CHAPTER 103

75 6 0
                                    

MM'S P.O.V
Hindi na namin hinatid sina ate at Nanay sa airport, dahil ayaw nila. Baka daw mapagod lang si Alex. Kaya pumayag narin kami. Pagkaalis nila tumahimik ang bahay, parang bigla na lang naging awkward sa aming dalawa. Hanggang ngayon kasi iniisip ko parin ang sinabi ni Ate, at tama siya! Hindi ko na dapat patagalin ito! Bahala na kung anong mangyari! Basta kailangan kong gawin ito! Upang maging maayos na talaga kami. Nahihirapan narin ako magsinungaling sa kanya.
"Alex"tawag ko sa kanya. 
"Hmmm? Bakit?"sagot niya. Lumapit naman ako sa kanya at umupo sa tabi niya.
"May gagawin ka ba ngayon?"tanong ko. Umiling naman siya.
"Wala naman! Bakit?"tanong niya.
"Pwede ba kitang yayain lumabas ngayon?"nakangiting tanong ko. Tumingin naman siya sa akin.
"Lumabas? Ako at ikaw?"pag-uulit niya. Tumango naman ako
"Oo!"sagot ko pa
"Parang date? Ganun?"tanong pa niya. Ngumiti naman ako at hinawakan ang kamay niya.
"Hindi parang date! Date talaga"nakangiting sagot ko. Kita ko naman nagulat siya..
"Sigurado ka? Tayong dalawa talaga magdedate?"paniningurado niya. Natawa naman ako
"Oo nga po! Kung papayag ka"sagot ko sabay hawak sa mukha niya. Ngumiti naman siya
"Magpapakipot pa ba ako? Siyempre papayag ako"nakangiting sagot niya. Napangiti naman ako at kiniss siya pero smack lang.
"Ikaw ha! Para-paraan ka!"tukso pa niya sa akin. Tumawa na lang naman ako at inakbayan siya.
"Saan mo ba ako balak dalhin?"tanong niya. 
"Secret"sagot ko.
"Ang daya mo naman! Ang hilig mo sa secret!!"sabi pa niya sabay hampas sa akin ng mahina. Natigilan naman ako, at seryosong tumingin sa kanya.
"Bakit?"tanong pa niya.
"Ahhmmm Alex.."panimula ko
"Yes? Ano iyon?"tanong niya.
"Paano kung may bagay akong nilihim sayo? Mapapatawad mo ba ako?"tanong ko sa kanya. Napakunot naman ang noo niya
"Ha? Bakit mo naman naitanong iyan? May tinago ka ba sa akin?"tanong niya sa akin. Ngumiti naman ako ng pilit at hinalikan siya sa noo
"Mapapatawad mo ba ako kung 'oo' ang isasagot ko?"tanong ko sa kanya. Lumingon naman siya sa akin.
"Depende! Bakit ano ba iyon?"tanong pa niya. Umiling naman ako at ngumiti na lang.
'Sana mapatawad mo ako'

ALEX'S P.O.V
Kanina ko pa pansin ang pagiging tahimik ni MM. Nawiweirduhan talaga ako sa kanya, sa mga kinikilos niya sa mga tinatanong niya. Halatang may gusto siyang sabihin pero hindi niya lang maituloy. Nakaramdam naman ako ng kaba...
"Okay ka lang ba?"hindi ko mapigilang itanong. Kita ko namang ngumit siya pero sa daan parin nakatingin. Nagdadrive kasi siya, 
"Oo naman! Okay lang ako"sagot niya. Tumango na lang ako at tumahimik na lang. Habang nagdadrive naman siya hindi ko naman mapigilan na tingnan siya. Napangiti na lang ako., siguro ngayon na iyong tamang oras para sabihin ko sa kanya ang kondisyon ko. 
"Oh bakit ka nakangiti diyan?"tanong niya sa akin
"Wala naman! May naisip lang ako"sagot ko.
"At ano naman iyon?"tanong niya pa.
"Wala! Basta!"sagot ko ulit. Bigla naman niyang inihinto ang sasakyan. Kaya nagtaka naman ako
"Bakit mo inihinto?"tanong ko. Tumingin naman siya sa akin tapos masama ang tingin. Hala! Anong problema nito?
"Ano iyong iniisip mo ha? O baka naman sino iyan?"tanong niya. Gusto ko namang matawa sa itsura niya. Nakasimangot siya tapos ang sama ng tingin sa akin. Halatang nagseselos!! Hahaha
"Wala nga! Atsaka bakit ba ganyan ka makatingin ha? Nagseselos ka ba?"tanong ko. Agad naman siyang umiwas ng tingin sa akin.
"Uy! Nagseselos siya!! Nagseselos ang baby ko!!"tukso ko pa.
"Hindi no"tanggi niya at pinaandar na ulit ang sasakyan. 
"Weh? Hindi daw? Eh halata namang nagseselos siya! Nagseselos siya!! Nagseselos ang isang bata!! Nagsese-"natigil naman ako sa pang-aasar ko ng bigla niya akong hinalikan.
"Hayan! Natahimik ka din! Halik lang pala ang gusto mo eh"pilyong sabi pa niya. Hinampas ko naman siya.
"Hindi no! Kapal nito!"sagot ko sa kanya. Natawa na lang siya at inilapit ulit ang mukha niya sa mukha ko.
"Hindi mo gusto ang halik ko?"tanong niya. Umiwas naman ako ng tingin
"H-hindi"pagsisinungaling ko.
"Sigurado ka? Hindi mo talaga gusto?"tanong pa niya habang patuloy na inilalapit ang mukha niya sa akin. Hindi ko naman maiwasang mapatingin sa kanya. Ngumiti naman siya sabay kindat, kaya napalunok na lang ako.
"Ano? Hindi mo talaga gusto ang halik ko?"tanong pa niya sabay kagat-labi.
' Oh no!! Heto na naman po siya sa kalandian niya! O tukso layuan mo ako!!!'
"Hey Baby!! Ano na? Ayaw mo ba?"tanong pa niya. 
"G-gusto"sagot ko, sabay pikit. Narinig ko naman tumawa siya kaya napamulat ako. Nakita ko siyang tawa ng tawa, kaya hinampas ko siya.
"Buwesit ka!!"sabi ko pa. Tinawanan pa niya ako! Samantalang torture iyong naramdaman ko kanina.
"Sorry! Sorry!"sabi pa niya. Napasimangot na lang ako at inirapan siya.
"Sorry na talaga baby"sabi niya ulit. Pinisil ko naman ang pisnge niya.
"Araaaay!!"sigaw niya. Napangiti naman ako
"Oh hayan okay na tayo"nakangiting sabi ko pa. 
"Kawawa na itong mukha ko sayo"reklamo niya. 
"May sinasabi ka?"nakataas kilay na tanong ko. Umiling naman siya.
"Wala sabi ko pakiss ako"sagot niya. Napailing na lang ako at napangiti. Akma naman niya akong hahalikan ng biglang tumunog ang cp ko. Kaya tinulak ko siya at kinuha ang co ko at sinagot ito.
"Hello"sagot ko
"Hello Alex"sagot din niya. 
"Tyrone?"
Napatingin naman ako kay MM, na nakatingin din siya sa akin. Kita kong napayuko na lang siya... Hay! Problema na naman ito!!

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Where stories live. Discover now