CHAPTER 64

70 6 0
                                    

MM'S P.O.V
Nandito ako sa kwarto, nakahiga na. Nasa kabilang kwarto naman si Alex, hindi kasi kami pwedeng magkaabay sa pagtulog eh. Sigurado akong malalagot kami sa Parents niya. At dahil hindi pa naman ako inaantok, kinuha ko muna ang cp ko at nag-online muna ako. Naisip ko naman na iupload iyong picture namin kanina. Na may caption na..
[Meet the parents; si mama, si papa, at ang prinsesa! Kasama si ako ang prinsepe niya❤❤❤]
Napangiti na lang ako, after kong maiupload ito. Alam ko na pwede itong pagkaguluhan ng tao, kahit ng mga press. Pero wala na akong pakialam, basta ang mahalaga masaya ako! Masaya kami!, Bahala na pagbalik namin, saka na lang namin sasagutin iyong mga katanungan nila. Inumpisahan ko namang basahin ang ilang mga comments.
"@MIGLEXBABIES:
Waaahhh!!! For real na talaga sila!!!!gogogo #miglex 
"@MIGLEXANGELS:
Hindi ko na kinakaya ang kilig!! Totohanan na talaga sila!!! Grabe na talaga!! Oxygen please!!!
"@sweetangel:
Ayaw ko na talaga sa earth!! Kinikilig ako grave!!!
Natatawa na lang ako sa mga comments nila. Nakita ko namang nagcomment din pala si Cassy at ang mga beks.
"@anggandaniJon:
OMG!!! Meme!!! Balik-loob kana talaga? Akala ko joke lang? Totoo na pala!! Grabe!!"
Natawa naman ako doon! Sira talaga ito! Hay! 
"@prettyliciousRhian:
Congrats meme!! Finally! Umamin ka din!"
Napailing na lang ako, sigurado akong lalo kaming pagkakaguluhan nito! Dahil sa mga comments ng nga ito! Kaloka! Ito isa pa!
"@QueenRC:
MEME!!! Lalaki ka na!! Congrats!! Kaya pala wala kayo sa bahay!! Hindi man lang nagsabi eh! Pero enjoy!!"
Paano kaya ako makakapagsabi? Eh biglaan nga! Atsaka baka sumama pa sila! Hahahaha. Okay ito last!
"@walangCASSYganda:
Hayun! Sa wakas sis!! Masaya ako para sayo! Finally! Nakita mo na ang THE ONE para sayo!! Congrats!! Excited na ako sa pag-uwi niyo! Marami kayong dapat ikuwento sa akin! Atsaka aabangan ko din kayo kay Tito Boy!! Hahahahaha joke lang!!"
-
Hay! Kahit kailan talaga! Baliw itong babaeng ito! Feeling naman magkukuwento ako sa kanya! Ano ako baliw? Daldal kaya niya hahaha. Mag-aout na sana ako ng biglang may nagnotify ulit sa akin.
"@xelAbaby:
Tulog ka na!!! Gabi na! Huwag ka ng mag-ingay diyan!"
-
Natawa naman ako pagkabasa noon, gising parin pala siya. Mareplyan nga! Peek wait! Palit lang ako ng username! Hayan okay na!
"@PrinceMMmo:
Di ako makatulog eh! Wala ka kasi sa tabi ko!"
-
Napangiti na lang ako, habang hinihintay ang sagot niya. Pero hindi na siya nagreply, tulog na ba siya? Ang daya naman! Napasimangot na lang ako at nag-out na lang! Grabe siya ha! Tulugan ba ako! Pahiga na sana ako ng magring naman ang cp ko.
"Sino naman kaya ito!?"padabog Kong kinuha ang cp ko at sinagot ang tawag ng hindi tinitingnan kung sino.
"Hello!!"sagot ko, tumawa lang naman iyong nasa kabilang linya. Sino ba ito?
"Hello!! Sino ito?"tanong ko pa. Pero tawa lang siya ng tawa. Siraulo yata ito eh! Ibababa ko na sana ng magsalita siya.
"Huwag mong ibaba!"sabi niya, napakunot naman ang noo ko! Alex?
"Alex?"tanong ko. Tumawa naman ulit siya
"Ako nga"sagot niya..napangiti naman ako, naman! Eh!! Hindi pa pala siya tulog!!
"Hala! Para kang baliw! Nakangiti mag-isa"sabi pa niya. Teka! Paano niya nalaman na nakangiti ako?
"Tingin ka sa may pinto"utos pa niya. Agad naman akong humarap sa may pinto. At nakita ko siya doon, nakasandal habang nakangiti sa akin hawak-hawak ang cp niya
"Hi! Baby"malambing na pagkakasabi niya, habang papalapit sa akin. Ibinababa ko naman ang cp ko at mabilis na hinila siya. Agad ko siyang niyakap
"Ginulat mo ako ah! Masyado mo akong pinapakilig! Baby"sabi ko pa. Natawa lang naman siya at pumihit para humarap sa akin.
"Di ba sabi mo hindi ka makatulog! Kaya heto pumunta ako! Para samahan ka"nakangiting sabi pa niya, nagliwanag naman ang mukha ko.
"Talaga? Dito ka din matutulog? Abay tayo?"tanong ko pa. Tumango naman siya..
"O-"
"HINDI"
Sabay naman kaming napalingon ni Alex sa may pinto. Patay!

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Where stories live. Discover now