pagbigyan niyo na!"nakangiting sabi pa ni tito boy.
"Dahil po malakas kayo sa amin! Sige na po! Gagawin namin!"sabi pa ni MM at tumingin sa akin. Nakipaglabanan naman ako ng titigan sa kanya. Ramdam ko naman na unti-unting lumalapit ang mukha niya sa mukha ko. Kaya agad ko siyang hinampas
"Ikaw talaga kahit kailan!"sabi ko pa sa kanya, without mic. Sobra naman ang tilian ng mga tao.
"Hala! Nagwala na sila! Grabe kayong dalawa talaga!!"nakangiti pang ni tito boy. Ngumiti na lang naman kami
"Okay second picture na tayo"sabi pa niya. Lumabas naman ang litrato namin kasama ang parents ko.
"Oh hayan! Sobrang pinag-usapan ito ng mga netizen! Dito nagsimula ang mga kuro-kuro nila na baka nga daw kayo na! Kasi may pa ganyan na!"komento pa ni Tito Boy. 
"Hehehe, unexpected po talaga iyan tito boy!"nakangiting sabi pa ni MM
"Talaga? Pwede mo ba kaming kwentuhan tungkol diyan?"tanong pa ni Titi Boy.
"Ang totoo po niyan tito boy! Si Alex po lang talaga ang uuwi sa kanila! Kaso nangulit at nagpumilit ako na isama niya! Kaya po hayun! Nameet ko ang parents niya. At isa lang po ang masasabi ko, sobrang bait po nila"nakangiting kwento pa ni MM.
"Oh!! Ikaw pala talaga ang nagpumilit! Pero bakit?"tanong ulit ni Tito boy.
"Actually tito boy! Ng time na iyon! Gusto ko lang po talaga mameet ang parents niya"sagot ko.
"Ah! May agenda pala talaga! Pero tanong ko lang ulit! Ano ang pakilala mo sa kanila?"tanong pa ni Tito boy. Ngumiti naman kami
"Nagpakilala po akong Bf niya! At ang nakakatuwa po ay tinanggap po nila iyon"nakangiting sagot ni MM.
"Wow!! Ang galing naman!"tuwang-tuwang sabi pa ni tito boy.
"Okay! Third picture na po tayo"sabi pa ni Tito boy. At lumabas naman ang litrato ni MM na paalis ng bansa.
"Ano naman ang kwento nito?"tanong pa ni Tito Boy. Hinayaan ko naman si MM ang sumagot
"Iyan na po tito boy! Ang dahilan naman po ng pag-alis ko diyan, ay health issue"sagot ni MM
"Bakit? May sakit ka ba?"tanong pa ni tito boy. Umiling naman si MM
"Wala po tito boy! Akala ko lang po! Pero salamat narin po at wala talaga! Kasi kung nagkaroon man ako! Hindi ko po alam kung paano tatanggapin iyon. Gusto ko pang makasama ng matagal ang mag-ina ko"sagot pa ni MM. Nanlaki naman ang Mata ko, sa huli niyang sinabi. Gayon din ang mga tao, bigla silang tumahimik
"Ano iyon MM? Pwede pakiulit? Iyong huli mong sinabi?"utos pa ni tito boy kay MM.
"Ang alin Tito boy? Iyong.. 'Gusto ko pang makasama ng matagal ang mag-ina-.."natigilan naman siya
"Oh My!!"gulat na sabi niya sabay takip sa bibig niya.

-
Sige MM! Daldal mo kasi eh!Hayan😂😂😂

Unexpected Chemistry (COMPLETED)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें