CHAPTER 138

53 6 0
                                    

MM'S P.O.V
Natigilan ako sa sinabi ko, patay! Ano ba itong bibig Kong ito!! 
"Oh bakit natigilan ka MM?"nakangising tanong ni tito boy.
"Hehehe! Wala po! Tuloy na po tayo sa pang-apat na picture!"pag-iiba ko. Pero umiling naman si Tito boy
"Hindi na natin kailangan ang pang-apat na picture! Parang may mas gusto akong malaman"nakangiting sabi pa ni tito boy. Tapos bumaling siya sa mga tao
"Kayo din di ba? Gusto niyo din malaman ang gusto Kong malaman?"tanong niya sa audiences. Tumango naman ang mga audiences at nag-ingay sila. Patay na talaga!
"Hayan kasi! Ang daldal mo kasi!"bulong pa sa akin ni Alex.
"Sorry! Nadulas lang ako! Hindi ko naman gustong sabihing buntis ka eh!"bulong ko, pero hindi ko alam na malapit pala sa akin bibig iyong mic ni Alex kaya narinig nila ang sinabi ko. Lalo naman nag-ingay sila
"Oh hayan! May confirmation na!"masayang sabi pa ni Tito boy. Tumingin naman ako kay Alex na nakayuko lang, 
"Sorry talaga baby"bulong ko ulit sa kanya.
"Ano pa nga ba! Eh alam na din naman nila!"sagot niya sa akin. Hinalikan ko lang naman siya. Kaya lalong naging wild ang mga tao
"Hayan! Sumusobra na po talaga sila! Masiyado na po talaga nila tayong pinapakilig."sabi pa ni tito boy. Tapos tumingin naman siya sa amin
"MM at Alex! Pwede niyo bang linawin ang narinig namin kanina?"tanong pa ni Tito boy. Tumingin naman ako kay Alex, tumango lang naman siya
"Okay po tito boy"sagot ko.
"So, ano? Totoo ba iyong narinig namin kani-kanina lang?"tanong pa ni Tito boy. Tumango naman kami, 
"Yes po tito boy"sabay na sagot namin. Dahilan para mag-ingay ang mga tao
"Oh!!! Wow!! Grabe! Grabe na talaga itong mga rebelasyon niyo! Hindi mo na talaga kinakaya"gulat na sabi pa ni Tito Boy.
"Hindi ka ba makapaniwala tito boy! Ang galing ko no? 3 points eh!"pagyayabang ko pa,bigla naman akong binatukan ni Alex.
"Aray naman Baby! Masakit iyon! Atsaka nakakahiya sa kanila oh! Pati kay tito boy!"nakangusong sabi ko. Umirap lang naman siya sa akin, samantalang si Tito boy naman ay tawa lang ng tawa sa amin.
"Ang cute niyo talaga panooring dalawa"natatawang sabi pa ni tito boy.
"Ano naman pong cute doon tito boy! Eh parang magiging battered husband yata ako nito eh!"sagot ko pa. Kaya kinurot naman ako ni Alex.
"Aaaraay?!"daing ko pa. Huhuhuhu kawawa na talaga ako
"Anong sabi mo?"nakataas na kilay na tanong pa ni Alex. 
"Ha? Wala! Sabi ko ang lucky ko sayo"nakangiting sagot ko.
"Hahahaha! Mukhang takot ka sa kanya ah!"natatawang sabi pa ni tito boy.
"Parang ganun na nga po!"pag-amin ko.
"Okay! Okay! Sobrang naloloka na talaga ako sa inyo! Balik na tayo sa pinag-uusapan natin!"sabi pa ni tito boy.
"Oaky po tito boy"sagot namin
"So iyon nga! Hindi parin ako makapaniwala na...buntis ka Alex! Sobrang sexy mo para sa isang buntis"sabi pa ni tito boy. Ngumiti naman si Alex
"Thank you po tito boy, pero sadya pong buntis po ako! Actually po Two months na po siya ngayon"sagot pa ni Alex.
"Wow! Congrats sa inyong dalawa! At nakakatuwa na pinili niyong pagkatiwalaan ako at ang programa ko. Maraming salamat sa inyo"nakangiting sabi pa ni tito boy.
"Wala po iyon tito boy! Gusto rin po naming magpasalamat sa inyo kasi inimbitahan niyo po kami dito!"sagot ko naman. 
"So iyon! Pamaya na tayo magpasalamatan! Mag-usap muna tayo. Gusto ko lang itanong ano ang Plano niyo ngayon? Ngayong may baby na kayo? Tapos engaged na rin kayo? So magpapakasal na ba muna kayo bago manganak si Alex? O hihintayin niyo muna na makapanganak siya? Tapos may plano na ba kayo sa kasal niyo? O mag paplano pa lang?"sunod-sunod na tanong ni Tito boy.
"Sa totoo po niyan tito boy! Wala pa po kaming napapag-usapan tungkol sa kasal. Kasi po kakaengaged palang po namin! Atsaka po tito boy! Gusto ko po sana na makapanganak po muna ako bago ako ikasal! Para po mawitness ni baby ang pinakamahalagang araw sa buhay namin ng Daddy niya"mahabang sagot ni Alex.
"Payag ka ba doon MM? Na ipagpapaliban muna ang kasal niyo hangga't, di pa siya nakakapanganak?"tanong sa akin ni tito boy. Ngumiti naman ako
"Oo naman po tito boy! Kung ano pong gusto ni Alex! Iyon narin po ang akin"nakangiting sagot ko.
"Naks naman! Pagtinitingnan ko kayo! Pakiramdam ko ang sarap mainlove"nakangiting sabi pa ni tito boy.
"Maghanap ka na rin tito boy!"biro ko pa
"Naku huwag na!"natatawang sabi pa ni Tito boy.
"Bakit naman tito boy?"tanong ko pa
"Hahaha! Basta! Huwag na nating pag-usapan! Balik ulit tayo sa inyo! Bago tayo matapos! Magmessage muna kayo sa isa't-isa"sabi pa ni tito boy. Tumingin naman ako kay Alex
"Ikaw muna"sabi ko sabianya
"Ahhhmm baby...wala na akong masabi kasi alam mo na naman! Masasabi ko na lang eh! Mahal na mahal kita! Nandito lang ako para sayo! Mamahalin kita habang buhay! Ikaw lang walang iba"nakangiting sabi niya sabay smack kiss sa akin. Napangiti naman ako
"Ako din! Mahal na mahal kita! Ikaw lang! At never kitang ipagpapalit kahit sinuman! Dahil ikaw lang sapat na!"nakangiting sabi ko sabay kiss sa kanya. Rinig naman namin ang palakpakan ng audience
"Maraming salamat sa inyong dalawa! Sobrang pinasaya at pinakilig niyo kami. At maraming salamat at sa amin niyo ipinagkatiwala ng kwento niyo. Hangad ko, namin! ang kaligayahan niyo! Mabuhay kayong dalawa"sabi pa ni tito boy at niyakap kami
"Thank you din po tito boy"sabay naming sabi

-

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Where stories live. Discover now