CHAPTER 146

43 6 0
                                    

ALEX'S P O.V
Kinakabahan kaming bumaba, halata namang galit sila. Sa paraan pa lang ng pagtawag nila. Halatang-halata na! Huhuhu! Kinakabahan ako!
"Hi guys!!"nakangiting bati ko sa kanila. Pero ang sama ng tingin nila sa amin, tumingin naman ako kina mama at papa, pati kina ate at Nanay, na napapailing lang!
"Sorry"nakayukong sabi ko pa. Alam ko namang Mali iyong ginawa ko.
"Guys! Pasensiya na! Pati sa into Ma! Pa! Ate! Nay!"sabi naman ni MM.
"Maupo kayong dalawa!"may diin na utos ni Papa. Kaya kaagad kaming sumunod.
"Anong pumasok sa utak niyo at ginawa niyo iyon ha! Alam niyo ba kung gaano kami katagal naghintay sa hospital! Tapos ano? Nakaalis na pala kayo doon! Hindi man lang kayo nagsabi!"inis na sabi pa ni Papa. Nakayuko lang ako
"Sorry po! Ako po talaga ang may kasalanan! Ako po ang nakaisip na gawin iyon"hinging paumanhin ko.
"Anak naman! Bakit mo ginawa iyon??"tanong pa ni Nanay.
"Hindi ko din po alam! Natripan ko lang po! Nakalimutan ko po na kasama din nga po pala kayo! Sorry po!"sagot ko. Napatingin naman ako sa mga kaibigan naming halatang pagod na pagod.
"Sorry guys!!"sabi ko pa.
"Pambihira naman kayong dalawa! Di niyo ba alam na sobrang pagod ang inabot namin sa kakasunod sa inyo!"reklamo naman ni Ate Cassy.
'Alam ko po! Iyon nga po ang balak ko'iyon sana ang gusto Kong isagot, pero patay lalo ako kapag nalaman nila!
"Sorry guys! Pagpasensiyahan niyo na kami! Di na mauulit"sabi naman ni MM.
"Talagang di na mauulit! Dahil wala na akong balak ulitin pa ang nangyari kanina! Nastress ang beauty ko sa inyong dalawa eh! Alam niyo bang para kaming sira! Na paikot-ikot sa mall para hanapin kayo!"talak pa ni Jon. Gusto ko sanag matawa sa sinabi niya kaso pinigilan ko.
"Buwaahahahah! Parang gusto Kong makita iyon! Bukas na bukas dadaan ako sa mall para humingin ng copy ng CCTV"tawang-tawang sabi naman ni MM. Dahilan para mapatingin kami sa kanya, ng mapansin naman niya ay agad siyang tumigil.
"Sorry!'sabi pa niya sabay peace sign.
"At talagang tinawanan mo pa kami! Buwesit!"inis na sabi naman ni RC.
"Churi na talaga guys! Chhuurii"pagpapacute ko pa.
"Naku! Naku! Pasalamat kayo't mababait kami!"sabi naman ni Lexi!
'At madaling utuin'dagdag ko pa sa isip ko
"Thank you guys! Kayo naman hindi pa nasanay sa amin!"sagot naman ni MM.
"Hindi talaga kami masasanay sa mga kalokohan niyo!"sagot naman ni Pauline.
"Sorry na po talaga! Sorry sa inyo! Hindi ko naman gusto kayong pahirapan! Natripan ko lang talaga!"sabi ko pa.
"Naku Alex! Ayaw ko ng trip mo! At kailan ka pa natuto ng ganyan ha!? Dati naman hindi ka ganyan?"tanong pa ni Pauline. Napakamot naman ako sa ulo ko.
"Ngayon lang"alanganing sagot ko.
"Hindi maganda iyong ginawa mo Princess! Hindi kita pinalaking ganyan!"sabi naman ni mama. Kaya napanguso ako
"Sorry ma!"sagot ko.
"Naku tita! Alam niyo naman po kung saan iyan natuto ng kalokohan!"sabat naman ni Rhian.
"Tama! Alam na!"sang-ayon naman ng iba. Habang nakatingin kay MM
"Hoy! Hoy! Ako ba ang tinutukoy niyo?"tanong naman ni MM.
"At sino pa bang akala mo? Ikaw lang naman dito ang malakas mantrip eh"sagot naman ni ate Cassy.
"Tumpak ganern! Ikaw lang wala ng iba pa meme!"pagsang-ayon naman ni Jon.
"Grabe kayo! Kapag kalokohan ako agad!"reklamo pa ni MM.
"At sino pa ba ang magaling sa kalokohan aber? Di ba ikaw lang naman!"sagot pa ni Ate Cassy. Napatigil naman kami ng biglang tumawa si Ate Mica. Kaya napatingin kami sa kanya
"At bakit ka naman tumatawa diyan ate?"mataray na tanong ni MM.
"Eh paano kasi!! Ikaw at si Alex! Puro kalokohan! Naisip ko lang ano pa kaya ang anak niyo? Paglabas niya"natatawangsagot naman ni Ate.
"Ay Grabe! Masyado kayo ha! Pati anak namin! Nadamay!"reklamo naman ni MM.
"WAIT!!!!!"
Biglang sigaw ni Jon. Kaya napalingon naman kami sa kanya.
"Oh bakit ka naman sumisigaw diyan!?"tanong sa kanya ni Ate Cassy
"Nakalimutan niyo na ba? Si baby!! Iyong gender niya!"sagot naman ni JOn. Dahilan para mapabaling ang tingin nila sa amin.

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora