EPILOGUE

159 9 0
                                    

ALEX'S P.O.V

Nagising ako dahil may humahalik sa aking mukha. Kaya dahan-dahan Kong iminulat ang mata ko. At bumungad sa akin ang gwapo Kong asawa.

"Good morning BabyLove" bati niya saka hinalikan ako. Ngumiti naman ako sa kanya

"Good morning din BabyLove" bati ko. Saka tumayo at pumunta sa banyo. Pagkatapos Kong mag-ayos ay lumabas na din ako at nadatnan Kong nandoon pa si MM.

"Ang mga bata?" Tanong ko sa kanya
"Nasa baba" sagot niya. Saka ako inakbayan pababa. Hindi niya ba naalala? Hay naku! Okay lang!

"Bakit? May problema ba?" Tanong niya sa akin, ng mahuli niya akong nakatingin sa kanya. Agad naman akong umiling

"Wala!" Sagot ko. Naglalakad na sana ako papuntang kusina ng hilahin niya ako.

"Hep! Wait lang" sabi niya. Nagulat na lang ako ng nialgyan ako ng blindfold

"Hey para saan ito?" Tanong ko sa kanya.

"Secret! Relax!" Bulong niya sa akin at inalalayan niya akong maglakad. 

"Saan tayo papunta? Nasa kabila ang kusina!" Sabi ko sa kanya.

"Basta nga! Trust me" sagot niya. Maya-maya pa ay tumigil na kami sa paglalakad.

"BabyLove! Tatanggalin ko na ba?" Tanong ko sa kanya.

"Babylove!" Tawag ko sa kanya. Pero Hindi siya umiimik. Kaya agad Kong tinanggal ang blindfold ko. Nakapikit pa ako, Pero dahan-dahan Kong iminulat ang mata ko. Nagtaka ako, bakit ang dilim dito? Nasaan si MM?
"BabyLove!! Ano ba ito?" Tanong ko. Pero walang sumasagot, nagulat na lang ako ng biglang bumukas ang ilaw at iniluwa nito ang panganay Kong si Sofia.
"Hi po Mommy! Happy anniversary po sa inyo ni Daddy!" Bati niya sa amin sabay about ng bulaklak. Napangiti na lang ako at niyakap siya
"Thank you Baby ko" sabi ko. Bumitaw naman siya sa pagkakayakap at biglang tumakbo. Hahabulin ko sana ng bigla ulit namatay ang ilaw.
"Sofia nasaan ka?" Tanong ko. 
"Hi po Mommy!" Rinig Kong bati sa akin. And I know Hindi siya Sofia kung Hindi ang bunso Kong anak.
"Jr" Tawag ko sa kanya. Bumukas naman ulit ang ilaw at iniluwa nito ay si Jr. Yap! Isinunod namin siya sa pangalan ng Daddy niya. 3 years old na siya, samantalang ang ate niya ay six years old.
"Hi po Mommy! Para po sa inyo" sabi niya sabay abot sa akin ng isang medyo di kalakihang box. 
"Baby ano ito?" Tanong ko sa kanya. Ngumiti naman siya
"Open it Mommy! Para makita mo po iyong laman" sagot niya. Muli akong tumingin sa box, tapos bumalik ang tingin sa kanya. Pero bigla na lang siyang nawala. Kaya ibinalik ko na lang ulit ang tingin ko sa box at binuksan ito.
"Ano ba ito?" Tanong ko habang binubuksan ang box.
"OH my!" Gulat na sabi ko, ng makita ko kung anong laman ng box. Kahit nanginginig ang kamay ko ay binuksan ko ito. At Hindi ko napigilang hindi pumatak ang luha ko ng bumungad sa akin ang isang singsing. Napatakip na lang Ako sa bibig ko.
"Do you like it?" Rinig Kong tanong sa akin.
"MM"sambit ko sa pangalan niya
"Yes BabyLove! Happy anniversary" bati niya sa akin. Kasabay ng pagbukas ng ilaw. Lalo namang tumulo ang luha ko ng makita Kong nasa harapan ko siya, nakaluhod habang Nakangiti sa akin
"Hi BabyLove ko! Alam ko na, kasal na tayo! Pero gusto ko ulit na pakasalan ka! And this time saksi na ang mga anak natin." Sabi pa nito.
"MM.." Sambit ko ulit.
"Will you marry me again?, Alex" tanong niya. 
"Yes!" Umiiyak na sagot ko. Agad naman niyang isinuot ang singsing sa kamay ko. At niyakap ako.
"Thank you BabyLove ko! I love you" sabi pa niya
"I love you too" sagot ko. Ngumiti naman siya sabay halik sa akin.
"Hey Mom! Dad! Tama na iyan!" Saway sa amin ni Sofia.,
"Sofia naman eh!" Maktol ng Daddy niya
"Sorry Dad! Pero kain na tayo" yaya pa niya.
"Kahit kailan talaga ate! Ang takaw mo" sabi naman sa kanya ni Jr. Kahit 3 lang siya Pero ang tuwid na siyang magsalita.
"Hoy! Tumahimik ka diyan! If I know! Kanina mo parin gustong kumain! My chubby brother" asar naman ni Sofia sa kapatid niya.
"Hey! Tama na iyan! Baka mag-away pa kayo!" Saway ko sa kanila.
"Okay Mom! Kain na po tayo!" Yaya ulit ni Sofia. At nauna ng tumakbo papuntang sa table.
"Hoy ate! Baka pati ang mga Plato makain mo!" Sigaw sa kanya ni Jr. 
"Che! Baka ikaw pa!" Sagot naman ng ate niya. Napailing na lang kami
"Hay naku! Ang kulit talaga nila" umiiling na sabi ko.
"Hayaan mo na! Bata sila eh!" Sagot naman nitong asawa ko. Kaya kinurot ko siya, Pero tumawa lang siya at niyakap ako. 
"Yabyu!!" Pacute na sabi pa niya.
"Yabyu too" sagot ko. Unti-unti naman niyang nilalapit ang mukha niya ng..
"Dad! Mom! Tara na!" Sigaw ng dalawa! Hay naku! Manang-mana sila sa kanilang ama. 
"Tara na!" Yaya ko Kay MM at hinila siya. Wala na akong mahihiling pa na kahit ano sa buhay ko! Dahil nasa akin na ang lahat. Mabuti at mapagmahal na asawa at makukulit na mga anak.

-

Sa wakas😂

Nailipat ko din😊

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Where stories live. Discover now