CHAPTER 35

126 8 0
                                    

ALEX' S P.O.V 
Tahimik lang ako, hanggang ngayon gulat parin ako sa nangyari kanina. Hindi ko akalain na mangyayari iyon! Buti na lang talaga dumating si ate MM. 
"Okay ka na ba?"tanong pa ni Ate MM sa akin, habang papasok kami ng bahay. 
"Oo"tipid na sagot ko. 
"Sure ka?"tanong pa niya, habang pinipisil ang kamay ko. Tumango naman ako tapos ay ngumiti sa kanya.
"Oo! Salamat talaga ha! Buti na lang talaga dumating ka"nakangiting sabi ko pa. Ngumiti lang naman siya sa akin at biglang pinisil ang ilong ko. Napasimangot naman ako
"Sa susunod ha, huwag kang basta-basta lumalabas. Sikat ka na kasi ngayon! Kaya ingat-ingat din pag may time"paalala pa niya. Hanu raw? Ako sikat? Hahaha kaloka!!
"Patawa ka! Anong sikat ka diyan?"natatawang sabi ko pa.
"Nagsasabi ako ng totoo! Sikat ka na talaga ate girl"nakangiti niyang sagot. Inirapan ko lang naman siya...ako daw? Sikat? Hahaha imposible! Malabong mangyari iyon!!

MM'S P.O.V
Natatawa ako sa reaksiyon ni Alex ng sabihin Kong sikat na Siya. Ayaw niyang maniwala, totoo naman na sikat na siya eh.
"Hindi ka talaga naniniwala no? Sinasabi ko sayo sikat ka na talaga"sabi ko pa sabay kindat sa kanya. Natawa naman siya sa akin, at hinampas ako.
"Para kang sira diyan!"natatawang sabi pa niya. 
"Ehem! Ehem! Ehem!"
Napalingon naman kami kay Cassy na nasa likuran namin. 
"Problema mo?"pagtatanong ko.
"Wala naman! Sasabihin ko lang sana na... baka gusto niyo munang pumasok ng bahay. Bago niyo ituloy iyang paglalandian..este...pag-uusap niyo. Nakaharang kasi kayo sa pinto! Papasok kasi ako"sabi pa niya. Umirap lang ako sa kanya, 
"Maluwag kaya ang daan! Sadyang baliw ka Lang!"pagtataray ko pa sa kanya.
"Naks! Grabe Sya oh! Sabihin mo Lang na sadyang malandi ka! Padeny-deny ka pa diyan! Pero iba naman ang galawan! Iba din!"mapang-asar na sabi pa niya. Sabay hawi sa akin..
"Excuse me nga! Pasok na ako! Sige ituloy niyo na iyong paglalandian..este pag-uusap pala ninyo"sabi pa niya, sabay takbo papasok habang tumatawa. 
"Siraulo!! Humanda ka sa akin pamaya"sigaw ko pa sa kanya. Pero binelatan niya Lang ako, patay siya talaga sa akin pamaya. Aba! Ginawa na niyang bahay ang bahay ko ah! Hindi ba siya hinahanap sa kanila. 
"Huwag kang ano diyan sis! Pakunwari ka pang galit pero ang totoo naman ay tuwang-tuwa ka! Mga galawan mo din eh!"sigaw pa niya. At talaga namang sinusubukan ako ng babaeng ito.!!
"At talagang wala kang balak tumigil sa kakaasar mo diyan no?"pasigaw na tanong ko. Habang papasok kami sa loob ni Alex.
"Tahimik na kaya ako dito! Huwag kang magulo diyan! May iniisip ako"sagot naman niya. 
"At ano naman aber ang iniisip mo?"pagtatanong ko. Nakangising tumingin naman siya sa amin.
"Iniisip ko lang kung Hindi kayo nangangawit, kanina niyo pa kasi hawak ang kamay ng isa't-isa. At mukhang enjoy name enjoy kayo ah"pang-aasar pa niya, habang nakatingin ng nakakaloko sa amin. Agad naman kaming napabitaw ni Alex. Ngayon ko lang din napansin na magkahawak parin pala kami ng kamay.
"Hahaha! Nahiya pa sila!"tawang-tawang sabi pa ni Cassy. Napatungo na lang naman si Alex, siguro ay namumula na siya dahil sa hiya.
"Buwesit ka talaga! Kanina ka pa"asar na asar na sabi ko Kay Cassy habang binabato ito ng unan. Todo ilag naman siya habang tumatawa.
"Hahaha, napipikon siya! Siguro totoo nga"pang-aasar pa niya, sinamaan ko naman siya ng tingin.
"Hindi ka talaga titigil no? Naku sinasabi ko sayo! Pagnahuli kita! Malilintikan ka sa akin! Siraulo ka"sabi ko pa habang hinuhuli siya. Siya naman ay sayaw pa ng sayaw habang tumatakbo palayo sa akin. Mapang-asar talaga!! Buwesit!!
"Ano ba iyan sis! Ang bagal mo naman! Ikaw lang yata ang nakita kong kabayo na mabagal tumakbo"pang-aasar pa niya, rinig ko namang natawa si Alex. Kaya binalingan ko siya
"Wow naman Alex!!tawang-tawa ah! Nakakatawa iyon? Ha? Nakakatawa iyon?"tanong ko sa kanya. Tumigil naman siya sa pagtawa sabay iling.
"Sis! Kulang iyong sinabi mo! Nasaan na iyong siraulo sa dulo?"singit naman ni Cassy. Tiningnan ko naman siya
"Iyong siraulo ba kamo?"balik na tanong ko sa kanya. Tumango naman siya bilang sagot
"Tinanong mo pa! Eh di ikaw! Ikaw iyong siraulo! Buwesit ka"sagot ko sa kanya. Napasimangot naman siya
"Ang bad mo talaga sa akin! Pero Kay Alex ang bait-bait mo! Napaghahalataan ka na sis ha! Baka iba na iyan!"nakangising sabi pa niya.
"Alam mo?bubusalan ko na iyang bunganga mo! Kapag hindi ka pa tumigil diyan"pagbabanta ko pa.
"Okay! Titigil na! Pero wala naman masama kung magkacrush ka sa girl sis eh! Kahit naman bakla ka! Lalaki ka parin!"natatawang sabi pa niya. 
"Atsaka sis! Huwag kang mahiya! Crush ka rin naman ni Alex eh! Di ba Alex?"dagdag pa niya, tumingin naman ako Kay Alex
"Ha?"gulat na tanong nito. Napangiti naman ako, hahaha namumula siya!
"Hala! Hala! Nakangiti ang isa diyan! Umaasa nga"
Tiningnan ko naman ng masama si Cassy, wala talaga itong balak tumigil eh!
"Alam mo kanina pa ako nagtitimpi! Pero kanina ka pa din eh!'"may gigil na sabi ko habang papalapit sa kanya. Siya naman ay humahakbang palayo sa akin..
"Halika dito! Huwag kang lumayo"pagtawag ko pa sa kanya. Pero binelatan niya lang ako at nagtatakbo na paakyat..
"Bumalik ka dito buwesit ka!"sigaw ko pa. Kaasar talaga iyong babaeng iyon! Bakit ko ba naging kaibigan iyon? Pusher ng taon eh! Mapahuli nga iyon!

-

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Where stories live. Discover now