CHAPTER 172

39 6 0
                                    

CHAPTER 172
ALEX'S P.O.V
Pakanta-kanta ako habang nagluluto. Alam niyo ba kung bakit? Alam ko na ang iniisip niyo, akala niyo may nangyari sa amin kagabi ni MM? Pero nagkakamali po kayo. Kasi po, mas nauna po siyang nakatulog sa akin. Himala di ba? Eh kasi naman po, ang lakas niyang makainom! Hayun tulog. Hahaha, ang dami Kong tawa kagabi habang pinagtutulungan siyang buhatin ng mga beks. 
"Bakit di mo ako ginising kagabi?" May himig ng pagtatampo sa boses niya. Kaya agad akong napalingon sa kanya.
"Hi! BabyLove ko! Good morning" bati ko sa kanya. Pero still nakasimangot parin siya
"Huwag ka ng magtampo diyan! Sorry na!" Sabi ko sa kanya at niyakap ko siya.
"Eh bakit Hindi mo ako ginising? Hindi tuloy natuloy ang ating honeymoon" nagtatampo sabi niya. Natawa naman ako
"Ikaw talaga! Puro honeymoon ang nasa isip mo!" Natatawang sabi ko.
"Excited pa naman ako! Tapos! Ganun lang" nakangusong sabi pa niya.
"Eh sino ba ang nag-inom ng marami? At natulog ng maaga?" Tanong ko sa kanya. Lalo naman siyang napanguso
"Sila kasi! Pinainom ako! Tapos ikaw naman Hindi mo ako pinigilan! Hindi mo pa ako ginising" nagtatampong sabi niya. Napailing na lang ako
"Tapos na iyon! Kaya mas mabuti pa ay maupo ka na lang diyan! Para mapaghanda na kita ng pagkain" sabi ko sa kanya. Pero nakatayo pa din siya
"Nagsorry na ako sayo di ba?" Sabi ko pa. Pero nakasimangot lang siya, 
'Ah alam ko na'
"Tsup" mabilis ko siyang hinalikan. Nagliwanag naman ang mukha niya, pero sumimangot ulit
"Oh! Bakit? Ano pa ang problema?" Tanong ko sa kanya.
"Ang bilis kasi" sagot niya. Napailing na lang ako saka kinabig ang ulo niya at hinalikan siya. Agad naman siyang tumugon, hanggang sa lumalim ang halikan namin.
"Uwaahhhhhhhhhh!" Rinig naming iyak ni Sofia. Kaya agad ko siyang tinulak palayo at nagtatakbo papunta Kay Sofia.
"Anong nangyari?" Tanong ko sa yaya ni Sofia. Na si Lea
"Hindi ko po alam ate! Bigla na lang po siya umiyak eh" sagot nito. Habang buhat-buhat si Sofia na isinasayaw. 
"Ako na" sabi ko at kinuha sa kanya si Sofia.
"Pasensiya na po ate" sabi pa nito. 
"Okay lang iyon" sagot ko at ngumiti sa kanya.
"Tara na sa baba! Para makakain" yaya ko pa.
"Nakakahiya po" nahihiyang sabi niya.
"Huwag ka ng mahiya! Tara na!" Sabi ko saka naunang bumaba.
"Anong problema? Bakit siya umiyak?" Salubong na tanong sa akin ni MM.
"Hindi rin namin alam eh! Basta na daw siyang umiyak eh" sagot ko. Agad naman siyang lumapit Kay Sofia.
"Baby..anong nangyari? Bakit ka nagcry? Alam mo bang naistorbo mo kami ni Mommy" sabi niya Kay Sofia. Kaya hinampas ko siya
"Parang ano ka diyan! Umayos ka nga!" Saway ko sa kanya.
"Hehehe, joke lang iyon baby" sabi niya Kay Sofia.
"Hayan! Ganyan!" Sabi ko. Kinuha naman niya sa akin si Sofia.
"Baby..bakit ka nagcry? May masakit ba sayo? Tell to Daddy" kausap pa niya Kay Sofia. Napailing na lang ako at iniwan sila. At lumapit ako kay Lea.
"Tulungan na kita" sabi ko sa kanya.
"Hindi na po ate! Kaya ko na po ito" tanggi niya.
"No! I insist!" Pilit ko at kinuha na ng mga plato.
"Thank you po ate! Napakabait niyo po sa akin. Napakaswerte ko po at kayo po ang naging amo ko" nakangiting sabi niya. Gumanti na rin ako ng ngiti sa kanya.
"Kami nga dapat magpasalamat sayo eh! Kasi inaalagaan mo ng mabuti si Sofia" sabi ko sa kanya.
"Trabaho ko po iyon ate!" Sagot niya.
"Kaya salamat" nakangiting sabi ko. 
"Tara na! Kain na tayo! Tawagin ko lang ang mag-ama ko" paalam ko sa kanya. At pinuntahan ko na sina MM at Sofia 
"BabyLove! Tara na kumain" sabi ko sa kanya pagkalapit ko.
"Wait lang! Nag-eenjoy pa dito si Baby eh" sagot niya
"Pero baka lumamig ang pagkain" sabi ko naman.
"Okay lang! Gusto pa kasi ni baby maglaro dito eh" sagot naman niya
"Pamaya na lang natin siya ibalik diyan! Kumain muna tayo!" Sabi ko sa kanya at kinuha si Sofia. Kung nagtataka po kayo kung bakit nandito si Sofia ay dahil po gusto po namin na makasama siya. Napag-usapan na namin ni MM na Hindi kami lalabas ng bansa para sa honeymoon. Gusto kasi namin! Malaki na si Sofia bago kami mamasyal sa iba't-ibang bansa. Para pati siya maenjoy niya
"Sige na nga! Subuan mo ako ha" paglalambing naman nitong asawa ko. Napangiti na lang ako
"Sige!" Sagot ko. Ngumiti naman siya at umakbay sa akin.

-

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Where stories live. Discover now