CHAPTER 94

68 4 0
                                    

MM'S P.O.V 
Kita kong nagulat siya sa sinabi ko, kaya pinitik ko ang ilong niya
"Hoy! Natulaley ka na diyan! Kinikilig ka no! Charr charr lang iyon no! Baklang ito!!"sabi ko pa. Tiningnan naman niya ako ng masama at laking gulat ko ng bigla niya akong sinapak.
"Aray!!!!"sigaw ko. Ang sakit eh!!
"Buti nga sayo!!! Siraulo ka kasi!!!"sigaw niya sa akin.
"Ano na naman ang ginawa ko? Bakit mo ako sinapak?"tanong ko sa kanya.
"Paasa ka kasi!! Tinaas-taas mo ako tapos bigla mo akong inihulog!!"sagot niya. Ha? Ano raw?
"Ano? Hindi kita gets girl? Pwede pakiexplain?"tanong ko pa. Lalo naman sumama ang tingin niya sa akin.
"Suntok gusto mo?"tanong niya pa. Agad naman akong umiling
"Ayaw!! Gets ko naman"sagot ko.
"Hindi! Sabi mo hindi mo gets eh"pilit pa niya. Umiling-iling naman ako.
"Hindi! Gets ko talaga!"sabi ko pa. Pero ang sama parin talaga ng tingin niya sa akin
"Sorry na! Nagbibiro lang naman ako eh"sabi ko pa. Pero hinampas lang niya ako. 
"Aray!!"reklamo ko pa. Ang amazona talaga nito.
"Sorry na talaga!! Huwag ka ng magalit. Bigyan na lang kita ng cake"sabi ko pa. Bigla naman nagliwanag ang mukha niya. Hayun!!
"Talaga?"tanong niya. Tumango naman ako
"Oo! Kaya huwag ka ng magalit diyan!"sagot ko pa. Ngumiti naman siya..'iba din! Ang bilis magshift ng mood ah'
"Okay! Hindi na ako galit! Bati na tayo"nakangiti niya pang sabi sabay halik sa pisnge ko. Napailing na lang ako sa inasal niya. Kaloka talaga itong babaeng ito.
"Oh siya! Wait lang bibili lang akong cake"paalam ko pa at tumayo na.
"Wait! Sama ako!"sabi naman niya. 
"Huwag na! Wait mo na lang ako"tanggi ko pa. Sumimangot naman siya at parang iiyak. Hala!!
"Oo na! Kasama ka na!"pagsuko ko. Ngumiti naman siya at agad na tumayo.
"Yeheeey!!!"sigaw pa niya. 
"Isip-bata"bulong ko.
"Sinong isip-bata?"biglang tanong niya.
"Ha? Wala! Sabi ko...gusto kong bata"sagot ko. Ngumiti lang naman siya...at nauna ng naglakad palabas. Napailing na lang ako, nangyayari doon?
"Hoy! Bilisan mo naman!!"sabi pa niya sa akin sabay hila sa akin.
"Saglit lang! Hindi naman natin kailangang magmadali eh!"saway ko sa kanya. Pero parang wala siyang narinig kasi patuloy kang siya sa paghila sa akin. Hanggang makarating kami sa baba.
"Saglit lang! Isasara ko lang ang pinto"sabi ko pa. Tumango lang naman siya at nagtatakbo na sa sasakyan. 'Isip-bata talaga'
"Bilis!! Gusto ko ng kumain ng cake!!"sigaw pa niya. Binilisan ko naman ang pagsasarado at baka magtransform na naman siya. Mahirap na!
"Oo heto na po! Nandiyan na!!"sagot ko habang naglalakad papuntang sa sasakyan. Agad naman akong sumakay at pinaandar ang sasakyan. 
"Yeheyy! Excited na ako!! Cake!!cake!!cake!!"sigaw pa niya.
"Para kang bata!! Ganyan ka ba kaexcited kumain ng cake?"tanong ko.
"Yap! Yap! Yap!!"sagot pa niya. Natatawa na lang naman ako.
"Ilang cake ba ang gusto mo?"tanong ko sa kanya. 
"Madami"agad na sagot niya. Napapreno naman ako
"Ano? Madami? Saan mo naman ilalagay iyon?"gulat na tanong ko.
"Kakainin ko lahat iyon!"balewalang sagot niya. Nanlaki naman ang mata ko
"Lahat ng iyon? Grabe! Baka sumakit naman ang tiyan mo! Tama na ang isa!"di makapaniwalang sabi ko pa. Sumimangot naman siya at nagsimula ng humikbi
"Ayaw ko na!!! Balik na lang tayo"parang nagtatampong sabi pa niya. Napabuntong hininga na lang ako at inamo siya.
"Okay! Huwag ka ng malungkot diyan! Payag na ako! Madaming cake na ang bibilihin natin! Kaya smile ka na diyan"pang-aamo ko pa. Tumingin naman siya sa akin
"Talaga?"tanong niya. Ngumiti naman ako at tumango
"Oo"sagot ko. 
"Yehey!!! Thank you so much baby"nakangiti niya pang sabi sabay yakap sa akin. Napailing na lang ako at pinaandar na muli ang sasakyan. 
'Cake lang pala ang magpapaamo dito eh'
"Oh! Bakit nakangiti ka diyan ha? Sinong iniisip mo? Iyong babae mo?"biglang tanong niya.
"Ha? Hindi ah!"sagot ko.
"Eh bakit nakangiti ka diyan? Siguro may iba kang iniisip no?"tanong pa niya. Hala!! Ano raw? 
"Wala nga! Masama na bang ngumiti ngayon?"tanong ko naman.
"Hindi naman! Nagiging masama lang ito kung iba ang iniisip mo kaya ka nakangiti diyan!"sagot naman niya. Natawa na lang ako..ibang klase talaga itong baabeng ito!! Ang bilis magpalit ng mood!!
"Wala nga akong ibang iniisip! Ikaw lang!"sagot ko. Lumingon naman ako sa kanya at ngumiti. Kita ko namang namula siya, hala siya! Kinikilig na naman!
"Sigurado ka?"tanong pa niya.
"Oo nga! Siguradong-sigurado"sagot ko. Ngumiti lang naman siya. 
"Mabuti kung ganun! Maganda na ang malinaw"rinig ko pang sabi niya. Natawa na akng ako at hinayaan na lang siya...

-

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Where stories live. Discover now