CHAPTER 158

39 6 0
                                    


MM'S P.O.V
Tahimik lang kaming lahat at pinapakiramdaman ang dalawa. Natatawa na lang ako habang nakatingin sa dalawa na umaarteng walang nangyari.
"I started a kiss🎶🎶" pagkanta ko dahilan para mapatingin sila sa akin. Agad naman akong nagpeace sign.
"Hehehe..sorry! Joke pala iyon" sabi ko pa. 
"I started a joke🎶" pagtatama ko. Inirapan lang naman ako ng dalawa. Pasimpleng kinurot naman ako ni Alex. 
"Puro ka talaga kalokohan!" Sabi pa niya sa akin. Samantalang ang apat naman ay mahinang tumatawa. Kaya sinaway sila ni Alex. 
"Sorry" sabi pa nila at natahimik na ulit kami. Pero alam niyo naman, di ako sanay na tahimik ang paligid ko. 
"Sobrang tahimik! Magsound na lang tayo" sabi ko pa
"Tama ka meme! Ang tahimik! Hindi ako sanay"sagot naman nina RC at Rhian. Tumango naman ako at naghanap ng kanta. Sa kakascroll ko ay may napansin akong kanta na palagay ko'y magugustuhan nila
"Ayan may nahanap na ako" tuwang-tuwang sabi ko pa sabay play. Agad Kong nilagay sa chorus para maganda.
"I kissed a girl and I like it🎶🎶🎶" pagsabay ko pa sa kanta. Sumabay din naman ang apat. Samantalang si Alex naman ay kinuha ang cp ko at pinatay ito.
"Bakit mo pinatay?" Tanong ko. Tiningnan naman niya ako ng masama
"Isa pa! Makakatikim ka na talaga sa akin!" Banta pa niya kaya nanahimik na lang ako at itinago ang cp ko. Napatingin naman ako sa dalawa na deadma ang sa mga pinaggagawa namin.
"Guys!!!" Pagtawag naman sa amin ni Pauline
"Bakit?" Tanong ko.
"Ireremake daw ang 'started with a kiss'" sagot niya, habang nagpipigil ng tawa. Ako naman Hindi makatawa dahil sigurado akong patay ako Kay Alex
"Talaga? Sino daw gaganap? Sila?" Mapang-asar na tanong ni RC sabay turo sa Dalawa. Na halatang naasar na pero pinipigilan lang
"Pwede ba guys!! Manahimik kayo! Nandito tayo para mag-asikaso ng binyag ni Baby Sofia. Hindi para magdaldalan diyan"sigaw ni Jon. Dahilan para nanahimik kami.
"Hayan! Kayo kasi!" Sabi pa ni Alex
"Sorry" sabay-sabay naming sabi
"Time-out muna tayo guys! Kumain muna tayo" pagyaya ko. 
"Yun naman! Gusto namin iyan!" Sagot nila maliban Kay Alex, Jon at Cassy.
"Ikaw BabyLove?" Tanong ko. Tumango lang naman siya. Bumaling naman ako sa dalawa
"Kayo? Saka ba kayo? Kain muna tayo" yaya ko sa kanila. 
"Sige! Tara!" Sabay nilang sagot. Pilit ko namang pinigilan ang sarili ko na huwag magreact.
"Okay! Tara na!" Yaya ko pa sa kanila.
"Tara!!" Sabay-sabay nilang sabi. Napadako naman ang mata namin sa dalawa na sabay na tumayo. At dahil sa pag-iiwasan nila, lalo silang nagkasalubong. 
"Guys! Maiwan na muna namin kayo" paalam pa namin saka umalis. Pagkalabas naman namin, doon kami tumawa. Pati si Alex na kaninang sumasaway sa amin ay nakitawa na din.
"Nakakatawa sila!! Hahaha!!" Tawang-tawang sabi ni Lexi.
"Oo nga! Pero aminin niyo! Bagay sila!!"sabi ko pa. 
"Oo nga!! Bagay na bagay sila!" Sang-ayon nila.
"Pustahan tayo, magiging sila din!" Sabi pa ni Pauline
"Hindi na natin kailangang pagpustahan. Dahil pare-pareho naman tayo ng inaasahan" sagot naman ni Lexi.
"Tama!! May tama ka diyan!" Sagot naman ni RC.
"Hoy! Guys! Tama na iyan, baka madatnan nila tayo!" Sabi naman ni Alex.
"Naku! Baka pamaya pa ang mga iyon! Mukhang naglalaban pa sila ng titigan challenge eh"sagot naman ni Pauline
"Oh baka naman may part two pa iyong nangyari kanina" sagot ko naman. 
"Wait! Silipin kaya natin sila"yaya naman ni Lexi.
"Sige! Ihanda ang mga Cp!" Sagot ko at nauna ng naglakad.
"Hoy! MM bumalik ka nga dito!!" Tawag sa akin ni Alex pero hinila ko lang siya at sinabihang huwag maingay. Dahan-dahan kaming naglakad papasok.
"Handa na ba ang mga camera niyo?" Tanong ko. Tumango naman sila at nagthumbs-up.
"Ready na!" Sagot nila. Ngumiti lang ako at dahan-dahan kaming sumilip. Nanlaki naman ang mata namin sa nakita namin.
"OH MY GOSH!!!"

-

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon