CHAPTER 162

42 6 0
                                    

ALEX'S P.O.V
Narito na kami sa simbahan, ngayon kasi ang binyag ni Baby. Ibinigay ko muna si Sofia kay MM, para matulungan ko sina Ate Cassy doon sa labas. 
"Kamusta na kayo dito?"tanong ko agad. Ngumiti naman sila at nagthumbs up, para sabihing okay lang sila. Napangiti naman ako
"Maraming salamat sa inyo ha! Sa pagtulong niyo sa amin"pasasalamat ko pa. 
"Wala iyon! Alex! Magkakaibigan tayo eh!"sagot naman ni Pauline. Niyakap ko naman sila. 
"Malapit ng magsimula, nandiyan na ba ang lahat?"tanong ko pa.
"Kasalukuyan palang sinusundo ang mga Napili mong mga ninong at ninang sa mga fans niyo"sagot naman ni ate Cassy. Napatango na lang ako
"Pero malapit na naman sila di ba?"tanong ko ulit.
"Yap! Kakatawag ko lang kay Honey, at ang sabi malapit na daw sila"sagot ulit ni ate Cassy. Napatawa naman ako, hanggang ngayon kasi naloloka parin ako sa kanila ni Jon.
"Ang cute ng endearment niyo"nakangiting sabi ko sa kanya.
"Kayo din naman eh!"sagot naman niya. Natawa na lang ako
"Pero masaya ako para sa inyo ni Jon, bagay na bagay kayo"nakangiting sabi ko.
"Salamat! Hanggang ngayon nga hindi parin ako makapaniwala na kami na! Akala ko kasi, wala na kaming pag-asa. Alam mo naman, baklang-bakla siya"sabi pa ni Ate Cassy.
"Buti na lang pala hindi ka sumuko!"sabi ko.
"Dahil sa inyo iyon! Kayo ang nagbigay ng pag-asa sa akin para hindi sumuko. Sa tuwing nakikita ko kayo ni sisteret ko, nagkakaroon ako ng pag-asa para huwag sumuko"sagot niya.
"Matagal niyo na palang mahal ang isa't-isa. Nagpipigil lang kayo"sabi ko pa
"Ako lang, siya hindi ko alam"sagot ni ate Cassy. Umiling naman ako
"Ayon kay MM, matagal ka na rin daw gusto ni Jon"sagot ko sa kanya.
"So you mean alam ni Sis ang tungkol sa amin, Simula pa lang?"tanong niya. Tumango naman ako
"Yap! Sinabi niya sa akin"sagot ko. Kita ko namang parang namumula siya tapos hindi makapaniwala.
"Nandiyan na sila!!"sigaw ni Pauline para mapatingin kami sa dumating na sasakyan. Nandiyan na ang mga Napili Kong mga Ninong at Ninang.
"Tara!"yaya ko kay ate Cassy, at lumapit sa mga bagong dating.
"Hi! Buti nakarating kayo"bati ko sa kanila. Nahihiyang ngumiti naman sila sa akin. 
"Hello po Ma'am"nakayukong bati nila sa akin. Lumapit naman ako sa kanila at isa-isang niyakap sila.
"Huwag na kayong mahiya sa akin! Alex na lang o made o mars!"sabi ko sa kanila. Ngumiti naman sila
"Kunpleto na ba kayo?"tanong naman ni Ate Cassy sa kanila. Nagkatinginan naman silang lahat.
"Hindi niyo sure? Okay sige! Babanggitin ko iyong pangalan niyo para masigurado natin na kumpleto na kayo"suggest pa ni ate Cassy. Agad naman silang tumango.
"Okay! Sisimulan ko na!"sabi pa niya bago tiningnan ang list.
"Mga ninong! Justine Dela Cruz! At Arr Arr! Nandito?"panimulang tawag niya. May dalawang lalaki naman na lumapit sa amin.
"Hi mga pare! Kamusta? Buti nakarating kayo! Sige na pasok na kayo"sabi pa ni ate Cassy saka kinamayan ang dalawa. Ngumiti naman ako at inihatid sila sa loob. Agad din naman akong bumalik para sa mga ninang.
"Okay sa mga Ninang naman! Angela Lerin! Karla Quitlong Toledo!, Des Morales Oralfo at Tin Tine!"tawag ni Ate Cassy. Agad naman silang lumapit.
"Huwag na kayong mahiya! Sige na lumapit na kayo at congrats"sabi ko at Pinaupo ko muna sila
"Kimberly Palaez, Lubinie Heart Sta Maria Motas at Cassandra Mercado"patuloy ni Ate Cassy, lumapit naman sila at bumati sa akin
"Hi sa inyo"bati ko.
"Lavigne Jade Czech Eman, Chariez Villanueva, Gelay Emmanuel at Allia Macandog"patuloy na tawag ni Ate Cassy. Lumapit naman sila 
"Hello sa inyo, Maraming Salamat sa pagdalo niyo. Tara na sa loob!"yaya ko at nauna ng naglakad sa kanila.
"Salamat po Ma'am!"pasasalamat nila.
"Alex na lang nga ang itawag niyo o hindi kaya Mare o Mars"sabi ko.
"Sige po"sagot pa nila. Ngumiti naman ako sa kanila
"Tanggalin niyo na rin ang po"dagdag ko pa. Tumango naman sila
"Sabihin niyo nga sige Mare!"sabi ko pa. Nagkatinginan naman sila
"Sige Mare"ulit nila, mahinang pumalakpak naman ako at ngumiti sa kanila bago pumasok sa loob.

-

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon