CHAPTER 112

89 7 0
                                    

ALEX'S P.O.V
Nakalabas na ako ng Hospital halos isang linggo na rin. At tulad nga ng sinabi niya, hindi nga siya nagpakita sa akin. Sina ate Cassy at ang mga beks lang ang kasama ko palagi. Naghahalangan sila, sa pagsama sa akin. Minsan naman sinasamahan din ako nina Pauline at Lexi kapag wala silang trabaho. Pero hindi ko maitatanggi namimiss ko na siya. Kung pwede ko nga lang bawiin iyong sinabi ko sa kanya. Hindi totoong hindi ko siya kailangan, dahil kahit galit ako sa kanya, gusto ko parin na makasama siya. Sa halos isang Linggo na nakalabas ako ng Hospital hindi ko parin siya nakikita. Kahit noong lumabas ako hindi din siya nagpakita. Binilinan niya na lang sina ate Cassy na sila muna ang bahala sa akin. Kahit dito sa bahay, wala rin siya! Hindi na pala siya dito tumutuloy! Pagkadating ko nagulat na lang ako na may kasambahay na kami. May nakaassign narin sa akin na bantay, at driver. Noong una kaya ko pa eh! Pero iyong mga sumunod na araw! Talaga naman! Nakakainis! Naiinis ako! Kasi bakit ganun siya! Lahat ng sinasabi ko sinusunod niya! Hindi ba pwede kahit minsan lang sumuway man lang siya. Kahit ngayon lang! Magpakita siya sa akin!
"Umiiyak ka na naman! Di ba alam mo naman na makakasama iyan sayo"
Agad naman akong lumingon kay ate Cassy. Siya ngayon ang kasama ko sa bahay, may lakad daw kasi ang mga beks.
"Ang kulit-kulit kasi ng mga luhang ito eh! Ayaw tumigil"sagot ko, habang pinupunasan ang mga luha ko.
"Namimiss mo na siya no?"biglang tanong pa niya. Napayuko na lang ako, nahihiya akong sabihing 'OO' kasi ako din naman ang may kasalanan eh! Kung bakit hindi siya nagpapakita sa akin.
"Tama ako di ba? Miss mo na nga siya"sabi pa niya. Nahihiyang tumango naman ako.
"Huwag ka ng mahiya! Alam naman namin na miss mo na talaga siya eh! Halata naman kasi!"natatawang sabi pa ni ate Cassy, lalo naman akong napayuko.
"Bakit di mo siya tawagan?"tanong pa niya.
"Nahihiya po kasi ako.."sagot ko.
"Huwag ka ng mahiya! Alam mo bang ikaw lang ang hinihintay niya."sabi pa niya. Umiling naman ako,
"Ayaw ko po"sagot ko pa.
"Hay naku! Nakakaloka talaga kayong dalawa! Pareho kayong nagtitiis, halata namang miss na miss niyo na ang isa't-isa!"sabi pa ni ate Cassy. Napanguso na lang ako..kung namimiss niya ako! Bakit hindi siya nagpapakita sa akin?
"Hindi naman yata niya ako namimiss eh! Ni hindi niya ako pinupuntahan! Ni hindi nga yata niya ako kinakamusta eh!"sabi ko pa. Tumawa naman si Ate Cassy.
"Hay naku Alex! Ako na ang nagsasabi sayo! Miss na miss ka narin niya! Halos araw-araw ka nga niyang tinatanong at kinakamusta sa akin. Halos maya't-maya pa nga siya tumatawag eh! Para lang itanong ka! Tulad ngayon, tumatawag siya..."sabi pa niya sabay pakita sa akin ng cp niya.
"Gusto mo ikaw na ang sumagot?"tanong pa niya. Umiling naman ako,
"Okay! Ako na ang sasagot!"sabi pa niya at sinagot na ang tawag. Ako naman ay nakatingin lang sa kanya.
"Hello Sis! Bakit?"rinig kong tanong pa ni Ate Cassy. Gusto ko sanang itanong kung anong sinasabi ni MM, kaso nahihiya ako.
"Huwag kang mag-alala sis! Okay lang siya! Namimiss ka lang daw niya kaya siya umiiyak"rinig ko pang sabi ni ate Cassy dahilan para manlaki ang mata ko. Hala! Bakit niya sinabi iyon!! Nakakahiya!!
"Totoo ang sinasabi ko! Kita mo naman no! Kita mong sinesenyasan niya ako na huwag akong maingay!"natatawang sabi pa ni Ate Cassy, kaya napakunot naman ang noo ko. Anong ibig niyang sabihin? Nakikita kami ni MM ngayon? Pero paano? Nandito ba siya? Agad naman akong nagpalinga-linga para tingnan kung nasaan siya.
"Tingnan mo! Akala niya siguro nandito ka! Hinahanap ka niya eh!"sabi pa ni Ate Cassy. Parang baliw talaga itong si ate Cassy. Ang daldal niya talaga! Tama nga si Ba...si MM madaldal nga siya. Sinenyasan ko naman siyang huwag maingay! Pero tinawanan niya lang ako.
"Oo! Sige na! Baka mapatay ako nito! Sige ako na bahala! Huwag ka ng mag-alala diyan!"sabi pa niya at pinatay na ang tawag.
"Ate Cassy naman eh! Bakit mo sinabi sa kanya iyon!!? Baka akalain niya hindi ako makatiis!! Kakahiya!!!"agad na tanong ko sa kanya. Tumawa lang naman siya..
"Hay naku! Alex! Kahit hindi ko naman sabihin sa kanya iyon eh! Alam naman niya eh! Nakikita ka kaya niya! Kahit ngayon"sagot pa niya. Ha? Nakikita niya ako? Pero paano?
"Nakikita niya ako ngayon? Pero paano po?"nagtatakangtanong ko. Ngumiti lang naman siya..at umupo sa tabi ko
"Ganito kasi iyon! Para hindi siya mag-alala sayo ng husto, pinakabitan niya ng cctv camera ang buong bahay niyo. Para daw kahit malayo siya, nakikita niya at alam niya kung okay ka lang ba! Ganun ka niya kamahal! Na kahit malayo siya, sinisigurado niya na okay ka lang! Okay lang kayo. Kaya nga siya tumawag ngayon!ngayon lang! Para itanong sa akin kung bakit ka daw umiiyak. Kung ano daw ang ginawa ko at naiyak ang Baby niya. Kaya sinabi ko ang totoo! Para kahit papano gumaan man lang ang pakiramdam niya. Masyado na din kasi siyang nahihirapan Alex eh. Halos hindi na siya nakakatulog ng ayos, kumakain sa kakaisip sa inyo. Kahit iyong trabaho niya din napapabayaan na niya. Kahit naman pilitin namin siya na kami muna ang bahala sayo, ayaw niya! Gusto kasi niya, na siya mismo alam niya talaga na okay kayo ng baby niya."sagot niya, hindi ko naman mapigilan hindi umiyak. Sobrang tigas ko ba?mapatawa Para hindi siya mapatawad? Kita ko naman lahat ng effort niya eh! Pero ako iyong ayaw siyang bigyan ng chance! Ako iyong mali!! Napatingin naman ako kay ate Cassy ng bigla niyang hawakan ang kamay ko.
"Alam ko na kita mo lahat ng ginagawa niya, para makabawi sayo. Kaya sana Alex! Please! Ako na ang nakikiusap sayo! Sana naman mapatawad mo na siya. Para bumalik na iyong dating MM na nakilala namin. Kasi kahit kami, nahihirapan na eh! Na makita siyang ganun! Ilang araw pa lang na hindi mo siya kinakausap halos pabayaan na niya ang sarili niya. Kaya please Alex! Sana tulungan mo kaming ibalik iyong dating MM. Sana please mapatawad mo na siya"umiiyak na pakiusap pa ni ate Cassy sa akin. Tumango na lang ako at yumakap sa kanya. Ayaw ko narin ng ganito! Nahihirapan na rin ako! Nahihirapan na ako na hindi siya makita!. Oo nasaktan ako dahil sa ginawa niya pero naiintindihan ko naman siya eh. May kasalanan din naman ako kung bakit niya ginawa iyon. Nagsinungaling ako sa kanya noon. Kaya tama na ito! Mis na miss ko na siya! Gusto ko na siyang makita, gusto na namin ni baby na makasama siya.

-

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Where stories live. Discover now