CHAPTER 32

115 6 0
                                    

ALEX'S P.O.V
"Ouch!! Ang sakit ng ulo ko grabe!!!"
Iyan lang ang daing ko, pagkagising ko, naparami yata ang ininom ko kahapon. Hindi naman ako talaga umiinom eh, naisipan ko lang. Dahil nga sa nangyari kahapon, iyong kay Tyrone! Dagdag pa itong si ate MM. Hay naku! Pero saglit! Paano nga pala ako nakarating sa kuwarto ko? Ang huli kong natatandaan ay nasa apartment pa ako! Pero paano ako nakarating dito? Sino ang nagdala sa akin dito? Tapos, iba narin ang suot ko! Hala!!! Sinong nagpalit sa akin? Dali-dali akong nag-ayos at agad na bumaba. Pagkababa ko nakita ko si ate MM na nagtitimpla ng kape. Agad naman siyang tumingin sa akin, pero saglit lang.
"Good morning"bati ko sa kanya. Pero busy siya sa pagtitimpla ng kape. Kaya umupo na lang ako, pamaya ko na lang siya tatanungin mukhang hindi maganda ang gising niya eh.
"Hang-over?"tanong niya, tumango naman ako.
"Oh kape"sabi pa niya sabay abot sa akin ng kape.
"Salamat"sabi ko sa kanya, at ininom ito. Agad ko din naman itong naibuga..anong klaseng kape ito! 
"Anong klaseng kape ito? Bakit walang asukal?"tanong ko sa kanya.
"Bakit hindi mo nilagyan? Ininom mo kasi kaagad! Tapos magrereklamo ka diyan!"sagot naman niya. Tiningnan ko naman siya ng masama.
"Malay ko bang wala iyang asukal!! Hindi mo naman kasi sinabi!! Basta mo na lang ibinigay!"ganting sagot ko sa kanya. Pero inirapan lang niya ako.
"Hindi mo ba narinig ang sabi ko sayo kanina? Oh kape! so kape lang! kaya dapat nilagyan mo ng asukal! Huwag kang bobo!"sagot naman niya. Lalo naman akong nainis dahil sa sinabi niya! Sabihan ba naman akong bobo!
"Hoy! Hindi ako bobo no!!"galit na sigaw ko sa kanya.
"Bakit sinabi ko bang bobo ka? Sabi ko huwag kang bobo!!! Magkaiba iyon!"katwiran pa niya. Sarap sapakin nito!!
"Ano bang problema mo ha?"galit na tanong ko sa kanya.
"Problema ko? Ikaw!! Ikaw ang problema ko!!"ganting sigaw din niya. Nagtaka naman ako..
"Bakit ako? Anong ginawa ko sayo?"takang tanong ko.
"At tinanong mo pa talaga ha? Matapos ang ginawa mo kahapon!"galit na sabi niya. Ha? Anong ginawa ko? Wala akong naaalala!
"Anong ibig mong sabihin?"tanong ko sa kanya.
"Maang-maangan lang ang peg? Walang maalala ganun?! Ewan ko sayo! Bahala kang mag-isip! Para masiraan ka ng bait!"sabi pa niya. Aalis na sana siya ng pigilan ko siya.
"Hay! Naku! Rinig na rinig ko doon sa taas ang ingay niyo! Kaloka kayong dalawa! Hanggang ngayon ba, hindi parin kayo tapos sa bangayan na iyan?"
Agad naman akong napalingon sa nagsalita, medyo nahiya naman ako. Si ms. Cassy pala.
"Hehehe, good morning po. Pasensiya na po kayo"nahihiyang sabi ko. Ngumiti lang naman siya sa akin
"Okay lang iyon Alex!"nakangiti niya pang sabi, napatingin naman siya sa kamay namin. Nahiya naman ako kaya agad kong binitawan ang kamay ni Ate MM. 
"Tsk" iyon lang ang sinabi ni Ate MM at tuluyan ng umalis. Naiwan naman kami ni ms. Cassy. 
"Badtrip ang baby mo"natatawang sabi pa ni ms. Cassy. 
"Po?"gulat na tanong ko, anong baby?
"Sabi ko ang baby mo! Badtrip yata! Anyare ba?"ulit pa niya.
"Baby? Si ate M?"paglilinaw ko.
"Oo! Iyon ang tawag mo sa kanya kahapon eh, I mean kagabi pala"sagot naman niya. Lalo naman akong naguluhan.
"Pasensiya na po Ms. Cassy pero hindi ko po maintindihan eh!"nahihiyang sabi ko.
"Ah! Cassy na lang ang itawag mo sa akin! At huwag mo na akong i-po"nakangiti niyang sabi.
"Wala ka bang natatandaan kung anong nangyari kahapon? Kagabi?"tanong pa niya. Umiling naman ako.
"Wala eh! Ang tangi ko lang naaalala eh iyong nag-iinom po ako sa dating apartment ko. Iyon lang! May nangyari pa bang iba?"agad na tanong ko. Natawa naman siya
"Marami! At talagang nakakaloka!"sagot niya. Hala! Kaya ba ganun si ate MM sa akin.
"Ano po bang ginawa ko? Wala talaga akong maalala eh"tanong ko pa. 
"Sige! Sasabihin ko sayo! Lahat-lahat"natatawang sagot niya pa. Para naman akong kinabahan. Mukhang may kabaliwan akong ginawa ah. Huwag naman sana! 
"Mukhang kinakabahan ka ah?"tanong pa niya. Tumango naman ako
"Kinakabahan kasi ako na baka kung anong kabaliwan iyong nagawa ko kahapon"sagot ko.
"Huwag kang kabahan! Wala ka namang kabaliwang ginawa eh! Bukod sa kinulit mo ng kinulit si MM! , Tinawag mo siyang manloloko! Pinaghahampas mo pa nga siya. Tapos Pinagselosan mo pa nga ako eh, akala mo babae ako ni MM"kwento pa niya, halos gusto kong lumubog sa kianuupuan ko ngayon dahil sa sinabi niya.
"Pasensiya na po kayo sa ginawa ko"hinging paumanhin ko.
"Okay lang iyon! Naiintindihan ko"nakangiti niyang sagot.
"Pero hindi lang iyon ang ginawa mo! Kasi may mas malala pa"sabi pa niya. Nanlaki naman ang Mata ko.
"Po? May mas malala pa?"tanong ko pa, tumango lang naman siya.
"Oo! tinawag mo din siyang baby! Humingi ka pa nga sa kanya ng kiss-"
"Totoo? Ginawa ko iyon?"gulat na tanong ko. Tumango lang siya
"Oo! Tapos ang mas malala pa girl! Sinabi mo pang nagkiss na kayo noon! At iyong nakita niya na iyong bagay na hindi niya dapat makita sayo!!hahaha!nakakaloka talaga!!"tawang-tawang sabi pa niya. Napataklob na lang ako sa mukha ko. Inang!!! Kakahiya!!!sobra!!! Hindi na talaga ako iinom!!! Hindi na ako maglalasing!! Ayaw ko na!!!

-

Unexpected Chemistry (COMPLETED)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें