CHAPTER 153

38 6 0
                                    

MM'S P.O.V
Ngayon ang labas sa Hospital ng mag-ina ko. Kaya heto inaayos na namin ang mga gamit nila. Buti nga at kakaunti na lang ang aayusin namin. Dahil na padala na namin sa bahay ang iba. Grabe naman kasi iyong mga dumadalaw sa kanila! Gusto yatang punuin ang buong kwarto nila ng regalo eh. 
"Mukhang excited na si Baby Sofia
na umuwi"biglang sabi ni Alex. Kaya napatingin ako sa kanya.
"Hindi lang naman si Baby eh! Kahit ako excited narin. Sa wakas, wala ng manggugulo sa atin"sagot ko kaya natawa siya.
"Loko ka talaga! Patay ka sa kanila kapag narinig ka"natatawang sabi niya.
"Eh ano kung marinig nila! Totoo naman ang sinabi ko eh!"sagot ko, saka lumapit sa kanila.
"Baby..sa wakas masosolo ka narin nina Mommy at Daddy"paglalaro ko pa kay Sofia.
"At sino namang may sabi sayo? FYI. Sasama po kami"
Napalingon naman kami sa may pinto kung saan naroon sila.
"Anong ginagawa niyo dito?"agad na tanong ko. Ngumiti lang naman sila
"Ano pa? Eh di sinusundo kayo! Ang tagal niyo kasi eh! Kaya pinapunta na kami dito nina tito at tita"sagot pa ni Cassy. Inirapan ko lang sila
"Tara na Alex! Hayaan na natin sila diyan sa mga gamit niyo"pagyaya ko pa kay Alex. Agad ko silang inalalayan.
"Hep! Hep! Anong sabi mo? Kami ang bahala? No way!"pagtanggi naman ni Jon.
"Wala akong pakialam kung ayaw niyo! Basta! Kayo na ang bahala sa mga iyan!"sabi ko pa saka tuluyan ng lumabas.
"Hoy!!!"pagtawag pa nila pero dire-diretso lang kami.
"Ang loko mo talaga! Kawawa naman sila oh!"sabi pa ni Alex. Pero ngumiti lang ako sa kanya
"Hayaan mo sila! Kaya naman sila pumunta dito ay para tulungan tayo!"sagot ko.
"Pero nakakahiya parin sa kanila! Lalo na't mga gamit naman iyon ni Baby"sabi pa ni Alex. 
"Huwag mo iyong isipin! Okay lang iyon sa kanila! Kaya Tara na!"yaya ko pa
"Pero tulungan na muna natin sila!"sabi pa niya. Kaya napailing na lang ako
"Hay! Kaya na nila iyon! Kaya mabuti pa ay Tara na! Baka maabutan pa nila tayo eh!"pagyaya ko pa sa kanya. Sabay kuha kay baby Sofia.
"Sira ka ba! Malamang maaabutan nila tayo! Eh iisa lang naman tayo ng pupuntahan eh!"natatawang sabi pa niya. Napangiti naman ako
"Akala mo lang iyon!"nakangiting sabi ko pa. Napakunot naman ang noo niya
"Ha? Anong ibig mong sabihin?"tanong niya. 
"Hindi tayo uuwi sa bahay natin dati!"sagot ko. Lalo naman siyang nagtaka
"Ha? Eh saan tayo uuwi?"tanong niya.
"Sa bago nating bahay!"sagot ko.
"What??? Bagong bahay? May bago tayong bahay?"gulat na tanong pa niya. Tumango naman ako
"Oo! May bago tayong bahay! At doon tayo tutuloy ngayon!"nakangiti Kong sagot.
"Pero teka! Paano ang mga gamit natin? Paano sila? Hindi ba natin sasabihinsa kanila? Baka magalit sila?"sunod-sunod pa niyamg tanong.
"Dami mo namang tanong eh! Huwag mo ng alalahanin ang gamit natin! Okay na iyon! Kung sila naman ang inalala mo! Don't worry sasabihin ko naman sa kanila eh! Hindi lang ngayon!"sagot ko.
"Pero baka magtaka sila?"tanong pa niya.
"Saka na natin isipin iyon! Basta Tara na!"yaya ko pa sa kanya.
"Eh paano sila?"tanong niya pa ulit. Kaya napailing na lang ako
"Kulit mo talaga! Hay naku! Tara na! Huwag mo ng isipin iyon!"sabi ko pa.
"Look oh si baby nakatulog na!"sabi ko pa sabay turo kay baby. Napabuntong-hininga naman siya.
"Hay! Sige na nga! Tara na!"pagsuko niya. Napangiti na lang ako, hay salamat. Agad kaming naglakad papunta sa parking lot. 
"Dahan-dahan lang!"paalala ko pa habang inaalalayan silang makapasok.
"Thank you"nakangiting sabi pa niya. Kinindatan ko lang siya at agad narin umikot para sumakay din.
"Ready?"tanong ko pa. Tumango naman siya
"Ready! Ready na kami ni baby"sagot niya. Ngumiti lang naman ako at agad na pinaandar ang sasakyan. New house!!! Here we come!!!!

-

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora