CHAPTER 166

38 5 0
                                    

CHAPTER 166
ALEX'S P.O.V
Nandito lang ako sa bahay, binabantayan si baby Sofia. Hindi ko naman maiwasang malungkot. Miss na miss ko na si MM. Ilang araw na naming Hindi nakikita ang isa't-isa. Ewan ko nga ba sa mga magulang namin at kailangan pang gawin ito? Ngayon pa sila naging kontrabida! Eh may anak na kami! At ikakasal na! Hay naku! Miss ko na talaga ang BabyLove ko! Napatingin naman ako Kay Sofia na himbing na himbing sa pagtulog sa crib niya.
"Hi baby! Buti ka pa! Ang himbing ng tulog mo! Samantalang si Mommy! Hindi nakatulog sa kakaisip Kay Daddy mo! Miss mo na ba rin siya? Kasi ako miss na miss ko na siya" kausap ko pa sa kanya.
"Miss na miss na din kita"
Natigilan naman ako ng marinig ko iyon. Hindi ako pwedeng magkamali, si MM ito! Gulat na Lumingon naman ako sa kanya
"MM" di makapaniwalang sabi ko. 
"Hi BabyLove ko" sabi niya. Kaya hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon at niyakap siya.
"I miss you so much" umiiyak na sabi ko. 
"I miss you too BabyLove" sagot niya. At mas hinigpitan pa ang yakap sa akin. Pero wait! Paano siya nakapasok? Agad akong kumalas sa pagkakayakap at tumingin sa kanya.
"Teka! Paano ka nakapasok? Di ba basal tayong magkita? Baka mapagalitan ka Nina mama at papa!" Tanong ko sa kanya. Ngumiti naman siya.
"Shhh...baka magising si Baby" sabi niya sa akin. Oo nga pala!
"Sorry! Pero sagutin mo na ang tanong ko!" Sabi ko pa sa kanya. 
"Huwag kang mag-alala! Sina mama at papa ang nag papasok sa akin dito"sagot niya. 
"What? Pero paano nangyari iyon?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. Niyaya naman niya muna akong umupo bago sumagot.
"Nakiusap ako sa kanila, na kung pwede makita kita. Miss na miss na kasi kita eh! Gusto na kitang makita, hindi ko na kayang hindi kita nakikita kaya nagmakaawa ako sa kanila na payagan akong puntahan ka. Noong una nga, ayaw pa nila. Pero lumuhod at nagmakaawa ako sa harapan nila para payagan nila akong makita ka. Buti na lang at naawa sila at heto ako ngayon!" Pagkukuwento niya. Pagkarinig ko noon, agad ko siyang niyakap.
"Thank you" nasabi ko na lang habang sinisiksik ang mukha ko sa kanya.
"Ehemm..BabyLove" pagtawag niya. Kaya inangat ko ang tingin sa kanya.
"Bakit?" Tanong ko.
"Eh kasi..masyado kang malapit! Baka may magising"sagot niya. Napakunot naman ang noo ko
"Ha?" Tumingin naman ako Kay Baby Sofia na mahimbing na natutulog.
"Tulog na tulog naman siya eh!" Sabi ko. 
"Hindi iyon!" Sagot niya
"Eh ano?" Tanong ko ulit. Ngumuso naman siya pababa. Kaya agad ko itong tiningnan. Napalayo naman ako sa kanya ng konti.
"Sorry" nahihiyang sabi ko. Huminga naman siya ng malalim na parang nagpapakalma.
"Muntik na siyang magalit" sabi pa niya
"Buti na lang at napakiusapan" sagot ko. Kaya natawa siya
"Oo nga! Kasi kung Hindi! Patay tayo kina mama at papa! Nangako kasi ako sa kanila na wala tayong gagawing labag sa batas nila" sabi pa niya. Kaya ako naman ang natawa 
"Sira! Pero tama ka! Kaya nga tayo pinaghiwalay eh! Dahil sa issue na iyan! Baka daw Hindi matuloy ang kasal! Dahil baka daw pamaya buntis na naman ako! Di ba ang grabe nila mag-isip?" Sabi ko pa.
"Nagtaka ka pa! Alam mo naman na advance silang mag-isip eh!" Natatawang sabi naman niya saka niyakap ako ulit. At sabay kaming nahiga
"Ehem! Bawal ang humiga! Mahirap na!"rinig namin ni MM. Sure akong si Mama ito! Napailing na lang ako at bumangon na kami
"Nasa labas pala sila" bulong pa sa akin ni MM. 
"Oo nga! Baka binabantayan tayo"bulong ko din.
"Tara! Asarin natin sila!" Bulong pa niya. Kaya hinampas ko siya
"Baliw ka talaga! Baka magalit sila!" Sabi ko pa. Tumawa lang naman siya
"Makita lang kasi nila na may ginagawa tayo! Agad silang papasok" tumatawang sabi pa niya.
"Kaya nga eh! Baka lalo nila tayong paglayuin" sabi ko pa.
"Matagal pa naman ang kasal natin" dagdag ko pa.
"Hshsjhsusiksksksuqyqow" ha? Ano raw?
"Anong sabi mo?" Tanong ko sa kanya. Ngumiti lang naman siya at inakbayan ako at pinahilig ang ulo ko sa balikat niya.
"Hindi na ako makapaghintay na ikasal sayo" sabi pa niya sa akin. Ramdam Kong hinalkan niya ako sa may noo ko. Kaya napapikit na lang ako
"Hindi narin ako makapaghintay na makasama kayo ulit sa bahay" sabi niya ulit at hinalikan ako sa may noo ko. Napangiti na lang ako at tumingin sa kanya.
"I love you" sabi ko saka tinawid ang pagitan namin at hinalikan siya. Kita Kong nagulat siya. Alam Kong nandiyan lang sa labas sina mama at papa. Pero kiss lang naman eh.
"Ikaw talaga! Buti na lang at mukhang Hindi nila nakita"nakangiting sabi niya sabay pingot ng ilong ko. Napanguso na lang ako at hinawakan ang ilong ko. Mabilis na hinalikan naman niya ako ulit.
"Tigas din talaga ng ulo niyo" rinig naming sabi ni mama. Kaya dahan-dahan kaming Napalingon sa kanila sabay peace sign.
"Sorry po" nasabi na lang namin.

-

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon