CHAPTER 53

93 8 0
                                    

ALEX'S P.O.V
After ng pagdadrama ko kanina, agad narin kaming tumayo para kumain. After noon, nag-ayos na kami para matulog. Pero hindi pa talaga ako dinadalaw ng antok kaya lumabas muna ako ng kwarto. Sakto naman pagkalabas ko at may biglang may kumatok. Kinabahan naman ako. Sino naman kaya ito? Gabing-gabi na ah! Dahan-dahan akong naglakad palapit sa may pinto. Pero kumuha muna ako ng pamalo in case na masamang tao pala ito. Pagkalapit ko, dahan-dahan Kong pinihit ang doorknob. Abo't-abot ang kaba at takot ko! Sana po ay hindi masamang tao ito! Kayo na po ang bahala!
"Sino-"hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang may yumakap sa akin. Kaya kaagad akong nagpumiglas.
"Hoy! Ano ba!! Sino ka ba?"sabi ko habang pilit na itinutulak ang sino mang taong ito na bigla na lang nangyayakap.
"Alex"tawag niya sa akin habang nakayakap parin. Napahinto naman ako sa pagtulak sa kanya. At di makapaniwalang tiningnan siya. 
"Ate MM?"gulat na sabi ko, kahit madilim alam Kong siya iyan. Boses pa nga lang niya alam ko ng siya!
"Anong ginagawa mo dito?"tanong ko pa, habang kinakapa ang switch ng ilaw. Di naman siya sumasagot. Hay! Ano bang problema nito? Naramdaman ba niyang iniisip ko siya? Kaya nandito siya! Hay kaloka! Binuhay ko muna ang ilaw bago humarap sa kanya. Nakaupo na siya sa may sofa, 
"Lasing ka ba?"tanong ko, tumingin naman siya sa akin, at confirmed! Lasing nga siya! 
"Hindi ah! Nakainom lang! Pero konti lang naman"sagot niya, napailing naman ako habang lumalapit sa kanya.
"Anong konti lang naman ka diyan? Eh halatang lasing na lasing ka!"sabi ko pa sa kanya habang nakapameywang.
"Atsaka anong ginagawa mo dito? Gabing-gabi na ah! Huwag mong sabihin na nagdrive ka ng ganyan ang kalagayan mo?"talak ko pa sa kanya. Pero ang loko! Ngumiti lang 
"Hehehe, namiss kasi kita kaya nagpunta ako dito! Wala kasi akong kasama sa bahay eh! Atsaka huwag kang mag-alala! Hindi ako lasing! Nakainom lang! Kita mo naman oh! Safe akong nakarating dito"sagot naman niya, hindi ko naman napigilan na hindi pingutin ang tainga niya.
"Aaahh aaarrrayyy!! Mashaket!!"daing niya pa.
"Masasaktan ka talaga sa akin! Gabing-gabi na nagdrive ka pa! Kita mo namang lasing ka! Alam mo naman na delikado! Pasalamat ka talaga at walang masamang nangyari sayo dahil kung hindi binugbog pa kita!"galit na sabi ko pa sa kanya.
"Grabe ka naman! Naaksidente na, bubugbugin mo pa"pamimilosopo pa niya, diniinan ko naman ang pagpingot sa tainga niya. Dahilan para mapaaray siya lalo.
"At ganyan ka pa talaga sumagot ha! Buwesit ka!"sabi ko pa. 
"Sorry na! Namiss lang kasi kita eh! Kaya sorry na! Hindi na mauulit!"pagpapacute pa niya, hindi ko naman mapigilang hindi mapangiti. Buwesit na iyan! Simpleng pagpapacute lang, dalang-dala na ako! Binitiwan ko naman ang tainga niya at umupo sa katabi niya.
"Papalampasin ko ito! Pero next time hindi na! Mag-isip ka naman! Napakadelikado na magdrive sa Gabi! Tapos lasing ka pa. Paano kung may masamang nangyari sayo? Naisip mo ba iyon? Akala mo ba natutuwa ako na malaman kaya ka nagpunta dito eh dahil namiss mo ako. Hindi! Kasi pinag-alala mo ako! Paano kung naaksidente ka pagpunta dito? Hindi mo ba naisip iyon!? Mag-ingat ka naman! Kasi hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may masamang nangyari sayo! Hindi ko kakayanin kung may masamang nangyari sayo! Alam mo ba-"hindi ko na natapos ang sasabihin ko nag bigla niya akong hinalikan, smack lang naman.
"Hayan! Natahimik ka din! Ang ingay mo kasi eh! Alam mo namang natutulog na ang mga tao ngayon. Pati iyong mga kaibigan mo!"nakangiti niya pang sabi.
"Atsaka! Huwag ka ng mag-alala diyan! Okay naman ako eh! Walang masamang nangyari! At hindi ko naman hahayaan na may masamang mangyari sa akin. Dahil alam kong maraming iiyak! At isa ka na doon! Ayaw ko pa naman na nakikita kang umiiyak!"sabi pa niya, hinampas ko naman siya.
"Kainis ka! Nagagawa mo pa talagang magbiro ng ganyan!"sabi ko pa sa kanya, natawa naman siya, tapos ay humiga.
"Ikaw naman kasi! Masyado kang nag-aalala! Okay lang ako oh!"sagot naman niya.
"Ewan ko sayo!"pagtataray ko pa. Tatayo na sana ako ng bigla niya akong hilahin. Dahilan para mapahiga ako sa ibabaw niya.
"Uy! Ano ba! Bitaw!"utos ko sa kanya. Umiling naman siya, at mas hinigpitan ang pagkakayakap sa akin
"Dito ka lang!"sabi pa niya. Pambihira naman ang baklang ito! Ang landi! Naku! Naku! Huwag kang ganyan! 
"Sira ka ba!? Anong dito lang ako? Ang ackward kaya!"sagot ko sa kanya. Pero ngumiti lang siya tapos pumikit.
"Ayos lang iyan! Basta dito ka lang! Huwag kang aalis"sabi pa niya habang nakapikit. Hinampas ko naman siya ng mahina
"Hoy! Pakawalan mo nga ako! Bago ka matulog diyan!"utos ko pa. Umiling naman ulit siya. Tapos ay diretsong tumingin sa akin.
"Hawak na kita! Bakit pa kita papakawalan? Ano ako sira? Ayaw ko nga! Baka maagaw ka pa ng iba diyan!"sabi pa niya bago pumikit ulit. Napanganga na lang ako sasinabi niya, ano raw? Anong sabi niya? 
"Hoy!"tawag ko pa
"Shhhh...huwag kang maingay diyan! Natutulog ang tao eh! Matulog ka na lang din!"sabi pa niya.. Kainis naman eh! Talagang dito talaga ako matutulog? Kaloka ha! Pilit akong kumakawala pero ang higpit ng pagkakayakap niya. Hay naku! Wala na talaga akong choice nito! Tiningnan ko naman siya, tulog na talaga siya! Pero ang cute niya ha! Kahit tulog siya, ang gwapo niya parin. Unti-unti ko naman inilapit ang mukha ko sa mukha niya..
"Bakit ka ba naging bakla?"tanong ko sa kanya.
"Ang gwapo mo pa naman! Sayang!"sabi ko pa habang tinetrace ang mukha niya.
"Crush pa naman kita!"nakangiting sabi ko pa at hindi ko napigilang ikiss siya. Nanlaki naman ang Mata ko ng bigla niyang iminulat ang Mata niya, at nakangiting tumingin sa akin.
"Gising ka? Akala ko tulog ka na?"gulat na tanong ko. Natawa naman siya
"Patulog na sana ako eh! Kaso ang ingay mo"sagot niya, nahiya naman ako, kainis! Ibig sabihin narinig niya iyong mga pinagsasabi ko? Alam niya iyong ginawa ko?
"Huwag ka ng mahiya diyan! Okay lang iyon! Crush din naman kita eh"nakangiti niya pang sabi tapos bigla niya akong hinalkan din.
"Hayan! Patas na tayo"sabi pa niya.
"Matulog na tayo! Goodnight"dagdag pa niya. Tumungo na lang ako
"Good night"nakangiti Kong sabi at pumikit narin.......ramdam Kong mas hinigpitan pa niya ang pagkakayakap sa akin. 
'Hay! Binibigyan mo ako ng dahilan para umasa eh! Sana nga lang masalo mo ako, page tuluyan na akong nahulog sayo'

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang