CHAPTER 43

101 7 0
                                    

ALEX'S P.O.V
Naging successful ang premiere night ng movie daw? Namin. Hanggang ngayon kasi, Hindi parin talaga ako makapaniwala na nangyayari ito. Extra lang dapat ako, pero ang nangyari, naging bida ako sa movie. Tapos naging instant kaloveteam pa ni Ate MM. Grabehan na talaga! Almost perfect na sana ang gabing ito eh! Kung hindi ko lang nakita ang walang hiya kong ex, at talagang kasama pa niya ang parang may sira niyang new gf. 
"Sigurado ako si Tyrone ang iniisip mo"biglang sabi ni ate MM sa akin. Agad ko naman siyang sinamaan ng tingin. 
"Daldal mo! Baka marinig ka nila"saway ko sa kanya. Habang tumitingin sa paligid. Nandito kami ngayon sa sinehan kasalukuyang nanonood ng movie namin.
"Hindi iyan! Ano ka ba? Pero aminin mo tama ako"pangungulit pa niya. Pinandilatan ko naman siya ng mata.
"Tumahimik ka nga! Manood ka na Lang!"saway ko ulit sa kanya.
"Sabihin mo munang Tama ako"pangungulit niya.
"Oo na! Ano okay na ba?"pag-amin ko. Sumimangot naman ang mukha niya. Problema nito?
"Bakit mo pa iniisip iyon!? Eh manloloko naman siya"nakasimangot na tanong niya habang nanonood.
"Hindi ko naman siya iniisip, kasi namimis ko siya. Naasar lang talaga akong nakita siya kanina. Iyon Lang!"paliwanag ko. 
"Talaga? Iyon Lang? O baka naman nagseselos ka lang kanina"tanong pa niya.
"Hindi no! Duh! Magsama sila!"inis na sagot ko. Natawa naman siya,
"Easy! Easy! Huwag ka ng sumimangot diyan"natatawa pa niyang sabi. 
"Ewan ko sayo"pagtataray ko pa sa kanya. Nagulat naman ako ng pagtingin ko sa screen, ay patapos na pala iyong movie.
"Iyan ang isa sa pinakafavorite kong part"sabi ni ate MM, dahilan para mapatingin ako sa kanya. Seryoso lang naman siya habang nakatingin sa screen. Napatingin naman ako sa screen, ito iyong part na nagkita ulit kami. Isa din ito sa favorite part ko sa movie eh.
"Ikaw! Ano ang pinakafavorite na part mo sa movie?"tanong niya pa.
"Iyan din"nakangiti Kong sabi habang nakatingin sa kanya.
"Bakit iyan?"tanong pa niya.
"Basta! Ikaw bakit iyan din?"balik na tanong ko.
"Basta din!"natatawang sagot niya, hinampas ko naman siya kaso nasalag niya ang kamay ko. Ngumiti lang siya sa akin, nagulat naman ako ng bigla niyang inintertwined ang kamay namin. Babawiin ko sana ang kamay ko pero mas lalo niya pang hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko. 
"Uy ano-"
"Ssshhhh..Manood ka na Lang"sabi pa niya sabay tingin sa screen. Wala naman akong nagawa kundi ang hayaan na lang siya. At nanood na lang ulit ako. Pero paminsan-minsan Hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya. Kita kong ngumingiti siya, Hindi ko naman mapigilan na hindi mapangiti din.
"Ang palabas ay nasa harapan wala sa mukha ko"sabi niya sabay tingin sa akin, agad naman akong napaiwas ng tingin.
"Huwag ka ng mahiya! Kanina ko pa alam na tinitingnan mo ako eh"sabi pa niya sabay kindat sa akin. Agad ko namang hinila ang kamay ko at nakataas ang kilay na humarap sa kanya.
"Kapal mo ha! Hindi kaya!"pagtanggi ko pa.
"Asus! Nagdeny ka pa! Eh Huli ka na"tukso pa niya.
"Paano mo nalaman na tinitingnan kita?"pagtatanong ko.
"Nakita ko eh"sagot naman niya.
"Nakita mo Lang? O tinitingnan mo din ako? Umamin ka"pangungulit ko pa habang sinusundot ang mukha niya. Hinuli naman niya ang kamay ko
"Paano kung sabihin kong, oo tinitingnan nga kita?"sabi niya habang nakatingin sa mata ko. Natigilan naman ako, seryoso ba siya? Bakit ba ganito siya ngayon? Nawiweirduhan na ako sa mga pinagkikilos niya. 
"Uy! Natulala ka na diyan!"sabi pa niya sa akin habang winawagayway ang kamay niya sa mukha ko.
"Ha? Ano iyon?"tanong ko, pero ngumiti Lang siya at pinanggigilan ang mukha ko. 
"Uy! Ano ba?"saway ko sa kanya sabay hampas sa kamay niya.
"Ang cute cute mo talaga"sabi pa niya. Napasimangot na Lang ako habang hawak-hawak ang mukha ko.
"Sorry! Masakit ba talaga?"tanong niya sabay tanggal sa kamay ko at tiningnan ang mukha ko.
"Namula nga! Pasensiya ka na ha"sabi pa niya habang tinitingnan parin ang mukha ko. Nakatingin lang ako sa kanya, aware ba siya na sobrang lapit ng mukha namin sa isa't-isa. Ilang beses na bang nangyari ang ganito? Pero hindi parin ako nasasanay. At iyong dibdib ko, sobrang bilis ng tibok, ano bang nangyayari sa akin?
"Uy-"natigilan naman siya sa pagsasalita ng mapansin niyang ang lapit namin sa isa't-isa. Nagkatinginan Lang kami, at Hindi ko alam kung gaano ito katagal. Kita Kong mas nilapit pa niya ang mukha niya sa akin, at sa halip na lumayo ay tila nahypnotized na Lang ako at hinihintay siya...pero bigla kaming natauhan ng biglang tumili ang mga tao.
"Aaaaahhhhh!!"
Napalayo kami sa isa't-isa at napatingin sa screen. Napatungo na Lang ako ng makita ko kung bakit sila tumili. Nasa last part na pala ng movie iyong kiss namin..Napabuga na Lang ako ng hangin, at napahawak sa dibdib ko. Buti na Lang at tumili iyong mga tao dahil kung Hindi! Naku! Hindi ko alam kung ano ang sumapi sa akin. Kainis!!! Kakahiya!!!

-

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Where stories live. Discover now