CHAPTER 141

56 5 0
                                    

CHAPTER 141
ALEX'S P.O.V
Ang bilis lumipas ang araw at buwan. At kasabay ng pagbilis ng takbo ng araw, ay ang paglaki ng tiyan ko. At masasabi kong sadyang tumaba ako. Pero hindi naman ako natatakot na maghanap ng iba si MM kasi may tiwala ako sa kanya na hindi niya iyon gagawin. Sobrang mahal kaya ako noon! At subukan niya lang talagang maghanap ng iba! Sisiguraduhin kong may kakalagyan siya.
"Baby!!!! Tapos ka na ba?"rinig Kong sigaw ni MM. Agad naman akong nag-ayos bago sumagot.
"Yes baby! Okay na ako"sagot ko. Nagbukas naman ang pinto, at pumasok si MM.
"Ang sexy mo parin kahit buntis ka"nakangiting puri niya. Napangiti naman ako at lumapit sa kanya, para pisilin ang ilong niya.
"Ang galing mo talaga mambola kahit kailan!"nakangiting sabi ko sa kanya. Agad naman niyang sinakwit ang kamay niya sa baywang ko.
"Kahit kailan hindi kita binola! Nagsasabi lang ako ng totoo"sagot naman niya. 
"Oo na! Ikaw na!"pagsuko ko na lang.
"Ano Tara na?"pagyaya ko pa. Tumango naman siya
"Tara! Kanina pa sila nag-iintay eh"sagot naman niya. Napakunot naman ang noo ko.
"Sila?"tanong ko
"Yap! Sila"sagot niya.
"Sinong sila?"tanong ko pa.
"Lahat sila"sagot niya. Nanlaki naman ang Mata ko.
"What? Lahat sila sasama sa atin?"gulat na tanong ko. Natatawa naman siyang tumango.
"Oo! Excited na rin daw silang malaman ang gender ni Baby"sagot naman niya
"Sasabihin naman natin sa kanila kaagad ah! Kapag nalaman na natin"sabi ko pa. Hindi naman sa ayaw Kong isama sila, ang sa akin lang! Kailangan pa ba talagang sumama sila? 
"Iyon na nga ang sinabi ko sa kanila! Kaso nagpumilit sila, kaya wala akong nagawa"sagot naman ni MM.
"Okay! Wala naman tayong magagawa di ba? Makulit ang nga iyan! Sa magulang ko pa nga lang!"natatawang sabi ko naman, dahilan para matawa ulit si MM.
"Korek! Tumpak ganern!"sang-ayon niya. Napailing na lang ako habang tumatawa.
"Tara na nga! Baka kung ano pa ang akalaim ng mga iyon na ginagawa natin"pagyaya ko pa.
"Naku! Kanina pa nila iniisip iyon! Sigurado ako! Pag-akyat ko pa lang dito, iyon na agad ang iniisip nila"natatawang sabi naman ni MM.
"Isa pa nga iyon eh! Kaya tara na!"yaya ko pa. At nauna ng maglakad palabas
"Wait!"pigil niya sa akin. Kaya napatingin ako sa kanya
"Bakit?"tanong ko, ngumisi naman siya. Naku po! May kalokohan na naman itong naiisip!
"Saglit lang!"sagot niya.
"Bakit nga?"tanong ko pa.
"Sigurado akong aakyat sila dito kapag hindi tayo agad bumaba! Kaya hinatayin na lang natin sila"malokong sagot pa ni MM. Napailing na lang ako at hinampas siya
"Loko ka! Kahit kailan talaga puro ka kalokohan"sabi ko sa kanya. Pero tumawa lang siya at hinila ako papasok ulit.
"Uy! Ano ba! Naghihintay na sila oh!"saway ko sa kanya. Pero inupo lang niya ako sa Kama.
"Hayaan mo sila! Tutal maaga pa naman, para sa schedule mo di ba?"sagot pa niya. Kaya napatingin ako sa orasan.
'Oo nga no? Maaga pa!'
"Ano naman ang gagawin natin dito aber?"tanong ko.
"Wala! Bakit may gusto ka bang gawin dito sa loob?"pilyong tanong niya. Kaya hinampas ko ulit siya
"Sira! Puro ka talaga kalokohan! Alam mo naman malaki na ang tiyan ko!"sagot ko sa kanya. Siya naman tumawa na lang
"Hahahaha!!! Ikaw baby ha! Kung ano-ano ang iniisip mo!"tukso pa niya.
"Anong ako? Baka ikaw!!"sabi ko naman sa kanya.
"Asus! Ikaw itong kung ano-ano ang iniisip eh!"tukso pa niya sa akin. Kaya hindi ako nakapagpigil, pinaghahampas at pinagkukurot ko siya.
"Baby...ahhh! Aray!!!.huwag diyan!!..ahh!!"daing pa niya, habang hinuhuli ang kamay ko. Patuloy ko naman siyang pinaghahampas.
"Ohhhhh..Baby!!"sigaw pa niya, dahilan para mapahinto ako.
"Hoy! Anong pinagsasabi ko diyan! Ang halay mo!"saway ko sa kanya. Sinenyasan naman niya akong huwag maingay. Kaya napakunot ang noo ko
"Ha? Bakit?"tanong ko. Sa halip na sumagot, ay tumuro na lang siya sa may pinto. Napatango na lang ako, gets ko na.

-

Unexpected Chemistry (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon