CHAPTER 19

118 6 0
                                    

MM'S P.O.V
After ng eksenang ginawa ko kanina, kaagad narin akong nagpunta sa tent ko. Medyo nastress ako doon eh! Gusto ko nga sanang malaman kung sino ang kasagutan ko kanina, kaso ayaw naman sabihin ni Direk. Sekretong malupit daw! Hay!! Pero teka nga lang! Oo nga pala! Si Alex! Muntikan ko ng makalimutan.
"Rhian!!"tawag ko, kaagad naman itong lumapit sa akin.
"Ano iyon meme? May kailangan ka?"tanong niya sa akin.
"Nakita mo ba si Alex?"tanong ko sa kanya. 
"Ah si Alex ba? Kasama niya si RC"sagot niya, napakunot-noo naman ako
"Si RC? Bakit naman sila magkasama?"tanong ko ulit.
"Ewan! Bakit di na lang ikaw ang magtanong sa kanila? Hayun sila oh! "Sagot niya pa sabay turo sa dalawa. At nakita ko nga sina RC at Alex ma masayang magtatawanan. Agad naman akong tumayo para puntahan sila.
"Nandiyan ka lang pala! Nakikipagkuwentuhan! Alam mo bang kanina pa kitang hinahanap"mataray na sabi ko sa kanya. Kita ko namang nagulat sila.
"Sorry-"
"Oras ng trabaho nakikipagkuwentuhan ka lang diyan! Mahiya ka naman! Hindi porke't mabait ako sayo! Eh aabusuhin mo na"dagdag ko pa bago tuluyang naglakad palayo sa kanila.....
Hindi ko alam kung bakit naiinis ako, siguro dahil kanina ko pa siya hinahanap at nag-aalala ako sa kanya iyon naman pala ay kasama niya lang si RC. Kaya pala pareho silang wala ng baklang iyon! Kainis eh!....

MM'S P.O.V
Nakayuko lang ako at parang gusto kong maiyak. Kanina pa nakaalis si Ate M pero until now nakatayo parin ako dito. Ramdam ko na galit siya sa akin! At hindi ko alam kung bakit? 
"Okay ka lang ba girl?"tanong naman sa akin ni RC. Tumango naman ako, kahit alam kong hindi talaga ako okay. 
"Pagpasensiyahan mo na si meme ha! Baka pagod lang!"sabi pa niya. Ngumiti na lang ako.
"Okay lang iyon! May kasalanan rin naman ako"sagot ko.
"Oh siya! Puntahan mo na siya! Baka nagpapalambing lang iyon sayo"pagtataboy pa niya sa akin. Natawa naman ako, sira din ito eh
"Sira! Pero sige ha! Salamat nga pala!"sabi ko pa, at tuluyan ng tumakbo para hanapin si ate M. Palinga-linga lang at hinahanap siya. 
"Uy Rhian! Nakita mo ba si Ate M?"tanong ko sa kanya. 
"Ha? Anyayare sa inyong dalawa? Kanina ikaw ang hinahanap ni Meme tapos ngayon naman ikaw ang naghahanap sa kanya."sabi naman niya.
"Hehehe, may sasabihin lang sana ako sa kanya"nahihiyang sabi ko.
"Ah! Pero pasensiya na! Pero hindi ko nakita si meme eh! Last kaming nag-usap ay kanina noong hinahanap ka niya. At akala ko nakapag-usap na kayo"sagot pa niya. 
"Ah ganun ba! Nagkita na nga kami, kaso hindi kami nakapag-usap eh. Sige salamat ha! Hanapin ko lang siya"pasasalamat ko pa at tuluyan ng umalis. Nasaan kaya iyon? Nakita ko naman si Jon.
"Jon"pagtawag ko sa kanya. At lumapit ako sa kanya.
"Oh! Alex!"bati rin niya sa akin.
"Itatanong ko lang sana sayo kung nakita mo ba si ate M"tanong ko sa kanya.
"Alam niyo? Nakakatawa kayong dalawa! Kanina ikaw ang hinahanap niya tapos ngayon ikaw naman ang naghahanap sa kanya."natatawa niya pang sabi. Napakamot na lang ako sa batok ko, pareho lang sila ng sinabi ni Rhian eh.
"Pero para sagutin ang tanong mo! Oo nakita ko siya! Nagpunta siya doon oh!"sagot niya. Ngumiti naman ako sa kanya
"Salamat ha"sabi ko pa at kaagad na pinuntahan si ate M. Medyo tago ang lugar na ito kaya siguro hindi mo makikita kaagad. Nakita ko lang siyang nakaupo lang sa may damuhan. Kaya dahan-dahan akong lumapit sa kanya..
"Anong gingawa mo dito?"biglang tanong niya, natigilan naman ako sa paglalakad.
"Gusto ko lang makausap ka"sagot ko. Lumingon naman siya sa akin.
"Para ano? Magsorry na naman! Huwag kang mag-alala okay lang iyon! Hindi naman ako galit eh! Medyo nainis lang"sabi pa niya. Tuluyan naman akong lumapit sa kanya at umupo sa tabi niya.
"Kaya nga gusto kong humingi ng sorry eh! Kasi hindi ko magawa ng ayos ang trabaho ko"nahihiyang sabi ko.
"Sorry nga pala doon sa nasabi ko ha! Pero mali ka! Nagagawa mo ng ayos ang trabaho mo! Nadala lang talaga ako ng inis ko kanina kaya nasabi ko iyon"ganting sabi niya sa akin. Tumingin naman ako sa kanya at nakita Kong nakangiti siya sa akin kaya ngumiti din ako sa kanya.
"Pero pwede ko bang itanong kung bakit mainit iyong ulo mo?"pagtatanong ko pa. Umiwas naman siya ng tingin sa akin
"Ha? Wala iyon! Siguro dahil sa eksenang ginawa ko kanina! Medyo nakakadala kasi! Kaya hayun! Medyo nainis ako"sagot niya. Napatango na lang ako..

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon