CHAPTER 89

59 4 0
                                    

MM'S P.O.V
Hanggang ngayon natatawa parin ako, sa reaction ni Alex. Nakakatawa talaga siya! Ang sarap asarin!! 
"Alam mo meme! Para kang baliw!"biglang sabi sa akin ni Jon. Kaya sinamaan ko naman siya ng tingin.
"Mas baliw ka!!"ganti ko sa kanya.
"Mas ka!! Kasi nakangiti ka diyang mag-isa!"sabi pa niya. Pero inirapan ko lang siya at uminom na lang. Nandito kasi kami ngayon sa Bar. Nagyaya silang tatlo, at dahil namiss ko din ang rumampa kaya sumama ako sa kanila. Hindi na ako nagpaalam kay Alex, alam ko naman na galit parin siya sa akin eh!! Hahahaha! Pikon talaga ang babaeng iyon!! Kaya ang sarap asarin!!!
"Baliw na nga!!"rinig kong sabi pa nila habang umiiling. 
"Alam niyo! Uminom na lang kayo! O hindi kaya ay sumayaw kayo doon! Kaysa ako ang pansinin niyo!!"suggest ko sa kanila. Pero tumawa lang sila sabay tayo.
"May tama ka diyan meme! Diyan ka muna ha! Aawra lang kami!!"paalam pa nila sabay alis. Napailing na lang ako at uminom na lang. Habang tahimik naman akong umiinom ay biglang may lumapit sa akin.
"Hi!"nakangiting bati niya. Tiningnan ko naman siya. Sino naman ang isang ito? Pero infairness may itsura siya.
"Hi din!!"walang ganang sagot ko at bumalik na ulit sa iniinom ko. Umupo naman siya sa tabi ko. Wow! Feeling close si ateh!!!
"Dito muna ako ha!"sabi pa niya. Pero hindi ko na lang siya pinansin. Umisod naman ako ng konti palayo sa kanya, pero umisod din siya palapit sa akin. 'Aba!! Kaloka si girl ha!!"
"Ikaw si MM di ba?"tanong pa niya. Tumango lang naman ako 
"Ako naman si Jessica"pagpapakilala pa niya sabay lahad ng kamay sa akin. Tiningnan ko lang naman ito. Ngumiti na lang ako at tumango sa kanya. Hindi ako kampante sa babaeng ito! Masama ang pakiramdam ko.
"Ang tahimik mo naman!"sabi pa niya sabay hampas ng mahina sa akin. Agad naman akong lumayo sa kanya at tiningnan siya
"Excuse me miss ha! Ayaw kong sungitan ka! Pero huwag ka sanang feeling close diyan!"sabi ko at tipid na ngumiti. Nagulat naman ako ng bigla siyang kumapit sa akin.
"Ikaw naman! Ang sungit mo! Pero okay lang! Lalo ka namang gumagwapo sa paningin ko!"sabi pa niya. Agad ko naman siyang itinulak palayo
"Ano ba miss!!! Lumayo-layo ka nga!! Kadiri ka!!"pagtatarayko. Kaimbiyerna itong babaeng ito! Kainis!!
"Grabe ka naman! Kadiri talaga? Sa ganda kong ito? Kadiri para sayo!"malanding sabi niya. Ang landi!! At ano raw? Maganda? Yuck!! 
"Wow miss!! Iba ka din eh!! Laki ng tiwala sa sarili!! Pero hinay-hinay lang!!"sagot ko sa kanya. Pero ngumiti lang siya sa akin 
"Alam mo gusto na kita!"nakangiti niya pang sabi
"Pwes! Alam mo hindi kita gusto!! Kaya kondting distansya lang ha!! Baka hindi ako makapagpigil masampal kita!"pagsusungit ko pa.
"Alam kong hindi mo gagawin iyon! Kasi ang daming tao dito!"malanding sabi pa niya sabay kapit ulit sa akin. Ano ba naman itong babaeng ito!! Sasamain na ito sa akin!! Konting-konti na lang!
"Ano ba miss!!! Bitaw nga!! Sasamain ka na talaga sa akin!! Konting-konti na lang!!"pagbabanta ko pa. 
"Ganyan ka ba talaga? Sobrang sungit?"tanong niya sa akin. Inirapan ko naman siya
"Hindi naman! Sayo lang!"masungit na sabi ko. Agad naman akong kumuha ng alak at ininom ito. 
"Painom din ako"sabi pa niya sabay agaw ng iniinom ko. Tiningnan ko naman siya ng masama. Pero ngumiti lang siya
"Pampalakas ng loob"sabi pa niya. Napakunot naman ang noo ko
"Para saan?"tanong ko sa kanya. Naglean naman siya akin. 
"Hoy! Anong ginagawa mo?"tanong ko sa kanya.
"Sorry ha! Napag-utusan lang ako! Dare kasi ito!"sabi pa niya. Bago pa ako makapagsalita ulit ay bigla naman niya akong hinalikan. Agad ko naman siyang itinulak
"Ano ba miss!!! Siraulo ka!! Bakit mo ginawa iyon!!!"galit na sigaw ko sa kanya sabay punas sa labi ko. Agad naman lumapit sa akin ang mga beks.
"Anyayare dito meme? Bakit ka sumisigaw?"tanong pa nila.
"Paano kasi itong buwesit na babaeng ito!! Sobrang landi!! Lumapit sa akin tapos hinalikan ako!!"galit na galit na sigaw ko pa habang masamang nakatingin sa kanya. Wala akong pakialam kung maraming nakakakita at nakakarinig sa amin. Basta gusto ko lang ilabas ang galit ko sa buwesit na babaeng ito! 
"Meme! Relax ka lang! Ang daming nakatingin oh!"pagpapakalma pa sa akin ni Jon.
"Wala akong paki!"sagot ko. 
"Pero meme!"sabi pa nila. Sinamaan ko lang sila ng tingin kaya natahimik na lang sila.
"Kakasuhan kitang babae ka!!"galit na sabi ko pa. Nakayuko lang siya at halatang umiiyak
"Sorry po! Hindi ko naman po gustong gawin iyon eh! Napag-utusan lang po ako"umiiyak na sabi naman niya. 
"Sinong nag-utos sayo?"tanong ko. Agad naman siyang luminga-linga para hanapin siguro ang mga kasama niya. Makakatikim sa akin ang mga buwesit na iyon!
"Nasaan sila?"tanong ko pa.
"Nakaalis na po yata sila"nakayukong sagot nito. Lalo naman akong nainis!! Akala naman nila makakaligtas sila sa akin! Hindi ko papalampasin ito.
"Kunin niyo ang pangalan ng mga buwesit na iyon! At agad na ipahanap niyo! Hindi ko papalampasin ito!!"gigil na gigil na sabi ko pa. Agad naman tumango ang tatlo. 
"Okay po meme!"sagot pa nila. Agad na rin akong umalis pero bago ko pala makalimutan. 
"Icheck niyo din ang cp at camera ng mga taong nandito! Bago sila paalisin! Siguraduhin niyong hindi makakalabas ang nangyaring ito! Lalo na ang paghalik sa akin ng buwesit na babaeng iyan!!"bilin ko pa bago umalis. Agad akong sumakay sa sasakyan ko at doon nagwala.
"Buwesit!!!!!"sigaw ko pa. Hindi na sana ako pumayag na sumama sa kanila!! Kainis!!. Agad ko namang pinaandar ang sasakyan ko. 
'Huwag sana itong makarating kay Alex! Dahil siguradong lagot ako'

-

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Where stories live. Discover now