CHAPTER 152

41 7 0
                                    

ALEX'S P.O.V
Medyo nakakabawi na ako ng lakas. At excited na talaga akong makita ang baby namin. Gusto ko na talaga siyang makarga!
"Kulit mo talaga! Sabi Kong matulog ka muna! Eh?"umiiling na sabi pa ni MM. Ngumiti na naman ako sa kanya at umayos ng upo,
"Hindi na kasi ako inaantok eh! Matagal pa bang dadalhin dito si Baby?"tanong ko sa kanya. 
"I think dadalhin na siya ngayon"nakangiti niyang sagot. Lalo naman lumaki ang ngiti ko
"Talaga? Yes!! Excited na akong makita siya!"masayang sabi ko.
(Tok..tok..tok..)
Rinig naming may kumakatok kaya agad naglakad si MM sa may pinto, para buksan ito.
"Anong ginagawa niyo dito?"mataray na tanong ni MM kaya napakunot ang noo ko
"Sino iyan?"tanong ko. Nagulat na lang ako ng pumasok sina mama, papa, ate, nanay, at ang mga kaibigan namin
"Nalaman kasi namin na dadalhin na dito si Baby kaya nagpunta na kami dito"sagot naman ni Nanay. Kita Kong napasimangot si MM. Hahaha! Sira ang Plano niya!
"Ay, Princes!! Kamusta ka na?"tanong naman sa akin ni Mama. Ngumiti naman ako
"Okay na po ako"sagot ko.
"Hi bes!! Ang Ganda ng baby niyo!"sabi naman nina Pauline! At Lexi. Ngumiti naman ako
"Thank you"nakangiting sabi ko
"Manang-mana sayo!"dagdag pa ni Lexi.
"Hoy! Hoy! Sabi niyo kamukha ko siya!"sabat naman ni MM.
"Nagbago na ang isip namin! Kamukha pala siya ni Alex"pang-aasar pa ni Jon.
"Kamukha namin!"madiin na sabi naman ni MM.
"Ni Alex lang sis!"natatawang sabi pa ni Ate Cassy. 
"Mga buwesit kayo!! Lumabas nga kayo dito!"pagtataboy pa niya. Kaya di ko na napigilan hindi matawa.
"Stop na baby!! Hayaan mo na sila! Inaasar ka lang nila!"saway ko pa kay MM. Lumapit naman si MM sa akin
"Baby, sila oh! Inaaway ako"parang batang sabi pa niya. Kaya hindi ko na pigilang pisilin ang pisnge niya.
"Aray naman baby! Nakapanganak ka na sukat! Ganyan ka parin"reklamo pa niya. Kaya hinalkan ko na lang ang pisnge niya.
"Oh hayan huwag ka ng masad diyan! Pabayaan mo na sila"nakangiting sabi ko pa. Ngumuso lang naman siya, kaya kiniss ko siya pero smack lang.
"Aray...ouch!!! Ang daming langgam!"
Rinig naming sabi nila kaya natawa na lang kami. Pero napadako ang Mata namin sa pinto ng biglang nagbukas ito.
"Hello po..nandito na po si baby"sabi pa ng nurse, inabot sa akin. 
"Thank you"pasasalamat ko pa sabay tingin sa baby ko. 
"Ang Ganda niya"naiiyak na sabi ko, habang nakatingin sa kanya. 
"Sobra! Manang-mana sayo"sagot naman ni MM, kaya napatingin ako sa kanya.
"Kuhang-kuha niya ang mukha Mo oh!"sabi pa niya.
"Pero iyong ilong sayo"sagot ko. Natawa naman siya
"Buti na lang at may namana sa akin"sabi pa niya.
"Anak pwede pabuhat ako"sabi ni Nanay
"Ako din Princes"sabi naman ni mama at papa
"Tapos kami din"sabi pa nila. Tinapik naman ni MM ang mga kamay nila
"Hep! Balak niyo bang lamugin ang anak ko! Ano ito? Pasa-pasahan?"pagtataray pa ni MM. Kaya napailing na lang ako
"Ang damot mo naman! Pahiram lang?"reklamo naman ni Ate Cassy.
"Excuse me! Hindi siya sa laruan"sabi pa ni MM. Ngumiti na lang ako at ibinigay si Baby kay Nanay.
"Ang Ganda niya talagang bata"puri pa nila. 
"Mana kasi sa amin"sagot naman ni MM.
"Hay naku iho! Bahala ka diyan!"sabi naman ni papa.
"Ay oo nga pala! May naisip na ba kayong pangalan niya?"pagtatanong naman ni Mama. Nagkatinginan naman kami ni MM, sabay ngiti.
"Meron na po"sabay naming sagot
"Ano iyon?"tanong nila. Ngumiti muna ako sa kanila bago sumagot..
"Sofia Nicole Roxas Garcia"

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon