CHAPTER 133

59 6 0
                                    

ALEX'S P.O.V
Kasalukuyan kaming naghahanda para sa interview namin pamaya kay tito Boy. At aaminin ko sobra akong kinakabahan. Kahit alam ko naman ang isasagot ko, hindi ko lang talaga maiwasang kabahan. Hindi ko na nga mabilang kung ilang beses akong huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili ko.
"Okay ka lang ba Baby?" tanong sa akin ni MM ng makalapiy siya. Agad naman niya akong niyakap mula sa may likuran. 
"Medyo"sagot ko at umikot ako paharap sa kanya. Kita oo namang napakunot ang noo niya.
"Bakit medyo lang? May masakit ba sayo? May problema ba?"nag-aalalang tanong pa niya. Ngumiti lang naman ako at yumakap sa kanya.
"Kinakabahan kasi ako eh"pag-amin ko. Agad naman niya akong tiningnan sa mata.
"Baby! Huwag kang matakot! Kasama mo naman ako eh!"pagpapakalma naman niya sa akin.
"Alam ko naman iyon eh! Kaso hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko na kabahan"sabi ko pa.
"Huwag mo na lang isipin para hindi ka kabahan. Isipin mo na lang pamaya, nagkukwento ka lang. Huwag mong isipin iyong mga tanong, at ang isasagot mo. Basta sabihin lang natin ang totoo"nakangiting sabi pa niya sabay halik sa noo ko. Tumango lang naman ako
"Thank you"sagot ko pa sabay yakap ulit sa kanya.
"Okay ka na ba?"tanong niya pa tumango na lang naman ako.
"Oo"sagot ko.
"Ano tara na?"yaya pa niya. Tumango na lang ulit ako
"Tara"sagot ko at hawak kamay kaming lumabas ng bahay. Sinarado muna niya ang pinto bago sumakay sa sasakyan.
"Okay ka lang?"tanong niya ulit sa akin. Huminga muna ako ng malalim bago sumagot.
"Yes, okay lang ako"nakangiting sagot ko. Hinawakan naman niya ang kamay ko, tapos ngumiti siya. Bago niya pinaandar ang sasakyan. Napansin ko naman na iba iyong dinadaanan namin. 
"May pupuntahan pa ba tayo?"tanong ko sa kanya. Ngumiti naman siya sa akin
"May dadaanan lang tayo"sagot niya.
"Saan naman?"tanong ko ulit. 
"Dito"sagot niya. At agad na inihinto ang sasakyan. Bago pa man ako makapagtanong ulit ay nakababa na siya. Sinundan ko lang naman siya ng tingin. Hanggang sa makapasok siya sa isang store.
' Ano naman kaya ang bibilihin nito'tanong ko sa isip ko. Saglit pa ay lumabas na siya na may dala-dalang...Cake? Teka! Bakit naman siya may dalang cake?
"Aanhin mo iyan?"takang tanong ko sa kanya.
"Para sayo"nakangiting sagot niya. 
"Sa akin?"turo ko sa sarili ko. Tumango naman siya
"Oo! Para sayo! Para kumalma ka na"nakangiti niya pang sagot. Napangiti na lang ako
"Thank you"nakangiting sabi ko sa kanya at kunuha ang cake. 
'Teka paano ko naman ito kakainin?'tanong ko pa sa isip ko.
"Don't worry may gamit diyan! Para makain mo siya"nakangiting sabi pa niya. 
"Thank you"sabi ko ulit at agad na hinati ang cake para kainin. 
"Gusto mo?"tanong ko sa kanya. 
"Sana! Kaso nagdadrive ako"sagot niya. Napangiti na lang ako
"Gusto mo ba subuan kita?"tanong ko ulit. Ngumiti naman siya
"Kung pwede sana.."sagot pa niya. Pakipot oa eh! Agad naman akong kumuha ng cake para isubo sa kanya.
"Say ahhhh!"utos ko pa. Agad ko naman siyang sinubuan.
"Sarap no?"tanong ko sa kanya. Tumango naman siya habang ngumunguya.
"Oo ang sarap"sagot pa niya. 
"Gusto mo pa?"tanong ko ulit.
"Saglit lang! Painom muna! Sumabit yata eh"sagot niya. Kaya agad ko siyang binigyan ng tubig. Inihinto naman niya ang sasakyan para uminom.
"Okay ka lang?"tanong ko. Tumango naman siya
"Yeah! Okay lang ako"sagot niya sabay inom ulit.
"Naparami ba ang subo ko sayo?"nag-aalalang tanong ko. Umiling naman siya
"Hindi naman! Kumapit lang talaga sa lalamunan ko"sagot niya. Ngumiti naman ako at bumalik na ulit sa pagkain ng cake. Siya naman ay bumalik na ulit sa pagdadrive.
"Ano? Gusto mo pa ba?"tanong ko ulit sa kanya.
"Konti lang"sagot niya kaya agad ko siyang sinubuan. 
"Thank you dito sa cake ha"sabi ko sa kanya.
"Wala iyon! Basta maging okay ka"sagot pa niya sabay kindat. Napailing na lang naman ako
"Ikaw ha! Humihirit ka na naman!"nakangiting sabi ko sa kanya. Natawa naman siya
"Kinilig ka naman!"tukso pa niya.
"Hindi kaya"tanggi ko
"Weh? Kita ko kinilig ka eh"sabi pa niya. Umiling naman ako
"Hindi nga!"sagot ko.
"Iyong totoo?"habol pa niya. Napanguso na lang ako
"Oo na! Pero konti lang"pag-amin ko. 
"Hayun! Umamin din"tuwang-tuwang sabi pa niya
"Ikaw kasi! Ang hilig mong magpakilig!"nakangusong sabi ko pa. Kumindat naman ulit siya.
"Ganyan talaga! Mahal kita eh"sabi pa niya. Sabay kindat ulit.

-

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Where stories live. Discover now