chapter 7

147 9 0
                                    

CHAPTER 7
ALEX'S P.O.V
                       Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak ko at pumayag ako sa gusto niya. Eh wala naman akong kaalam-alam dito eh! Paano kung hindi ko nagawa ng tama? Tapos mapagalitan pa ako! Eh di kawawa naman ako!.
"Oh hayan girl! Okay na! Ang Ganda mo talaga!"nakangiting sabi sa akin ni Jon. Kaagad naman akong tumingin sa salamin, wow!! Ako ba ito? Ang galing niya ha!
"Anong masasabi mo?"tanong pa niya
"Wow!! Ang galing mo!"sagot ko sa kanya, habang nakatingin parin sa salamin.
"Wala naman akong masyadong ginawa eh! Maganda ka lang talaga!"sabi pa niya. Umiling naman ako,
"Hindi! Magaling ka din talaga! Look oh! Di ako makapaniwala sa naging itsura ko! Galing mo!"nakangiting sabi ko pa. Ngumiti na lang siya, at inaayos pa ang buhok ko.
"Alex!! Okay ka na ba? Pinatatawag ka na direk"tanong naman ni RC. Tumango naman ako bilang sagot sa kanya.
"Sige! Pasabi pupunta na ako!"sabi ko pa. Tumango naman siya..
"Ganda mo girl"sabi pa niya bago umalis, natawa na lang ako! At muli pang pinagmasdan ang sarili ko sa salamin. Hindi parin ako makapaniwala sa itsura ko. Ang Ganda ko! Hindi sa pagmamayabang ha! Nagsasabi lang po ako ng totoo. Tapos lalo pang lumitaw ang puti ko sa suot kong red dress.
"Sigurado ako magugulat si meme kapag nakita ka"sabi pa ni Jon. Lumingon naman ako sa kanya..
"Bakit naman?"tanong ko
"Basta! Pakiramdam ko lang"sagot niya
"So ano Tara na?"pag-aaya pa niya, tumango naman ako
"Tara!"nakangiti kong sagot sa kanya at naglakad na palabas. Excited ako pero lamang parin iyong kaba! Unang beses ko itong gagawin kaya nakakatakot. Pagkalabas namin ay nakaabang na doon si Rhian, agad naman siyamg tumingin sa amin..I mean sa akin.
"Wow!! As in wow!! Talaga! Ang Ganda mo girl!"may paghangang sabi pa niya habang nakatingin sa akin. Ngumiti naman ako sa kanya
"Salamat"nahihiyang sabi ko pa.
"Ano ready ka na ba? Kanina ka pa hinihintay ni direk doon! Pati na rin ni meme!"tanong pa niya.
"Oo! Ready na ako"nakangiting sagot ko habang pilit na tinatago iyong kaba ko. Hinawakan naman niya ang kamay ko at hinila papunta sa lugar kung nasaan sina direk at ms. M. Habang papalapit kami lalo namang lumalakas iyong kabog sa dibdib ko. Grabe! Daig pang may karera sa dibdib ko.
"Huwag kang kabahan! Kaya mo iyan! Tiwala lang girl"sabi pa sa akin ni Rhian.
"Di ko kasi mapigilan eh! Ngayon lang ko kasi gagawin ito!"kinakabahang sabi ko naman sa kanya. Bigla naman kaming huminto, hindi kalayuan kina direk.
"Sundin mo lang iyong sinasabi ni direk, at maging natural ka lang! Kaya mo iyan!"payo pa niya, ngumiti naman ako sa kanya.
"Salamat"sabi ko pa at huminga muna ng malilim. Dahan-dahan akong lumapit sa kinaroroonan nina direk.
"Ano na? Nasaan na iyong babae? Kanina pa tayo oh! Bakit ang tagal"rinig kong pang tanong  ni direk doon sa mga staff na naroon. Kaya lalo naman akong kinabahan..
"Direk nandiyan na po siya"sagot naman ng isang babae habang nakatingin sa akin. Kaagad namang lumingon sa akin si direk. Kaya lalo akong natakot..wooohh!!
"Sorry po natagalan po ako"hinging paumanhin ko pa, habang nakayuko.
"Tumingin ka sa akin"utos pa niya. Kaagad ko naman itong sinunod, oh my!! Ano ba itong pinasok ko!? Kita ko namang hinagot niya ang tingin niya sa akin mula ulo hanngang paa. Dahilan para lalo akong mahiya..
"Infairness tama nga sila maganda ka! Pwede na!"sabi pa niya. Nakahinga naman ako ng maluwag. Woooh buti na lang!!
"Get ready!! Magistart na tayo! Tawagin niyo na si MM"sigaw pa ni direk. Kaagad naman akong ginuide ng isang babaeng staff.
"Dito po kayo ma'am pupuwesto! At dito naman po si ms. MM"turo niya pa, tumango naman ako at ngumiti.
"Okay po salamat po"sabi ko pa.
"Nasaan na si MM?"sigaw na tanong pa ni direk. Nilibot ko naman ang aking paningin para hanapin si ma'am. Oo nga nasaan na iyon?
"Nandiyan na!!"rinig kong sigaw at sigurado akong siya iyon.
"At saan ka naman nagsusuot ha?"tanong pa ni direk sa kanya. Kita ko namang napakamot lang siya sa baton niya sabay peace sign Kay direk. Hindi ko naman napigilang hindi mapangiti, ang cute niya hahaha.
"Sorry naman direk!!may kinausap lang ako. Akala ko kasi hindi pa tapos sa pag-aayos si ate girl eh"sagot naman niya. Kanina ko pa siya napapansin na laging ate girl ang tawag niya sa akin. Hindi ba niya alam ang pangalan ko?
"Okay! Okay! Siya pumuwesto ka na!"utos pa sa kanya ni direk.
"Okay direk! Teka nasaan na pala si ate girl?"tanong pa niya.
"Hayun oh! Naghihintay sayo"turo sa akin ni Direk. Dahan-dahan naman siyang lumingon sa akin, kahit medyo kinakabahan ako at pinilit ko paring ngumiti sa kanya.
"Hi"nakangiti Kong bati sa kanya..para lang Ewan no!! Pero nakatingin lang siya sa akin...medyo naconscious naman ako sa itsura ko. Kanina lang proud ako sa itsura ko pero ng tumingin siya parang kinabahan ako. Pakiramdam ko tuloy may Mali sa itsura ko ngayon...
"Ang Ganda"

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Where stories live. Discover now