CHAPTER 154

45 6 0
                                    

MM'S P.O.V
Excited akong bumaba ng sasakyan at inalalayan sila. Matagal ko narin itong nabili, at pinaayos. Dapat talaga surprise ko ito kay Alex, pero wala eh! Kinailangan ko din sabihin.
"Ang laki!!! At ang Ganda!!"manghang sabi ni Alex habang pinagmamasdan ang bahay. Napangiti na lang ako
"Lalo na sa loob"nakangiting sabi ko. Agad naman kaming naglakad papasok sa loob.
"Surprised!!!!!"
Nagulat naman at nanlaki ang Mata ko ng makita ko sina mama, nanay, papa at ate sa loob ng bagong bahay namin.
"Anong ginagawa niyo dito???"agad na tanong ko. Hindi ko maiwasang hindi maging bastos! Pero nakakagulat kasi! Paano sila napunta dito? Kainis!!!
"Ay! Late na pala kami!!!"
Agad naman akong tumalikod para tingnan kung sino ang dumating. At nakita ko ang mga buwesit kong kaibigan.
"Paano niyo nalaman ang bagong bahay namin ha?"inis na tanong ko. Ngumiti lang naman sila.
"Hahaha! Akala mo ba maiisahan niyo pa kami?"pang-aasar ni Cassy. Tiningnan ko naman siya ng masama.
"Buwesit!!!'sigaw ko pa.
"MM!!!tawag sa akin ni Alex. Kaya natahimik ako
"Sorry!!!"sabi ko sabay peace sign sa kanya. Nakalimutan Kong tulog nga pala si baby.
"Sige na iha! Ilagay mo muna si baby Sofia sa kwarto niya."sabi pa ni Nanay. Kaya agad sinamahan ng maid namin si Alex. Pagkaalis naman nila agad ko silang tininganan ng masama.
"Anong ginagawa niyo dito? Paano niyo nalaman ang tungkol dito?"tanong ko pa. Nagtawanan naman sila, Buwesit!!!
"Simple lang! Inalam talaga namin"sagot ng mga kaibigan kong siraulo!
"Mga buwesit kayo!"sigaw ko pa. 
"MM!!!"sigaw ni Nanay, kaya natagilan ako. Patay! 
"Ikaw na bata ka! Nag bastos! Bastos mo talaga!"galit na sabi pa ni Nanay, sabay pingot sa tainga ko.
"Araaayyy nay!!!"dating ko pa
"Nay! Tama na!!"pakiusap ko pa. Binitiwan naman niya ang tainga ko.
"Ang sakit noon Nay ha!"reklamo ko pa.
"At masasaktan ka pa talaga kung inulit mo ulit niyang mga kalokohan mo! Buti na lang pala at nalaman namin na may bagong bahay na pala kayo! Eh di kung Hindi pala namin nalaman eh di kawawa naman pala kami!"sabi pa ni Nanay.
"Sorry na po! Sasabihin ko naman po sa inyo eh! Naunahan niyo lang po ako!"katwiran ko naman. 
"Talaga ba? Asus! Huwag kami meme! Alam naming hindi mo talaga sasabihin! Ikaw pa!"sagot naman ni JOn. Inirapan ko lang naman siya.
"Manahimik ka! Hindi ikaw ang kausap ko!"mataray na sagot ko naman.
"Che!! Bahala ka diyan!! Kayo na po tito tita ang bahala sa kanya! Aakyat na po muna kami, para tingnan si Baby"paalam pa niya. 
"Hoy! Hoy!! Tulog ang ANAK KO!!! Kaya huwag niyong bulabugin!"pigil ko sa kanila. Diniinan ko talaga ang salitang Anak ko, para Dama nila!
"Hindi kami mag-iingay! Kaya huwag ka diyan! Damot nito!"sagot naman ni Cassy, sabay irap sa akin. Mag buwesit talaga!
"Hoy!!! Bumalik kayo dito!!!"sigaw ko pa sa kanila. Pero dinilaan lang nila ako at nagtatakbo na pataas.
'Buwesit! Kaya nga ba ayaw kong ipaalam sa kanila ang tungkol sa bagong bahay namin eh! Kakainis lang at palpak ang Plano ko! Nalaman din nila! Asar!!!'
"Hayaan mo na sila! Dahil wala ka namang magagawa!"sabi naman ni Mama. Napanguso na lang ako
"Oo nga iho! Wala kang magagawa! Kaya kung ako sayo! Hayaan mo na lang!"pang-aasar naman ni Papa. Kainis!!
"Kaya nga bunso! Sa susunod! Gagalingan mo ang pagtatago!"pang-aasar din ni ate. Inirapan ko lang naman siya.
"Oo nga anak! Galingan mo! Dahil sa susunod at nalaman ko ulit iyang mga kalokohan mo! Tatamaan ka talaga sa akin!"banta pa ni Nanay. Kaya tumango na lang ako.
"Oh siya! Maiwanan ka na namin iho diyan! Akyat lang kami!"paalam pa ni Mama, at umalis na nga sila. Naiwan lang si ate
"Paano ba iyan, bunso? Ikaw naisahan namin! Ikaw kasi eh! Humingi ka pa ng pabor sa best friend ko pa"sabi pa ni Ate. Kaya napakunot ang noo ko.
"Wait! Best friend mo si sir Lucas?"tanong ko sa kanya. Ngumiti naman siya
"Oo! Kaya ng magkita kami, nasabi niya sa akin ang pinagagawa mo ngang bahay! Kaya hayun! Sinabi ko agad sa kanila! Para Isurprised ka!"mapang-asar na sabi pa niya. Sabay talikod at naglakad palayo sa akin.
"Bye kapatid!"sabi pa niya. 
"Buwesit!! Kapamilya ako! Hindi ako kapatid!!"sigaw ko pa sa kanya... Kainisss!!!

-

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Where stories live. Discover now