CHAPTER 171

39 6 0
                                    

CHAPTER 171
ALEX'S P.O.V
At tulad ng tradisyon, na gustong baguhin ni MM. Pero Hindi siya nagwagi, kaya nandito kami ngayon sa Reception. At kaabay ko ngayon ang aking asawa na parang ang laki ng problema. Pero huwag niyo na po siyang intindihin! Dahil matatawa lang kayo sa kanya, kapag malaman niyo kung anong problema ng isang ito.
"Ang dami naman nilang sinasabi...kakainip" 
Hay naku! Hindi po ako iyan! Si MM po iyan. Di ba? Nakakaloka?
"MM! Pwede ba! Makinig ka na lang! Si Nanay na ang nagsasalita oh!" Saway ko sa kanya.
"Tsk...puro kadramahan lang naman ang sinasabi nila eh! Mabuti pang pumunta na lang sa kwarto!" Reklamo ulit niya. 
"MM! Isa pa!" Banta ko sa kanya. Pero habang lang lalo ang nguso niya.
"Naman eh! Tara na nga lang sa kwarto!" Pilit pa niya.
"Manahimik ka diyan! Pamaya na!" Sagot ko sa kanya.
"Kakainip naman kasi! Ang dami nilang sinasabi!" Patuloy na reklamo niya.
"Oh! Anong nangyari sa mukha mo meme! Bagong kasal pero napasimangot na kaagad" natatawang sabi naman ni Jon. 
"Hay naku! Jon! Alam mo na kung bakit ganyan iyan!" Sagot ko Kay Jon.
"Ah! Nagyayaya na sa kwarto?" Tanong niya.
"Tumpak!" Sagot ko na ikinatawa niya.
"Grabe ka naman meme! Wala ka yatang alam na ginagawa after ikasal kung Hindi ang honeymoon eh" tukso pa ni Jon Kay MM. 
"Eh iyon lang ang alam ko eh" sagot naman ni MM
"Naku meme! Hintay-hintay lang" sabi pa ni Jon.
"Ano pa nga ba" walang emosyong sabi ni MM.
"Oh siya! Congrats! Uli sa inyong dalawa! Alis muna ako, hanapin ko muna ang honey ko" paalam pa niya.
"Sige salamat" sagot ko 
"Wait Jon!" Pagtawag naman sa kanya ni MM
"Bakit?" Tanong niya. Dalawa kaming nakatingin Kay MM at hinihintay ang sasabihin nito.
"Bago ka umalis, may ipapagawa muna ako sayo" sabi pa ni MM.
"Ano iyon?" Tanong ko. Ngumiti naman siya
"Ano iyong ipapagawa mo sa akin meme?" Tanong din ni Jon.
"Simple lang!" Sagot niya.
"Ano nga?" Sabay naming tanong ni Jon.
"Gusto ko ma kuhanin mo ang mic. At ikaw ang manguna para magkiss kaming dalawa" utos pa niya. Ano raw?
"Alam mo MM! Puro ka talaga kalokohan! Ewan ko sayo" sagot ko.
"Hay naku Meme! Para lang sira diyan! Bahala ka nga" sagot naman ni Jon. 
"Dali na kasi! Para Hindi naman nakakainip"sabi pa ni MM. Napailing na lang ako sa mga kalokohan ng asawa ko.
"Sorry meme! Pe.ro walang ganun ngayon. Pinagbawal nila"sagot nito sabay turo kina mama
"What? Bakit nila pinagbawal? Eh kasama naman iyo sa kasal ah,!" Agad na tanong ni MM.
"Yeah! Pero huwag na daw kasi kilala ka na namin" sabi pa niya. Lalo namang napasimangot ang mukha ni MM.
"Mga buwesit talaga kayo!" Inis na sabi ni MM. Hinawakan ko naman ang kamay niya
"Hey! Relax! Don't worry! Pamaya magpapaalam na ako sa kanila" sabi ko sa kanya. Bigla namang nagliwanag ang mukha niya
"Talaga?"tanong niya. Tumango naman ako
"Yap! Kaya tiis ka na lang ng konti! Ienjoy na muna natin ito" sabi ko pa
"Okay! Basta ha! Pamaya ha! Magpapaalam ka na" ulit pa niya
"Oo nga!" Sagot ko saka ngumiti sa kanya
"Thank you BabyLove ko!" Masayang sabi niya saka yumakap sa akin.
"I love you! I love you! I love you!" Sabi pa nito. Kung gaano karami ang "I love you" niya ganun din karami ang halik niya
"Paraparaan ka talaga ano" natatawang sabi ko pa. Habang maglapat ang aming noo.
"Ganun talaga! Ang daming kontrabida sa atin eh!" Pilyong sagot niya kaya kinurot ko siya.
"Loko ka talaga! Marinig ka nila" sabi ko pa.
"Hindi iyan! Busy sila eh! Tingnan mo! Walang nakakapansin sa atin" sagot niya.
"At sinong may sabi sa inyo?rinig namin kaya naglayo kami. At gulat na lang namin ng makitang lahat sila ay nakatingin sa amin. Nakaramdam ako ng hiya, Pero bigla na lang silang pumalakpak. 
"Kiss! Kiss! Kiss!" Sigaw nila.
"Paano ba iyan! Kiss daw! Ang Tagalog Kong hinintay ito" bulong pa niya sa akin bago ako hinigit at mabilis na hinalikan.

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Where stories live. Discover now